Update lang sa post na toβ¦
Nakuha ko na ang OEC koβ¦ flight ko na sa 23 July. π
Need talaga ng OEC for any working visa, kahit san pumunta.
Magjoin po kayo sa Facebook group na βHow to Process POEA-OEC for Direcr-Hiresβ, napakalaking tulong nung mga info duon.
Tsaka mostly sa professional applications like mga TSS482 Visa bound to AU, very smooth lang. Na-rattle lang ako nung una kasi never ko talaga inakala na after ng visa grant, meron pa palang exit clearance, which is the OEC.
Ang maganda, dapat iset sa employer ang expectations na need ng OEC ng visa holder to exit PH, as a direct hire sa AU. Mas maigi isend sa employer ang info ng POLO Canberra for this: https://www.philembassy.org.au/latest/polo kasi yan talaga ang need sa side nila para maprocess ang OEC dito sa Pinas ng employee. Kapag cooperative ang company, madali langβ¦ once maverify ng POLO ang documents, madali na lang ang stepsβ¦
May mga needs lang talagang gawin sa side ni employee, dito sa Pinas, bago mag ka OEC. It was stressful at first, but pwede naman basta nagkakaunawaan kayo ng company...
Swerte rin siguro kasi TSS 482 Visa holder since inisponsoran na ng company ang lahat lahat, hindi na sila magggive up sa employee. May mga cases kasi na sa tagal at daming proseso dito sa Pinas, eh nileletgo na lang nila ung employee, kukuha na lang sila ng iba.
Magcreate ng account sa POEA E-Registration: https://onlineservices.dmw.gov.ph//OnlineServices/POEAOnline.aspx , navigate how to create your POEA account here. Every step para makakuha ng OEC dito magstart
Once naverify na ni POLO Canberra ang mga documents, iupload ang scanned copy ng mga yon sa account na ito. That's for Phase 1.
Read on here: https://filipiknow.net/poea-oec-requirements-for-direct-hire/ mukhang tedious lang kasi andaming details na sinabi sa link na yan pero in a gist, ito lang sya:
Phase 1 Requirements, dapat validated by POLO Canberra na ang mga to, kahit scanned copy lang, siempre kasi for uploading. Lahat ng docs iuupload sa POEA Ereg account mo... Pag kasi naverity ng POLO, tatatakan nila ang mga per page ng docs, then issend nila sa email mo ang scanned copy ng mga docs from your employer
- Valid passport mo (siempre copy lang to kasi nasayo ang original)
- Valid Work Visa (email lang naman talaga to na pinrint diba) so ok lang
- Verified Employment Contract signed by you and the employer
- Addendum to the Employment contract, signed by you and the employer
- Additional Documents to Support Job Application: your CV/Resume, TOR, Diploma, Certificate, combined into one PDF file
- Notarised statement of authenticity ng CV/Resume, TOR, Diploma, Certificate
- Notarised statement on how the worker secured the job
- Contact Details ng Employer or representative or ung signatory sa contract mo...
- Verified Company Profile, business certificate , isama na rin ung Website > About Page
Pag ka upload ng lahat ng yan, iaassign na sa POEA Evaluator, mga 5 working days lang , kung complete and walang issue ang docs na inupload mo, For Phase 2 ka na. Kapg may issue, sasabihin sayo kung ano yung for compliance mo...
For Phase 2 naman ito na ung mga:
- PEOS (Pre-employment Orientation Seminar) online training lang naman to, and may quick test sa dulo, at the end, mapprint mo na certificate
- PDOS (Pre-departure Orientation Seminar), pwede online, pwede walk-in sa Ortigas, sakin nagwalk in ako para makuha ko na agad ung certificate at the end of the seminar.
- Certificate of Insurance
- Medical Certificate - pero for AU bound hindi ito required kasi kasama na sa Visa application ito
Upload mo ang mga naturang Phase 2 Docs.... then bibigyan ka na ng....
Appointment Date -- dito mo lahat ipapakita sa Evaluator ung original docs mo. Pati ung POLO verified docs dapat nasend na sayo dito sa Pinas physically kasi hahanapin nila... Sa case ko, since hindi pa nakakarating ung docs from POLO, nag affidavit of undertaking ako at pinanotaryo na pinadala na talaga sakin and katunayan meron akong Tracking number... and pinanominate nila ako ng 3 contacts dito sa PH na magppresent ng docs sa kanila once dumating dito sa Pinas, at wala na ko kasi nasa AU na.... hassle, pero anong gagawin natin... um-OK naman to
And sa appointment date, do not forget to bring ung Direct Hire Declaration na makikita sa EReg... pwede ifill out un, print and ipanotaryo....
And additiona tip, lahat ng docs, iphotocopy na ng 3 kopya para sure, or even 4 copies....
Bayad -- PHP6,987
Makikita mo na sa E-reg account mo ung "Print OEC", print mo na on your own, 3 copies daw need.
Sana nakatulong....
Thank you, ready na ko umalis ng bansa.... π))))