@ramaineffr hello. not so much na mabilis but more on oral fluency. Pag mabilis ka magsalita then in the end wala namang sense e di din ok yun. Given na may element of time din, importante din ang bilis, pero dapat malinaw.
Sa speaking ang tip ko din talaga e copy the intonation (sa repeat sentence), then make a note sa itinakbo ng opinion ng lecturer sa retell lecture.
Sa Describe Image - make sure na you list down yung highest and lowest value sa graph or pie chart or basta 2 important thing sa image. With 40 seconds, wala ka na actually time na banggitin ang middle value - and important na may conclusion ka sa loob ng 40 seconds.
Make sure na mabanggit mo yung mga words na nasa graph (like yung category ng graph, at mga terms ba ginamit sa graph).
Sa re tell lecture naman, if you list down keywords lang, you’ll find yourself lost for words pag nag start na ang recording. No time at all ka na for impromptu speaking (unless super galing mo talaga).
With 40 seconds lang - ang tip ko is to write 2-3 important phrases from the lecture then yun ang sabihin mo during the recording.
This is the only area na pede kang mangopya - if you do the copying of words sa SWT or SST - automatic mag zero points ka kaya only use that sa Re tell lecture.