@denzyou said:
Hello guys, question.
kung sakali wala naman nakita issues ang case officer sa docs ko, may idea kayo kung gaano katagal usually inaabot bago mag next update sila na mapupunta na sa assessor?

Update lang, kahapon, Apr 21 naka receive na ako ng positive skills assessment, nabawasan ako ng 6 years pero dahil 17 years naman total work experience na naifile ko, pasok pa din ako sa 15 points π
Here's my current points: (65)
Age: 25pts
Education: 10pts
Employment: 15pts
English: 10pts
Partner: 5pts
may scheduled retake na ako ng PTE in 2 weeks para maiakyat ko sa 20 points ang English proficiency ko at maging 75 points ang total base points ko.
My question is, ano kaya ang magandang gawin, antayin ko na muna na makuha ko yung additional 10 points sa PTE bago ako magsubmit ng EOI for visa subclass 190, or mag submit na ako ngayon (para nasa pool na yung application ko) then update na lang after 2 weeks if ever makuha ko yung additional points from PTE. Ang pagkakaintindi ko kasi, once makareceive ka na ng invitation to apply, naka lock na ang points.. so does that mean habang di pa naka lock in, pwede ka pa mag update ng docs.. tama ba?
Another question is, tingin nyo kaya may chance pa rin ako (kahit maliit) to apply for visa subclass 189? based kasi sa nababasa ko sa groups puro mga matataas points ng mga nai invite.. Thanks!