<blockquote rel="hotshot">@Bryann / @katlin924
Ganito kasi ang pinasa ko (both for my previous and current company)....isang standard COE and isang reference letter (with detailed information) from my manager. Pero, yung reference letter ay wala sa company letterhead dahil sa confidentiality policy ng company. So, gumawa ako ng Stat Dec for each to explain the reasons. So for each of my employer, meron akong standard COE, reference letter signed by my manager, and a Stat Dec.
Inexplain ko yan sa reply ko sa email nila kanina. Then after a few hours, nagreply naman sila. At ang sinasabi nila sa akin ay hindi daw pwede yung Stat Dec ko na ako ang gumawa. Kung di daw ako makakapag-bigay ng detailed employment reference from my employer, kelangan daw e Stat Dec na yung manager ko ang gumawa (hindi self-stat dec). Yan ang problema ko ngayon. May iba pa kayang way para ma-explain ko sa kanila na tanggapin na lang yung signed reference letters?
Baka meron pong iba na similar ang case sa akin...help naman po. ð</blockquote>
Hindi ka naman kasi pwedeng gumawa ng statutory declaration na walang sufficient evidence of your claim. Kailangan mong i-attach ang employment contract mo and/or merit increase and or any proof of employment.
Nang nagpa-assess kasi ako sa ACS ay may mga stat dec din akong ginawa na tinanggap naman nila.
Buti nga tinatanggap na nila ang stat dec na gawa ng manager (without attachments of proof of employment in your part). Sundin mo na lang kung ano ang gusto ng ACS, sayang naman kasi yung skills assessment kapag nag-back out ka pa.
Buti nga nagbibigay na ngayon ng chance ang ACS, dati hindi, maraming nade-decline noon. Kung mahigpit ang ACS, mas mahigpit ang ang DIAC sa COE/Reference letters. Kasi pati pay slips hinahanap ng DIAC.