@batocabe1003 said:
Hi po, good day, manghihingi po sana ako ng tulong sa inyo guys, nagsend sa akin si EA ng need additional information and files as follows:
- BIR Form 2316 for the Year 2015, 2016 and 2017 - paano ko po kukunin ito kay BIR? naiirequest po ba ito online? or kailangan ko pong magpunta ng BIR at irequest po ito?
- May hinihingi silang Reference letter on official company letterhead as per MSA booklet instructions na naka-indicate yung 5 main duties ko, job title/position, exact date of employment and completion dates, endorsed by the manager/direct supervisor/HR Section with official telephone & email address, indicate full or part-time with work hours, Pay rate, Include the company’s stamp if applicable
paano po kaya ito? need ko bang kunin pa ito sa super dati kong company? kasi ang tagal ko ng umalis dito since year 2014 pa or do we have any other solution po dito?
- Paano po kaya if yung pinaka-una kong company ay hindi nag-provide ng SSS and Philhealth and Pag-ibig po, ano pong dapat gawin kaya po dito? kasi need po ito as an additional information po eh.
Sana po ay makapagcomment po kayo dito, need badly help po. Maraming salamat po.
Dapat nagiisue yung company ng original na pirma ng hr or finance officer yung BIR Form 2316 (yun ang tama). Kung wala may fault sila. Kung nawala mo, kuha ka ng copy sa BIR then patatakan mo na certified true copy.
Ito ang mahirap.. Paano ka kukuha ng letter head sa company mo. Bigyan mo sila ng kopya. Then pag okay sa kanila, icopy paste nila sa letterhead. Kasi dapat nakapattern sa ANSZCO code yung duties mo.
Nakaindicate lahat..
a) Duties - nakaalign sa ANSZCO Code mo kung ano task doon
b) Job Title/ Position
c) Date of Employment
d) Prepared by Manager/Supervisor mo, HR with official telephone and email address. Syempre naka country code yung phone number with signature
e)Full time or part time
f) Number of working hours per day/week
g) company stamp
h) naka letter head
- Kuha ka sa employer mo ng explanation bakit hindi sila nagprovide ng ganito ang sss and pagibig (government mandated benefits) kasi ito ang requirement sa EA and sa paglodge ng visa
Kaya yung may balak magau if hindi kayo binabayaran ng employer ng mandatory benefits either umalis sa company or ikaw mismo maginitiate na magbayad ng sss, pagibig and phil health