Share ko lang in experience ko in relation sa selection ng candidates ng mga companies sa AU.
I've worked with 2 MSPs in the regional area, ang hanap talaga nila ay yung experienced skilled professional. Mapili din sila sa work ethic at ugali napansin ko. One thing na namangha ako ay ang aking skill level, tingin ko sa sarili ko magaling na ako sa Pinas, pagdating dito, NOPE haha. Naka naka 4 companies na ako dito at isa lang masasabi ko, mababangis sila.
Skill wise they are very very good, di ko maiwasan ma compare yung skillset nung nasa Pinas ako at mga naging ka trabaho ko. Youngest i've worked with was an 18yr old na hasang hasa na sa IT, at 90% rin ng mga ka work ko walang mga IT degrees. No kidding, yung iba meron parang TAFE courses kinuha nila. Pero skill wise talalga walang masasabi, solid fundamentals at ambibilis maka pick up and high level ang knowledge nila sa specialties nila.
Nakaramdam ba ako ng insecurity, oo naman di maiiwasan yan. Anung ginawa ko? nag aral ng nag aral uli, nag upskill ng mga bagong tech, sinusubukan ko palawakin skill set ko para mas marketable ako at mapakita na may ibubuga migrants haha.
Interestingly enough, sa region kung nasan ako ang dami shortage ng skilled IT talent. Yung role ko ngayon, took them 4 months to find the right candidate(me lol), aside from that got offers from other companies that were looking for the same role. Asan mga local? Sadly nahihiripan silang maka break through sa job market. Ang hanap nila dito may mga experience na, karamihan din ng mga naka work ko mga Indians, mga mababangis din yung mga anaps na yun, sila kalaban mo sa skilled migration.
Yun lang nag share lang po and yes, mahirap mag gather ng documents for ACS.