Hi po, uubra po kaya sa TRA to o kaya sa Vetassess kung sakaling hindi ako makahingi ng detailed COE sa huling company kong pinasukan?
Ang meron lang ako ay:
Contract ko nung probationary ako, nakalagay yung start date tska working hours ko (nung naregular ako wala ng pinapirmahan sakin);
Employment certificate na may job description kahit papano, may start date kaso iba dun sa probationary contract ko (mas maaga ng 5 days), tska ang purpose eh para sa pag take ko ng RME ang nakaspecify.
Clearance certificate na nakalagay yung effectivity ng resignation ko tska na cleared ako sa company. Naibigay nila kasi agad sakin, sa kasamahan ko nakahold eh.
BIR 2316 for 3 years
Bank account statement from BDO (parang notepad lang, DOS p ata gamit nila) tska mga payslip ko pero di kumpleto.
Yung first 3 pirmado ng VP namin tska naka letterhead, pwede na kaya tong mga to as paid work tska relevant experience evidence? meron din akong photocopy ng ID ng VP namin na may specimen signature nya. Wala akong business card nya pero pwede ako magprint, may template ako.
3 yrs. 5 mos. ako dito pero di naging maganda pag alis ko (mali ng company). Ano bang pwedeng gawin kung sakaling manirya yung mga yun? Naghihintay pa ko hanggang May, isasabay daw sa last pay ko. Kung sakaling may mag verify di naman nila ako pwedeng ideny dahil resigned naman ako.
Salamat sa mga makakatulong sakin.