@batangmanlalakbay said:
Hello po, ask ko lang po kung san po mura at magandang freight forwarder para magpadala ng box from Singapore to Australia? Salamat po!
Hi @batangmanlalakbay, Kami po sa Astro Movers nagpadala, Singapore to Sydney. Actually dalawa yung pinamilian namin, Astro Movers at Allied Movers, halos same lang sila ng price based on 1cbm/groupage. Yung 1cbm is approx 8 boxes, ang dimension ng box is 55x45x44cm. Yung transit time naman is freight dependent kasi aantayin nila mapuno yung container, pero ang ibinigay nilang guideline is Port to Port Time: Estimated 22 days and Customs Clearance: Estimated 14 days. Yung mga boxes namin were picked up June 10 and was shipped the next day, kaya ayun naunahan pa kami ng mga box makarating sa Sydney. Unfortunately, yung isang box eh may damage, pero di pa namin alam kung anong extent nung damage.