Waaahh sa wakas naka superior din! Grabe naka 4 takes ako bago ko naitawid! makakapahinga na din ang bulsa ko sa gastos! Salamat sa mga tips na nabasa ko dito, sobrang laking tulong. Sa mga mag take pa lang, sundin nyo lang mga sinasabi ng iba dito lalo na yung mga matataas nakuha. Kung nalaman ko lang sana ang thread na ito nung umpisa pa lang baka sana di ako naka 4 tries. Anyway kwento ko na din dito experience ko and some tips baka may maitulong sa mga mag take pa lang:
1st take: L77 R83 S84 W77 (Mar29)
2nd take: L87 R77 S75 W86 (May9)
3rd take: L77 R90 S88 W83 (May22)
4th take: L84 R83 S80 W89 (Jun)
First try, si E2 lang talaga guide ko, proven ng asawa ko si e2 and reviewed for about a week only (naka 90 siya sa lahat ng types)
Second try, E2 pa rin main guide ko, while reviewing, I discovered this thread, last 2 days I decided to follow Jimmyssem for DI and RL. Di naging effective para sa akin template nya kasi ang ginawa ko, during RA, sinusulat ko ang template nya kaso dahil sa pressure, may mga nakalimutan ako. In the end, nag suffer pati RA ko kasi di ko na na practice basahin kasi nagsusulat ako ng template for DI and RL
Third try, this time I changed my guide for DI and RL to Apeuni. Mas effective ito para sa akin kasi mas madali I memorize para sa akin.. Ok na sana kaso ang dami kong items sa RS na hindi maintindihan. Actually medyo confident ako sa listening kasi while preparing, halos nakukuha ko naman lahat ng practice questions from Jimmyssem and MoniPTE, kaso during the exam, for some reason ang daming items na puro garbled yung simula ng sentence kaya nag suffer listening ko..
For the fourth try, Halos di ko na nireview yung ibang exam types, puro RS and WFD from Jimmyssem and MoniPTE's youtube channels na lang ginawa ko plus 2 mock exams from apeuni para maalala ko yung flow ng exam.
Things to consider. ang layout ng room ay 5 per side, 15 per room kung madali kayo ma distract I suggest iwasan nyo ang numbers na masasandwich kayo in between other people, kaya IMO the numbers to get are:
1,5,6,10,11,15
16,20,21,25,26,30
31,35,36,40,41,45
46,50,51,55,60
Another thing to consider, kung kukuha kayo ng number, I suggest ang kunin nyo ay either numbers, 1, 16, 31, 46 or something close to it para kaunahan kayo sa room. pag nag start kayo, di pa masyado maingay. kasi may instance na ang nakuha ko ay 30, so last ako sa room, nagtetest pa lang ako ng audio ang dami ko nang naririnig na nagsasalita.
haha parang lotto lang ah 😛 anyway yung last tips ay based sa observation ko lang, bahala na lang kayo kung susundin nyo hehe!