@iam_juju
Pero nung naglodge ka ng visa sinabay mo din kasama ng itr, COE and payslips? - ginamit ko kasi yung affidavit para sa EA assessment. nung naglodge na ako ng visa hindi naman sila nagtanong regarding sa nagclose na companies ko. yung company ko kasi branch office ng australian company. kaya humingi ako ng COE sa head office. gumawa lang ako ng draft ng COE at yun nagissue sila ng copy with their letterhead and contact details. sa case mo kung kaya mong makahingi sa head office nyo mas maganda siguro. isubmit mo na lang lahat. itr, coe, payslips
Nung nacontact ang CO nag ask ba sya about your closed employer kaya nghingi ba sya ng addl proof or satisfied na sya sa mga pinasa mo? - hindi na sya nag-usisa sa closed companies ko. kuntento na sya siguro dun sa coe, itr, at payslips ko. yung additional proof of employment na hiningi nya eh yun yung galing sa ATO(Australian Tax Office) para maverify nya yung number of australian work experience ko. gnawa nya yun para maverify nya kung tama yung number of points ko para sa 189 visa.
Nagmove ka na ba or pinas parin? - nung 2012 pumunta ako rito sa australia as temporary skilled(457 visa) worker. nung makuha ko yung 3 yrs experience dito sa oz tska pa lang ako nagaplay ng visa 189. hindi na ako nagpasponsor para malaya ako hehe..