<blockquote rel="dukesgirl2006">?<blockquote rel="Born">Depende sa iyo. If may pera kang gumastos ng 1 year, go ka. Degree din iyan. Kung wala naman, mag 3 months bridging ka.
Kung makakakuha ka agad ng slot sa UQ, this year ba iyan? At kaya mo mag finance, I think go for it na rin. Kasi di mo na need mag undergo before hand sa AHPRA and before graduation mo dyan makapag apply ka na as RN sa AHPRA.
Medyo matagal kasi magpa assess sa AHPRA ngayon. Last year, around 1 year waiting. I think ngayon, around 6 months. Tapos after bridging, around 4-6 weeks wait again.
Another consideration is work rights. Kapag bridging program ka, wala kang work rights pagkatapos kasi mostly under visitor visa ka. Iba kapag on student visa ka, may time ka para makapag work after your degree.
I chose bridging program dahil ayon lang kaya kong ifinance (biggest factor), may experience naman na rin ako, mas mabilis maging RN. Fear ko kasi paano kung magbago na naman ang rules ng immigration at mawala na ang RN sa pwedeng maging PR or mas tataasan nila or ng AHPRA ang english requirements. Hindi ko kakayanin ang higher than 7 sa writing,</blockquote>
Plan ko next yr by august. May intake daw ng august. resignation ko kasi sa work sa september pa effective. So mas maganda talaga opportunity kung 1 yr? Natatakot kasi ako kung bridging lang. Baka after nun hnd makaregister tapos uuwi lang.mas mahirap yata yun.saka hassle ang daming requirement na hinihingi ng ahpra for the assessment </blockquote>
Huwag mo naman i-"lang" ang bridging program kasi dyan kami naging RN. We may not have funded ourselves for an expensive conversion course pero RN pa rin kami ngayon. Wala din naman assurance na magkakawork ka as RN kung mag 1 year degree ka just like bridging. Baka umuwi ka lang ding luhaan. Maybe you can work as RN pag naregister ka na with your student visa, eh hanggang kailan lang ba valid ang student visa mo? Then kapag nagexpire na iyan, wala kang assurance na ma sponsor ka. Pahirapan na kasi masponsor ngayon. So, in the end babalik ka rin sa Pinas. Walang masama bumalik sa Pinas na maghintay, mas mura sa Pinas mamuhay habang naghihintay kaysa nasa Australia ka nga, wala ka namang trabaho. Di hamak na mas mura ang return ticket.
At kung hassle sa iyo ang paperwork ng AHPRA which is simple lang naman kung iintindihin. Mas magiging hassle sayo mamuhay sa Australia. At bakit ka naman matatakot na hindi ka maregister after bridging program? Bihira bumabagsak doon. Easy lang bridging program. Personally, wala pa akong first-hand story na bumagsak doon. At kung mag start ka ngayon mag apply sa AHPRA, baka RN ka na next year yung mga possible classmates mo sa UQ, hindi pa nagsisimula sa klase nila OR hindi ka pa nagstart sa UQ mag aral, yung mga nag apply sa AHPRA ay next year RN na or better yet, permanent residents na.
Just my two cents. Decision mo pa rin iyan in the end.