Hi Guys, kakasubmit lang namin ng application for visa 887 last night. Sa wakas after 2 years of hard work my chance ng maging PR at most importantly makaka avail na ng medicare.
Sa mga new visa 489 holders na mag laland sa AU, take my advice kuha kayo ng private insurance as soon as possible since hindi tayo covered ng medicare. I learned it the hard way dahil nung nabuntis si Misis wala kaming insurance, may choice naman kami na umuwi si Misis at sa pilipinas manganak pero we decided na dito na lang ipanganak yung baby namin dahil nga malapit na kami mag apply ng visa 887 by the time na manganganak na siya at kung sa pinas siya manganganak e madedelay kami lalo dahil hindi naman kagad pwedeng i sakay ang baby sa plane. Anyway long story short malaki magagastos haha kung tutuusin pwede na idown sa bahay yung nagastos namin. Fast forward today 5 months na yung little one namin at eto pwede na kami kumuha ng medicare since nakapag submit na kami ng PR application. Goodluck satin.