@dhey_almighty, ako lang din naman lahat ngbooked ng PDA ko. May L licence number kasi ako kaya nakakaaccess ako sa online booking. Abang abang lang ng around 3pm to 4pm at saka naglalabasan ang mga available slots. Dko lang sure sa case mo kung bakit hindi ka makapagbook online.
Tip siguro n maibibigay ko ay as much as possible, magpractice ka dun sa lugar kung saan ka magPDA kasama ng instructor. Alam kasi nika kung saan ung madalas na pinupuntahan ng mga assessors. Yung mga exercises namin ng instructor ko, un din mismong exact place kung saan ako dinala ng assessor during PDA. So atleast kahit papano kabisado ko na ung lugar, ung speed limit, kung saan may possible hazard, kung ano ang dapat kong i watch out. Ang naging problema ko lang during assessment ay nung after ng left behind kong exercise, nung paalis na kami, kinancel ko kaagad ung right signal ko right after namin umalis. Dko man lang daw pinatagal kahit konte. Tapos nahuli din ako one time sa roundabout na nakatingin lang sa right side, dapat daw tingin din sa left side. Pero normally naman right and left tlaga ako tumitingin, sobra tense lang cguro kaya minsan nawawala sa isip. Then meron pa isa, sa roundabout ulit, hindi kumagat ung left signal ko when moving straight and exiting. Mga minor errors lang naman daw pero always keep those in mind when driving. Akala ko nga sablay na naman ako kasi madaming pinapaliwanag sakin ung assessor after ng test. Madami din syang mga tips at lesson na iniexplain sakin kaya parang lalo akong kinabahan kasi sa isip baka bagsak na. Yun pala mabait lang talaga sya. After that, palabas na sya at dko gaano naintindihan ung sinabi, parang something like "that's it for today" so napasigaw talaga ako na parang patanong na "I passed???" Hahaha... Sobrang excited lang cguro kasi nakahanda na ung sasakyan ko pero dko pa madrive hanggat wala full licence. Drive na drive nko dito sa AU. Hahaha