Hello po, pahabol na question. Habang nagfi-fill out ng Form 80, na-realize kong meron akong isang travel na technically nag-overstay ako ng 3 days (travel sa indonesia due to a company project, where allowed lang tayong Pinoys to stay for 30 days). Pinagbayad lang ako ng fee sa immigration and walang any marks sa passport or any document about the overstaying, so nalimutan ko when I was doing the visa application. So sa declaration part sa application, I answered "No" sa question na "have you ever overstayed in any country..."
Question is, should I submit Form 1023 to notify and correct this information (will answer Yes instead) sa aking visa application. Di ba ito magiging ground for any further question or anything? I will put the correct info naman sa aking Form 80.
Salamat po uli!