pijay
As long as katulad or malapit nung nasa relevant task/job description yung work experience mo regardless kung anong position, ma-c-credit yan. Check mo nalang sa website ng vetassesstapos hanapin mo yung occupation, nandun yung details.
-Since board passer ka, considered na bachelors ka regardless kung anong section ng school mo. So 15 points na yun
-Mag ma-minus ng 1 year pala sa experience mo kasi kasama sa criteria nila yung 1 year na yun para iconsider na positive ang assessment mo. Halos ganun talaga lahat sa vetassess, minus 1-4 year depende sa school/experience mo.
-Ang architectural draftsperon pala, hindi pwede sa VisaSC189 kasi STSOL lang yung occupation, 190/491 lang ang pwede. Check mo sa immi homeaffairs na website or kahit i-google mo about sa STSOL.
-I see na 2022 ka graduate ng BS architecture? Hmm not sure kung sa Criteria 1, 2 or Criteria 4 yung gagamitin nila sayo.
-Kapag Criteria 1 or 2 kasi, ganto, Graduate+Boardexam+1yr exp, after nun saka mag start counting ng Experience mo. Eto kadalasan yung nakikita ko.
-Kapag Criteria 4, 3yrs+1yr(na within the last 5 years)+Graduate, after nyan palang mag sstart yung count ng Experience mo. Not sure din kung baka dito mag fall yung sayo kasi dapat 20hrs per week ang work mo para i consider nila yung work exp na yun(also not sure sa 20hrs/week, di ko narin maalala kung san ko nakita tong info na 'to).
-Nag overlap ba yung company 2 & 3 mo or typo lang? Mas maganda kung 1 lang ang ilagay mo para din di na maguluhan yung vetassess.
-Dapat meron kang payment evidence sa lahat ng experience mo. Yung ibang work ko na mga 1 year+ in total, din di ko na credit kasi wala akong payment evidence kasi cash basis lang kami nung mga naging boss ko dun. Check mo pala sa website ng Vetassess lahat ng requirements kung makakapag provide ka para alam mo kung maccredit yung lahat ng experience mo. Anyway, si Vetassess parin naman ang bahalang mag assess sayo, naka depende parin naman sa kanila yung outcome. Read more nalang sa wesite nila kasi andun naman lahat ng instructions sa process nila, mejo overwhelming lang, pero makikita mo naman lahat dun.