TIPS FOR THE HAZARD TEST (VIC):
Pag nagdadrive na rito sa Au (kahit na lesson lang) , maaapply mo siya sa test. Tanong run kung kelan ka magmomove off, turn, slow down at overtake. May 4 na practice test sa simula, pwedeng lumabas yun sa actual exam kaya kabisaduhin na lang yung sagot. Just a heads up, medyo pixelated yung video. May scenario wherein may tram sa harap, so dapat magstop pag nakita na na umilaw yung brake lights ng tram. Meron din yung sa intersection sa may traffic light pag amber na need ng magclick ng mouse. Meron yung mga pedestrians na nagtatago sa gilid ng parked cars, kaya watch out din. May question kung saan tanong eh kung kelan magoovertake nung tractor eh uphill yun. May question rin na may yellow signs, Bago malampasan yung yellow sign, slow down na. May question about turning, magclick na nakikita mo pa yung dulo ng sasakyan na susundan mo. Huwag rin maging click-happy kasi may mga tanong na dmo kailangang pumindot. 🙂