I took my PTE exam last Monday and got my results immediately the day after. Akala ko mababa yung scores ko kasi kinakabahan ako and I don't feel so good sa mga sinasagot ko sa exam dala na rin ng kaba pati hirap maka-focus dahil sa ingay ng mga katabi pag nag-speaking sila. Pero nakakatuwa kasi naka 90 ako sa lahat except sa reading which is 87. Siguro dahil naubusan ako ng oras dun sa fill in the blanks meron pa akong mga 2-3 items na di nasagutan nung natapos yung oras. Tyaga sa pag-review and dasal lang talaga, guys. Kaya nyo rin yun.
Share ko lang din kung pano ang ginawa kong preparation.
Nagsubscribe ako sa <b class="Bold">E2 PTE Academic</b> Youtube Channel. then pinanood ko lahat ng video dun sa Playlist nila na <b class="Bold">PTE Academic: E2 Live Classes!</b>. Lahat ng tips na kailangan mo tinuturo sayo dito. I took notes on my personal notebook and memorized the tips by heart.
Tapos PRACTICE! Importante to kasi kelangan mong maranasan how the exam flows. You may check this site <b class="Bold">https://ptetutorials.com/</b> then register for an account. Use this promo code <b class="Bold">2019PTE10</b> para makakuha ka ng 10 free mock tests. This is the closest thing to the real PTE exam and you will definitely need it! I didn't pay for an evaluation kasi sabi it takes 5 days daw bago nila ibigay yung result. Ang importante, naranasan mo kung pano tumatakbo yung test.
That's it! Normal na nerbyosin sa exam day pero try your very best to compose yourself and focus lang! Good luck sa mga kukuha pa ng PTE exam! God bless! 🙂