@joemar - ayan may guide na po kayo, based on experience na po ni @Nadine..
a) hintayin nyo na lang po ang result ng Vetassess, kung nagsubmit kayo ng Nov 2012, mga between Jan/Feb 2013 na po sguro ang result nyan..
b) and then saka pa lang maprocess ang visa (processing time is between 2-3months), so mukhang ma-susubmit nyo before mag expire (July 2013)
ang question na lang:
1) Medical Exam - baka po ulitin nyo ang medical kung hindi sa DIAC accredited clinic nagpamedical si mister at baka expired na din ito.. 1 year din po ang validity ng medical exam.
2) English requirements - may mga exempted po dito under 457 (unless requirement ng mga licensed practice, like yung kay @Nadine, since medical professional sya, kailangan po nila un)..
eto po ang statement dun sa 457 link from DIAC na provided ko sa previous post:
<i>"<u>You do not need to show that you meet this requirement if any of the following apply to you:</u>
• you have completed at least five years of continuous full time study in a secondary and/or higher education institution where instruction was conducted in English."</i>
so sa tingin ko, baka kailangan na i-prepare ni mister ang document na ito, kuha po kayo sa High School/Technical School kung san sya nag-aral ng "Certificate of English as Medium of Instruction"
3) Police Clearance - Iprepare nyo na po ang Police Clearance kung saan nag stay si mister ng 12 months or more.. Example tumira sya sa Saudi ng more than 12 months, kailangan po nya ang Saudi Police Clearance (base sa mga kwento dito, medyo matagal din daw po eto, unless meron na si mister nito ngayon).. sa Pinas naman eh NBI clearance (pero saka na po ang NBI pag nasubmit na ang Visa application, dahil may expiration din po ito)..
4) Family - more importantly, baka pwedeng isama na ang buong family sa Visa application, kasi wala namang dagdag bayad pag ksama ang family. (employer po ba ang magbabayad nito?).. para ksama ang pamilya sila sa AU.. (required docs ng mga dependents: passport, birth certificates at marriage cert)
Goodluck po.. Wag mawalan ng pag-asa..