@bob88 hello! Sorry sa late rep...
With regards dun sa EOI and vetassess forms, hindi ko makita sa email ko yung form. Nalost ko yata somewhere dahil sa dami ng email exchange namin ng agent. Yung agent namin ang nagfill-up kaya hindi ako makabigay ng concrete na answer. Meron bang option na any state? Parang ganyan yata yung pinili ni agent para samin before. I think ok lang kahit magkaiba yung sa form and sa eoi. Kasi kami after mareceive yung assessment from vetassess, paiba-iba din kami ng state nun sa eoi. Depende kung san magbubukas. And parang wala naman akong natatandaan na may nakaindicate na state sa outcome letter. Research mo yung vetassess outcome letter sa google, makikita mo yung samples, wala naman nakaspecify.
Yes. Diff state, diff proof of funds. Sa QLD nung time na nag-aapply kami, AUD45K for a family of 3. Pero ang kailangan mo lang ng proof is cash amount of AUD15K. The rest, declaration lang. But of course, hindi ka pwede magoverdeclare para in case hanapan ka ng proof, may mapapakita ka pa din.
Kung gustong-gustong-gusto mo matuloy sa Australia, kayang-kaya mo lampasan yung mga bagay that are holding you back. Hindi madali ang buong process, tedious and nakakakaba talaga. Pero sa tiyaga and dasal, kayang-kaya yan!