Hello everyone! So happy to share the results of my PTE yesterday. Naka superior na din sa wakas!! This is my 3rd attempt nga pala. What's surprising is ngayon pa ako naka superior considering na ang bababa ng enabling skills ko compared dun sa previous exams ko na halos 90 lahat. Ang weird din talaga minsan mag score ng computer. hehe. And isa pa, mas confident ako na makakasuperior dun sa 2nd take ko unlike dito sa 3rd kasi medyo physically tired din ako and parang wala sa kondisyon kasi kagagaling lang namin sa mga out of towns and di na ko ganun nakareview.
For the past 2 exams sa Reading ako lagi sumasabit so medyo dun na lang ako nagfocus sa review nitong last pero dapat pala rereviewhin mo pa din yung iba kasi sa Speaking feeling ko sasabit ako kasi nagkalat ako sa RL tapos parang may isang RS ako na nagstutter talaga ng bongga kasi ang haba ng sentence! Sa Listening nahirapan ako makapag multi task na nakikinig while reading the choices kasi like what I've said, wala talaga sa kondisyon yung katawan ko kahapon parang mabagal ako makapick up kasi kulang sa tulog and medyo sure ako na marami akong sablay sa MCMA at highlight incorrect summary pero pagdating sa WFD sure ako kuha ko lahat kaya sobrang important talaga na makaabot dun kasi ang laki ng hatak nya sa scores sa Listening and Writing.
Thank you talaga sa forum na 'to, di na kailangan magreview center kasi tips pa lang dito more than enough na! 🙂 God bless sa mga future PTE takers, focus lang sa goal makukuha din ang Superior scores na inaasam!