@valiantboy Salamat. Napadaan ako dati dyan sa Deakin, baho mga buildings, hindi tulad sa Monash, Hahahaha.
Part ako ng 2014 new scheme ng AHPRA. Sobrang headache iyon kasi nag apply ako sa QLD, thinking na mas mabilis. Eh ang nangyari, lahat dinala sa NSW kaya ang daming pending. Siguro naging lucky na din kasi 6 months mayroon na while yung iba kong kilala ay over a year na. Pero I think mas mabilis na ngayon ang AHPRA kahit papaano. Unfortunately, hindi pa man ako nakaka bridging program. May new scheme na naman sila na to re apply after completion. Gastos na naman, at syempre imbes na 1-2 weeks lang ang process naging 4-6 weeks. At in the middle of bridging program, eto pa, nag require sila na international criminal history check na worth 163$. Gastos uli.
After bridging, kahit wala pa akong registration. Apply apply na agad ako sa mga jobs online. Less than 200 applications din siguro nagawa ko. Alam kong madami iyan, pero mas marami akong kilala na abot 500 na ginawang apps. Madalas nakakadepress kasi wala ka pang registration, puro rejects pa nakukuha mo. Reasons ay wala akong work rights, hindi ako PR or citizen, wala akong experience sa position na yun, or wala akong experience sa UK, NZ, or SG, etc. Although nirecognise nila ang experience ko sa Pinas, hindi sila nagsponsor.
Bago ako nag exit sa AU na arrange ako for interviews. Isa sa nursing home at isa sa ospital. Di pumayag yung nursing home sa online interview. Yung ospital buti pumayag. Mahirap ang interview nila at mahaba. Ayon, naka jackpot ako!