Hi Everyone!
Finally nakagraduate na ko sa PTE. 🙂 Malaking help sakin 'tong forum since day 1. Eto naman ang tips na maibabahagi ko. (actually halos same din sa sinabi ng iba)
SPEAKING & WRITING
Bago kayo magumpisa test nyo ng maigi mic. Kapag yung recording nyo malinaw at malakas ang boses nyo at walang feedback, it means ok na yun. Hindi nyo need sumigaw sa mic.
Read Aloud
Normal boses na mejo mababa and clear. Napansin ko din dito dapat mejo mabilis. You need to pause pag may period and comma. May timing yan e. And pag mashado mahaba sentence alam nyo din kung kelan mag pause. Please check e2language sa utube 🙂
Repeat Sentence
Practice practice ang secret dito. Pumipikit ako sa part na 'to at nakakatulong naman 🙂
Describe image
Before magumpisa dito, clear mind and wag magpanic. Hindi mo need isummary or sabihin lahat ng makita mo sa image/chart. Ang sikreto dito tuloy tuloy and no hesitations. No hmm, false start, or paulit ulit. And hindi pwedeng wala ka sasabihin in 3 secs.
Format:
This (whatever) graph/chart represents/shows (topic)
(talk about any two or three info you can see in the image) The highest blah blah, the lowest blah blah. Followed by blah blah
In summary, the graph is accurate and concise and could be a helpful reference for further studies in (something).
*kabisaduhin nyo yang format na yan pati mga fillers. Napakalaking bagay kapag wala na kayong masabi. 🙂
Retell Lecture
Important masulat nyo in bullet points yung sinasabi ng speaker. Practice magsulat habang nakikinig at dapat mabasa mo sulat mo hehe. Nangyari sakin indi ko mabasa sinulat ko. Kasi after mo magsulat ilang secs lang magsasalita ka na agad.
Format:
The speaker mainly talks about (topic)
According to the speaker, there are several points in the lecture.
Firstly, he/she mentioned that (point 1)
Secondly, he/she emphasized (topic 2)
Lastly, he/she suggested (topic 3)
In summary, it is clear and interesting as a learning topic.
Same sa describe image, kabisaduhin format pati fillers. Pwede din kayo magimbento ng iba pang fillers for general use
Answer short question
Practice din dito and pwede din pumikit para mas makaconcentrate.
Summarize written text
May magandang tutorial ang e2language for this test. Ang ginawa ko, basahin ko essay then distinguish ko kung what is it about and kung ano yung mga palabok lang (details). Then tanggalin ko mga palabok and kunin ko lang yung mismong (main) idea ng essay. Nahirapan din ako dito dati kasi pati details sinasali ko. Practice practice ang need
Essay
Most of the time argumentative essay ang need isulat. 4 paragraphs ako dito. Practice practice. check:Grammar, spelling, punctuation
Format:
- Introduction
background statement
rewrite the question
“This essay will…”
- Arguments 1 & 2
opening sentence
support sentence
evidence
closing sentence
- Closing
"This essay discussed" (summarize points in arguments 1 & 2)
"In my opinion," (rephrase 4th sentence in Introduction)
READING
• magbasa-basa ng articles then try mo gawan ng summary
• widen your vocabulary
• practice magexam and magbudget ng time per item
LISTENING
Malaking bagay makinig ng Podcast, BBC
Summarize spoken text
Same as retell lecture to pati format. ang difference lang isusulat mo ang sagot
check:Grammar, spelling, punctuation
Multiple, multiple answer
Take down notes and intindihin habang sinusulat. Ibangga ang notes sa answer options
Fill in the blanks
Tip. press tab lang agad para sa next missing word
Highlight correct summary
Sulat mo idea ng mga sinasabi then ibangga mo sa tamang summary sa options
Multiple choice, single answer
Check e2Language sa Youtube
Select missing word
Eto need mo check yung options habang iniintindi mo yung recording
Highlight incorrect words
Itapat mo lang yung cursor kada word na sabihin
Write from dictation
Type mo lang kung ano marinig mo kahit wrong spelling. ayusin mo spelling bago mo click Next
Gumamit din ako ng PTE Tutorial and PTE Preparation app. Kelan ko lang nalaman may ganyang app na pala hehe. Malaking tulong sya sa pagpractice sa Reading since yun ang weakness ko.
Para sa mga nagstruggle kagaya ko.. Kung hindi nyo pa nakukuha ang desired score, don't give up. May perfect time si God at makakamit nyo din yun. Never lose hope. Tiwala sa taas at sa sarili. 🙂
God bless everyone!