Just thinking out loud....Bakit ganun, after visiting Aussie for 10 days parang hindi naman ako na-encourage na i-pursue to migrate there. Yes, magaganda ang sceneries, less pollution, maraming parks, pero on the other side of me I feel awkward and intimidated whenever I tried to speak to locals, kasi it's either hindi nila maintindihan accent ko or sila di ko maintindihan, kasi iba-ibang bansa mga tao dun like Indian, Italian, Spanish, French. Tapos feeling ko ang liit-liit ko pag naglalakad ako kasi karamihan ng tao matatangkad so feeling ko pag tumitingin sila sa akin parang sinasabi nilang "ang liit mo naman" (I admit kulang ako sa height, 5 flat lang ako, pero normal lang yun sa Asian countries di ba?) And then mahal nga kumain, sa isang araw siguro nakaka-$30 or $50 ako, kadalasan pie and salad pa binibili ko ha hindi yung talaga complete meal sa resto. Tapos nung winter, ang lamig-lamig, nakakamanhid ng muscles, kaya pagbalik ko ng Pinas hindi ko ma-feel ang init. Ang pinangpu-push ko na lang sa isip ko e may long term benefit sa Aussie. I mean you can apply for PR and citizenship if mag-work ka dun ng matagal unlike in other countries.