@Filoz wow nakakaiyak pareho tayo!!! hehe
So sakin namin, ilang beses ako nagising ng maaga to check my mail and this forum. pero mga around 9:20am siguro nakita ko buhos na ang grant. Sakto yong misis ko nasa bahay masama pakiramdam sabi halfday daw siya. Dali dali ako kinuha ko number dito sa forum tas tinawagan ko. Yong postpaid ko for some reasons di makatawag ng international buti nanaman at andito si misis so ginamit namin phone niya. So nag ring, sumagot babae ang bait. Humingi ako ng update kasi nirequire kami ng Saudi PCC and evidence of relationship prior to marriage. Si CO napakabait ok na daw yong PCC yong evidence daw ang wala di daw nila makita yong sagot ko sa email nila nung 23. Sabi ko nagemail ako, tas chineck niya sabi niya yon nasa immi daw nakaupload. Tas tinitignan niya isa isa, nakakatawa pa yong reaction niya parang natatawa sa mga sinend namin. tapos sabi niya wait daw ng update within the day....
So kabado ako kasi yong iba after ilang minutes grant na. Sabi ko makapagpost muna sa pinoy au, nagpost nga ako then after check ng mail. Biglang may email na, sabi ko sa misis ko. May email pero hindi ko mabasa ng maayos haha. Nanginginig na ako. tapos sabi ko ayan grant na tayo. nagyakapan kami bigla. tas sabi ko teka sayo lang etong visa grant yong akin baka hindi grant. edi check ako uli, tas ayon na grant nga rin... nagyakapan na kami tas nagiyakan as in tas post sa pinoyau haha..
matapos ang iyakan at yakapan, nagdasal kami nagpasalamat sa ating Diyos na buhay tas tsaka kami tumawag sa magulang namin. Sobrang sarap pala sa pakiramdam. hanggang ngayon hindi parin kami makapaniwala pero totoong totoo na to.
Glory to God. sawakas grant na rin.
Maraming salamat sa mga tumulong at sainyong lahat. sobrang ang sarap ng pakiramdam, pero nakakatakot kasi yong fact na magmove dyan at hindi alam kung may work ba naghihintay. Pero sabi nga sa Jeremiah 29:11 For I know the plans I have for you,β declares the Lord, βplans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.
maraming salamat!