Took the exam last Sat, lumabas din results kinabukasan. Good thing natapos ko na yung exam hanggang WFD, and sa wakas, nakasuperior din!
Ang hirap nung reading compared sa last take ko. Dun ako kinabahan na baka hindi ko naman matapos. Buti na lang naka79.
Then na-utal at stutter ako dun sa unang Re-tell lecture na item. Nawala sa isip ko na 10 seconds lang bago magopen yung mic. Eh hindi pa ko ready. Ayun, di ko nagamit yung template. Tas ang hahaba ng pauses ko in between sentences. Buti nakabounce back naman sa mga remainig RL items.
To be honest, itong fail item #1 sa RL ko na 'to, sobrang naka apekto sa buong exam ko. Sobrang nawalan ako na ng gana at inisip ko na ng inisip to hanggang sa Reading. It's highly recommended talaga pag nagkamali, move on na. Para di na makaapekto sa mga remaining tasks.
Salamat sa mga templates at mga shared experience nyo @steven and @Supersaiyan. Sobrang laking tulong!