Grabee ang tagal lumakad ng application ko. Yung kachat ko sa isang group after 2 days mag Assessment in Progress may feedback na agad to submit additional documents. Tapos may isa pa syang kakilala na same situation. Yung sa akin mag 2 weeks na since mag assessment in progress wala pang feedback.
Tapos may nakita din ako sa FB wala pang 20CD may positive feedback na. Huhu. Nakakafrustrate mag wait. Lalo at gusto ko na din mag file ng EOI dahil kainti lang ang allocations this year. I know that we have different situations, documents and assessor. Pero nakakainis lang kasi parang balewala din yung fast track kung yung ma-assign sayo a assessor eh mabagal mag-assess. π