Kailangan kong magpost dito!! haha
Graduate na rin ako ng seek, (for the time being) Sa wakas, nakatagpo din ng tugma sa work experience ko... :-)
it took lang naman around 7 months! Susuko na nga sana ako at babalik na ng middle east at ung amerikano kong boss dati e naghahanap ng someone like me!
napakaraming close call...first week pa lang upon arrival ko dito e supposedly may work na ako agad pero naglaho! Pero oks lang, hinde pa ako nawalan ng pagasa during that time...
Two months passed by since my arrival at wala pa rin makuhang work na tugma sa experience ko, pero at least nagkaroon ng part time job as a catalogue delivery boy, ok naman ung first month na kita, around 120 to 200 AUD din per week, and most of all e nag-enjoy rin naman ako meeting some aussies and learning Oz Culture...pero hinde sapat para ma-sustain ang cost of living dito sa Oz...buti na lang at nakapasok ako as a casual laundry worker, which maganda naman ang pay since nakakapagpadala na ako sa pinas! Pero hinde pa rin natigil sa pangungulit ke Seek! I have had some interviews, one was as a Supervisor pero need ng C Class license e hinde pa ako napasa sa driving that time kaya hinde natuloy...then supposedly e working na ako sa woolies, pero i think na-discriminate ako ke woolies...then most of the time e puro phone interview lang ung nangyayari sa mga job application ko, which is not bad na daw sabi nung iba since kahit paano e narerecognize daw ung CV ko...btw, those phone interviews, i think kaya sumasablay e need talaga ng mga Oz employer ng work experience here in Oz mismo...and to some extent e mga tickets...which wala naman ako at white card pa lang ang meron ako! :-p
Then eto na nga, tumawag na rin sa wakas ung pinakamimithi kong job post...it took about an hour sa phone interview...then after that, face to face interview na...around 1 hour din ung interview with the HR, plant and operations manager...after that, e plant visit naman...2 kame na nagplant visit, isang aussie na na-retrench sa mining...tapos, after that, tumawag na ulet si HR at sabay sabi na ung aussie na lang daw muna ang ihihire since may work naman daw ako at si aussie e na-retrench...pero ihihire din daw nila ako, hinde lang daw muna sa ngayon...so si ako naman, badtrip ulet...sablay ulet...
weeks later, tumawag na si HR at ihihire na daw nila ako...need lang daw ng reference..since isa pa lang naman ang company na pinagtrabahuan ko dito sa Oz, no choice ako, kaya ive asked the owner nung laundry na pinapasukan ko to be a reference, initially hesitant ako, sinasagot sagot ko kase minsan si manager ko..hahaha...but to my surprise, hanep, puro papuri ang narinig ko sa boss ko upon the call nung HR about me...
In summary, to those na naghahanap pa rin ng work in line sa experience nila, tiyaga-tiyaga lang mga kapatid, ganun talaga...pray harder...darating rin yan...if ever wala pa, enjoy most of ur current job kahit hinde linya sa work experience natin...establish a good record and a good relationship sa mga bosing natin, most likely, if ever makahanap na kayo ng work in line with your experience e maghahanap sila ng reference from your previous employment at iba pa rin pag ang reference niyo is coming from Oz mismo... :-)