Hello po. Sana may makasagot ng dilemma ko. This is our situation po. Bale I got sponsorship po from an Australian employer for visa 482 medium term, they will also sponsor my husband as my dependent. Unfortunately, medyo hesitant po si employer nung nabanggit ko na if pwede ba isama na din yung dalawa naming kids, dahil dito mukhang maiiwan po sila (3 y/o and 1 y/o). Need na daw po kasi nila kami mapapunta dun asap, eh mas matatagalan ang processing pag madami daw kami. My questions are:
Ifever makarating po kami ng australia under 482 visa, pwede po ba kaming mag-submit agad ng EOI for visa 189 (85pts po kami based sa calcu)? Or negative po ba ang dating nito kay employer?
For visa 189, pwede po ba kami mag-apply nun ng nasa australia kami ni husband tapos yung dependents namin na mga bata ay nasa pinas?
If maging dependents naman ang mga kids namin under 482 visa (kunyari mapapayag si employer), magiging international student po ba ang rate ng school fees nila in the future?
If hindi po umubra si 1 like conflict talaga kay employer ang pag-apply agad for 189 visa, may chance po ba mapapunta namin ang mga kids sa australia under tourist visa?
We just want to know po ang mga opinions nyo or if merong may similar experience sa amin. We really don't want po sana to leave our kids behind, pero sayang din naman po ang opportunity especially maganda naman po ang offer ni employer at para sa future din naman ng kids itong pagwork namin abroad.
Thank you po sa mga sasagot. God bless po sa lahat.