@pindiola @2pe Hi Guys, Thank you po π Actually tip ko lang is dapat familiar ka sa types of questions, kasi once maging komportable ka sa format ng exam, yakang-yaka na e. Actually third take ko na rin ng english exam, first ko is IELTS 2 years ago, kinapos ako sa Speaking 7.0 lang, tapos this May TOEFL naman, kinapos ako ng 2 points sa Writing at 1 point sa Listening para sana Superior. Kaya eto ang proof na mas madali talga ang PTE kesa sa ibang English Proficiency Exams.
Tip ko sa speaking, be as natural as possible. It helped na na-late ako ng 20 mins (but I don't encourage you to be late) kasi ako na lang ang naiwan na nagsasalita so less distractions π. Wag na kayo mag-accent ang mahalaga isipin nyo si Siri (or Google Now) ang kausap nyo para maintindihan ung sinasabi nyo. Ung tricky sa speaking is ung describe the image or picture. My tip is start by stating what the picture/ graph/ table is about and then ung mga trends and mga axis.
Sa writing naman, use your own words lang talaga as possible. Ang technique ko kasi, tinatry ko siya iexplain sa Tagalog or iniisip ko may tinuturuan akong estudyante saka ko itratranslate sa English. It helps din na marami kang alam na words or mahilig ka mag-thesaurus nung bata ka π
Sa Reading, eto ang favorite part ko kasi parang high school lang naman na exam tipong multiple choice tsaka fill in the blanks.
Sa Listening, halos parehas lang sila ng reading, makakatulong din kung mahilig ka manood ng TV Shows or Movies na may accent at napapanood mo ng walang subtitle (hehehe) like Game of Thrones or Vikings, kasi mas magiging alisto ang pandinig mop sa words na may accents.
Yun lang ang mga tips na pwede kong ma-ishare, hindi po ako nag review center or namili ng mga review materials. Dinownload ko lang ung mga free sample questions and tutorials sa website.