Gusto ko po magpasalamat ng marami sa lahat po ng nag-share ng experiences at tips dito sa forum. Naka-tulong po talaga sa pagaaral ko para sa PTE. Nagtake na ako ng IELTS last year pero di ko nakuha ang desired scores ko. Buti na lang may nagadvice sa akin na PTE ang i-take ko para makakuha ng superior english score. I took the exam last June 24 and got the results after 12 hours. Sobrang saya ko po na nakakuha ako ng 90 on the first take. Di pa rin po ako makapaniwala.
Gusto ko rin mag-share ng preparations na ginawa ko:
1.) Mga 2 months po akong nagprepare. Mayroon po akong regular na trabaho at may pamilya, so mga 1 hour a day lang ang allotted time ko manood ng videos sa youtube. Mainly, E2Language, Moni PTE at Dream English Education. Minsan din ginagawa kong pampatulog mga podcasts ng BBC or kahit nasa byahe papuntang work. Pag off days naman po, nakakapag-aral ako ng mga 6 hours.
2.) Ang pag-aaral ko po, practice practice ng speaking at writing. Hindi ko masyado pinagtuunan ng pansin yung reading ang listening, except for the Write from Dictation. Sa reading po, sa tingin ko dapat malawak talaga vocabulary niyo kasi may mga words na malalalim. On my part naman po, mahilig ako magbasa-basa ng novels and fictions pati na rin po magNetlflix at manood ng movies. Maganda po yung ‘The Crown’ at ‘Game of Thrones’ lalo na pag may subtitles. Pag hindi niyo alam yung words na nabasa o narinig, i-google agad.
2.) Yung tamang format po or templates ng PTE sundin niyo po talaga ang E2Languge. Yung mga Super Structures. Dahil legit po talaga yung mga tinuturo ni Jay. Pag dating naman sa mga tricks, si Moni PTE at Dream English.
3.) Nagpurchase din po ako ng PTE Gold Practice Test. Nakatulong ito in a sense na magkakaroon kayo ng idea kung paano ang flow ng test, lalo na sa mga first-timers. Since dalawa ang kasama dito na practice tests, malalaman niyo kung saan niyo pa kakailanganin ng ‘more practice’. 2weeks before the exam date ko kinuha yung practice test A tapos naman a day before exam yung practice test B. Mas mahirap po yung actual test kaysa sa mga practice tests.
4.) Pinili ko po na testing center ay yung hindi ganun ka-accessible or malayu-layo sa city. In a way, medyo kaunti lang po ang kasama ko sa mala-computer shop na setup ng center. At least, hindi ganun ka-ingay. Morning ako nagexam, 10am. Isang saging at donut lang breakfast ko at matapang na kape.
5.) On the test day, binuhos ko lahat ng powers ko. Hindi ako prepared sa Introduction so kung anu ano lng pinagsasabi ko. Mas maganda kung may spiel na kayo na prepared para umpisa pa lang, maganda na ang pasok. Either way, hindi naman scored itong part na to.
6.) Ginalingan ko ng sobra sa Read Aloud. Kasi feeling ko dun lang talaga ako makakabawi sa speaking part. Mala-newscaster ang dating! Yung describe image, mali-mali na minsan grammar ko at nauutal na pero tuloy tuloy pa rin. Best advice is huwag masyado mag-pause or magrepeat ng sinasabi. Yung parang alam na alam mo yung sinasabi mo. Confidence is key! Wag ma-conscious. Busy lahat ng kasama mo magtest. Wala silang pakialam sayo. Pag nakalimutan mo yung ibang words sa repeat sentence, i-try niyo na lang buohin yung sentence na, in a way may sense. Mahina kasi talaga memory ko. Sa Retell Lecture, jot down as many as you can tapos sabihin mo lahat, like, ‘The speaker said this and that and this’. Minsan hindi ko na talaga nasusunod yung mga format na sinaulo ko. Basta wala talaga masyadong pauses. Sa Write from Dictation, first letter of every word yung first half ng sentence tapos yung second half, sinusulat ko na ng buo.
7.) Yung microphone, nakatapat sa pisngi, aligned sa ilong. Tapos yung volume ng audio nilagay ko lang sa gitna.
8.) Kung mahaba pa ang time mag-aral pwede kayo magdownload ng memory games to help you with Repeat sentence.
9.) Bumili rin po ako ng Logitech H110 Headphones (mga 400php po siguro) na ginamit ko sa practice test.
10.) Pray, pray and pray
Sana po makatulong ito kahit papaano.
Again, thank you very much po sa mga previous passers na nagshare ng experiences nila. May God bless you all po!