@RM10 said:
Salamat po sa pagshare ng mga personal experiences nio..Habang
papalapit po parang napapaisip ako if tama ba tong big move namin.Yung husband ko po kase talagang pinilit ko lang gusto nia talaga magstay sa SG kase PR naman kami pero ako naman gusto ko na umalis dahil super stress na sa work.Wala pa po kami anak and hoping magkaroon na sa paglipat namin sa AU..
Tagal na akong inde naka login dito. pero here goes my opinion. Almost 3 years ago we did our move from SG to AU. PR ako. but anak ko inde. so obvious yun benefit dahil sa family. So I will not go into that.
Pero these are the benefits na inde namen alam but only found out nun nag move na kame. I can say I can give these opinions kasi I stayed sa SG close to 14 years. 14 years umasa, lumuha at ni reject.
Malaki nga ang tax dito pero mas malaki naman ang sahuran din. At madameng makukuha sa govt. Na operahan si misis. ang tanging binayaran ko e parking. pero nun mga sunod na appointment nag hanap na lang ako street parking so libre na. Then subsidised ang chilcare. Libre ang school sa bata, etc.
Madaling magka sasakyan dito. Yun lang na spoil na minsan at inde na naglalakad ng mahaba
May security ka na path papuntang citizen. Sa SG lagi silang nagbabago ng rules. yun mga kilala namen nagrereklamo kahit PR yun anak pamahal ng pamahal ang tuition at ibang bagay. Napapamura at pinaaral daw nila yun mga classmate na SG citizen.
Eto big one - pede kang mag retire dito. Sa SG need mong umuwi sa pinas kasi napakamahal kapag na ospital ka balang araw. Kahit na sabihing mong PR kayo ngayon mag asawa o single ka at inde balak mag anak. Mabilis mauubos yun CPF mo o medisave mo kasi isang ospital lang boom ubos yan. May mga kilala kame na Citizen na sa SG pero pinili pa rin lumipat (Canada or AU). Pero I have never heard of an Australian citizen na nag give ng ng AU citizenship to become SG citizen. Maybe pag ultra rich para mag benefit sa tax. Kasi nga mahal pag retired ka na at ma ospital ka. Less nga ang tax sa SG pero binibigay ng SG govt sayo yun burden balang araw. May mga kilala akong AU citizen na nasa SG ngayon for work pero inde nag give up. Mga expat sila. balang araw babalik din daw sila dito AU kasi nga may pension, libre ospital etc. So double benefit kasi makuha pa nila CPF nila dyan.
Eto na relaize ko lang nun nakabili kame ng sariling bahay. Ang sarap pala pag gising mo at pag labas mo ng bahay backyard o frontyard e nakatapak ka sa lupa. inde yun pag tanaw mo sa labas e samapayan ng kapitbahay mo ang makikita mo. Sarap din mag garden, plantito na ako. Malaki ang mga lupa dito. madameng space para magpatintero
Eto isa pa, in terms of investment kahit PR ka lang pede ka bumili ng rental property. Nakabili na kame ng investment property at mas mura pa kesa sa condo na benta sa Yishun Northpoint nun umalis kame. Natandaan ko nun umalis kame SG nakakuha kame ng flyer sa mailbox nun 2020, 1m for 2BR condo dyan. nabili nameng investment dito e close to 600sqm na bahay 800k lang. Kapag PR ka sa SG if I am not wrong, isang HDB lang pede at may stamp duty pa yun. Pede condo pero malaki din yun tax to buy for succeeding properties. Dito upto sawa kun may pera ka. may kilala akong ex SG citizen 7 na investment properties nya dito.
Work life balance here is the best! nakapag pintura ako ng buong bahay namen while bayad sa oras. shhh... Inde sila asian mentality dito na need mong i clock yun 8 hrs kasi yun ang bayad sayo kahit naman nag facebook ka nalng sa office. haha. Pag tapos gawa mo bahala ka na sa buhay mo. inde tataas kilay nun mga tao sa paligid at sasabihin nauna pa akong pumasok dun ha. ako lang nagsasabi nun sa sarili ko sa office.
