@jakibantiles Yeah, preferably DE. Check mo yun page ng "For sponsors" sa home affairs website, andun lahat ng requirements at costs. Sa tingin ko hindi na yun isosoli. Wala naman nakalagay sa visa 482 na pwede yun maisoli sa kahit anong kundisyon.
Ang kinagandahan dito sa Oz, hindi nila tinitingnan kung gaano pa katagal ang 482 mo base sa experience ko at mga nababasa ko. Sa mga kaibigan ko lang sa US to narinig. Hindi mo malalaman ang kasagutan kung hindi mo itatanong - wala naman masama sa pagtatanong. Hindi mo makukuha ang ibang mga bagay dito kung hindi mo hihingin. Baka kailangan mo lang lumagpas ng probationary period or depende sa company policy niyo bago maging eligible for DE. Good luck! Tanong ka lang dito.