Hello po mga friends!
Nagpi-fill up pa rin po ako ng Form 80 (http://www.immi.gov.au/allforms/pdf/80.pdf). Patulong naman po.
Bale doon sa isa sa mga tanong sa Question 57, "<i>...been refused a visa for Australia or any other country?</i>" Sinagot ko po kasi ay 'Yes' (since I wasn't granted a temporary visit visa dati sa isang bansa sa Europa, after application). So kapag may sinagot daw po na 'Yes', dapat magbigay daw po ng details doon sa may box. So ilalagay ko ngayon 'yung details.
Tapos, pagdating sa Question 59, ganito naman 'yung tanong: <i>Have you ever had a visa cancelled by, been refused entry to, or been deported from, any country?</i>
(Doon naman sa wordings ng Question 15 sa Form 1221, ganito: <i>Have you ever had a visa refused or cancelled by, been refused entry to, or been deported from, any country?</i> (Form 1221: http://www.immi.gov.au/allforms/pdf/1221.pdf))
Ang intindi ko po dito sa Question 59 (ng Form 80) at Question 15 (ng Form 1221), ang situation ay nabigyan ka na ng kung anumang legal entry visa para sa kung saan mang bansa (sa labas ng P'nas). Tapos, pagdating mo sa port of entry (e.g. airport), you will be denied entry/clearance doon sa immigration desk/counter pa lang ng airport, even though you have the proper entry visa. Parang 'yung nangyari, for example, kay Ma'am Carina last month: http://globalnation.inquirer.net/87353/filipina-on-her-way-to-attend-daughters-us-wedding-held-deported
Now, ang balak kong isagot ngayon sa Q. 59 ng Form 80 (at Q. 15 ng Form 1221) ay 'No', dahil hindi ko pa naman na-experience na may visa na ako, tapos biglang hindi ako papapasukin sa bansa nila for some reason.
Tama po ba ang intindi ko sa Question 59 or baka redundant lang itong question (na parang doon sa follow-up question ng Question 57 sa Form 80 (about not being granted a visa))? I think nalilito lang ako sa doon sa phrase o sa order ng words:
"<i>...been refused a visa for Country X...</i>" vs. "<i>...had a visa refused by Country X...</i>"
Patulong naman po! Maraming salamat po in advance!
^_^