Napaka pro family dito. nun unang mga weeks kong nag wowork nagtataka ako minsan umuuwi na mga tao before 3pm or nawawala un iba at nakablock calendar ng 230-330. O kaya minsan maririnig mong hinihingal yun ka meeting mo ng ganong oras. Sunduan pala ng mga bata. isipin mo sa SG ka, paalam ka sa amo mo - I will just pick up my kid. Ano kaya reply sayo. Dito no questions ask kapag family
Vinavalue nila ang opinion ng bawat tao dito. Doesn't matter kun cleaner ka o ano man. walang work dito na "LANG". Every voice matters. sa office nga yun isang officemate ko kinokontra yun may ari ng company e.
affectionate sila dito lalo kun may pinagdadaanan ka. minsan to a fault na. Based sa real experience to. Nakunan si misis sa SG noon. yun OB na nag deliver ng news sa amen walang ke palalabok direct to the point "baby is dead". Mas concern pa na tinigyawat si misis at sinabi too bad why you have so many pimples. diba nakaka bwisit. Nun nakunan si misis dito sa AU sobra ang compassion nila, ang dameng nurse na nagcheck samen to comfort us. Si misis na sobrahan na kasi lalo syang naiiyak dahil niyayakap pa sya. Tapos un isang scan namen sa private clinic kame kasi emergency na (inde kame siningil nun private ng kahit anong fee - consultation o ultrasound) baka dahil naawa na sa pinagdadaanan namen. Tanda ko sa Sg noon nun lumabas kame ng clinic sa counter that will be 260 dollars. tapos habang nakaupo sa bench may lumapit na inusrance agent inaalok pa kame ng insurance for next baby try daw. taragis gusto ko ihagis yun leaflet sa kanya na may pinagdadaanan kame diba.
Mas malapit sa kultura ng pinoy ang AU. Big deal gn Christmas season dito unlike sa SG na parang just another day. CNY ang big deal dyan. Madameng catholics dito kun catholic ka.
Pede kang mamasyal ng inde baskil ang kili kili mo. Nag pipicnic kame dito kahit maawa d ka papaiwan(wag lang summer). Sa SG noon nag botanical gardens kame, may baon akong extrang damit kasi basa ng pawis yun damit ko.
Maganda ang nature scene dito. napaka sarap mag road trip.
CON ng AU compare to SG
Mas madaling umuwi sa pinas
Mas gusto ko ang food scene sa SG (Halos lahat kameng magkakaibigan na galing SG ganito ang sentiment - food ang namimiss). Kun puti ka siguro mas gusto mo dito.
mas convenient in terms of buying things sa SG, kasi noon naalala ko pag gising ko naka sando lang at inde pa nag toothbrush baba lang ako bibili sa hawker ng food o sa mall na lakad lang ng 5 mins. Dito need mo isasakyan halos lahat
mas inde nosebleed ang english sa SG. can can, dont play play uubra na. dito mapapa can i please get some Wataaah (water).
Mas madameng klase ng damit ang meron ka dito (may pang winter, summer, etc)
Mas maganda airport ng Sg ng milya milya. hahaha. Compare ko na to sa Sydney ha where we are right now
Mas mapapa DIY ka dito sa maranming bagay. So ako nag karpintero na, nag pintura, etc. Mahal ang services dito. Kaya ikaw mismo gagawa. yun iba CON ito pero saken mas ok kasi nag eenjoy ako. kagagawa ko lang ng cabinet nun isang araw. Si misis naiinis na saken dahil ang dame ko ng tools. hahaha
Eto biggest para saken. May yaya sa SG. dito kayo lahat, pagod sa umpisa pero nasanay na kame. parang exercise na rin.
I am sure madame pa na inde ko nalista. pero kun babalikan ko kahit na citizen kame sa SG mas pipiliin ko ang AU kun alam ko ang i ooffer ng bawat bansa prior. Kalimitan naman nun nag sasabi ng mas gusto nila SG is because they don't know the unknown, nasa comfort zone na or afraid to go back to square one. I know kasi ganyan din feel ko nun before kame umalis SG na kesyo ok na ako sa SG (manager na rin ako noon dyan). kasi nakakatakot na baka pag lipat mo ang work mo e inde mo linya or napakababa.
So yun opinion ko ay dahil nakakuha ako ng linya ng work ko although inde ako manager isang hamak na tiga sunod lamang. So maiintidinhan ko yun mga nakalipat ng AU na may regret kun sa SG e mataas na sila then lipat dito inde nila linya. Dito pumapasok yun subjective na tlga ang opinion.So bawat tao e unique. You just have to take it with a grain of salt.Napakahaba na pala nito at nakalimutan ko nasa work pala ako. anyway Goodluck sa mga mag move o nagplaplan palang.pakidalhan nga ako ng hokkien mee.