@DebbieMae
Hi, wala namang mas advantageous sa dalawa. At the end of the day, pareho lang naman silang maglelead sa registration. Kapag gusto mong matapos ng mas mabilis, you can take BP but if you want to take your time you can do conversion course. Once you have become an RN here in Au, employers won’t ask what pathway you took kasi hindi naman nila alam yun. I would say na ang pinakatinitignang factor when it comes to finding a job is yung experience mo overseas. With your specialty, I don’t think mahihirapan kang maghanap ng work rito. With the PR application naman, wala ka namang makukuhang points for BP or Conversion (not unless na you took a 2yr Conversion course). Yung bilis ng PR application ay nakadepende sa points mo for migration at hindi sa tinapos.
Ang pinakachallenge is yung Visa. Even if you are an RN here in Au kung wala kang valid visa to work and stay here, at bay ka muna. At the moment matagal ang processing time ng PR and even with 457, So have an emergency fund just in case.