@marcopolo Dito sa atin sa Pinas, pag sinabing "notarized"/notario ang usual na pagkaintindi ay dapat merong nung part na "Subscribed and sworn to before me...." at ang CTC ay may nakalagay lang na "Certified True Copy" at either meron o walang pirma ng officer na nag-issue ng document or notary public.
May pagkakaiba yun sa singil. Yung may "Subcribed and sworn to..." since essentially it becomes a public document and a notary may be asked to appear before a court if it is used as evidence, nasa 150 to 200 pesos ata ang parang prescribed fee ng Supreme Court. Nauso kasi ang pag scrutinize ng mga notarized documents dahil sa mga live coverage ng impeachments at committee hearings sa senate. Yung simple certified true copy ay may nabasa ako na 20 pesos per page daw sa may Makati.
Now, para sa Australian requirements (AHPRA, ANMAC, visa application), what they require is that a public notary signs the document with the phrase "I have sighted the original and certify this to be a true copy of the original." essentially pareho lang ng "certified true copy" pero ang allowed lang na mag sign dito sa atin ay either sa Australian embassy or a notary public.
Since notary public ang signatory, tinatawag din syang notarized.