Sagutin ko po sa aking makakaya:
Medicare should be able to cover your costs if public patient ka. If you get a private insurance, mas wider coverage, pero alalahanin na 12-month ang waiting period of major health insurance companies for pregnancy.
If a public patient, it is midwife-centered. Meaning, midwife will be with you prenatal, antenatal, postnatal. From the time you get pregnant to the time makalabas ka ng ospital, midwife ang mag-aalaga sayo, provided walang kumplikasyon ha. Pero yung public naman dito hindi naman tulad ng public sa atin eh. World-class ang public hospitals nila.
Prenatal - GP usually sees you initially. But you have to go to a bulk-billed GP. Otherwise, may babayaran ka. Or kung may babayaran man, yung gap lang. Refer ka ng GP to a midwife who will follow you up. Pupunta lang sa OB if complicated pregnancy or for ultrasound scans. Yung 12 week and 20 week scan libre ata. Pero kunyari, gusto mo ng another scan, magbabayad ka kung wala sa recommendation. Between $100-150 not sure.
Antenatal - midwife po ang andun sa delivery. Pero kunyari kailangan mo ng assisted delivery (example, vacuum delivery, forceps), tatawagan nila OB. Or if need mo pala C/S, OB din yun. Ang OB mo are obstetric registrars dito. Pero yung consultant ay naka-antabay lang just in case.
Postnatal - midwife pa rin titingin dun sa baby at sayo. Kung may problema dun sa baby, saka lang tatawagan yung pedia. And paediatric registrars ang pediatrician mo. Pero naka-antabay din lang ang çonsultant specialist. Madali sila tawagan for "complicated cases". Pagkalabas sa ospital, midwife din. Pero kunyari nakita may jaundice sa baby, papuntahin na kayo sa GP.
Palaging tanong po ay bakit advocated ang private health insurance when libre naman medicare?
Eto po ang rough difference with private:
1.With private, OB consultant ang andun sa kapanganakan mo. Pero andun pa rin mga obstetric registrars lalo na kung padating pa lang sa ospital yung consultant. Pedia mo consultant din. Pero pag hindi pa nadating ang consultant, paediatric registrars naman ang tinatawagan. Actually, walang difference sa management. Makakapili ka lang ng doctor mo.
Options: May sarili kang kwarto. Iisang OB na kilala mo na sa umpisa pa lang ang andun to the end. If kunyari gusto mo C/S, you can already talk to your OB beforehand. Then the OB will discuss kung ikakabuti or ikasasama mo. With public, ma-CS ka only if you need it. Having said that though, wala pa naman ako na-encounter na pasyente na ginusto ang C/S kung sasabihin ng private OB na kakayanin ang natural birth. C/S has its own risk. Nature has designed it that natural birth is the safest. Most naman sumusunod lang sa recommendation ng OB.
Yung scans, normally 12 week and 18-20 week scan lang ata libre. Without any coverge for an extra scan, out-of-pocket expense yan kahit may medicare ka, kunyari gusto mo ng additional scans. BUT, if may urgent need for additional scan, say, may nakita na kailangan follow-up, tingin ko may provision ang medicare for this. I'm not sure about this though. Please check.
Mararamdaman ang private insurance sa ER tingin ko. Hindi pa ako physically nakapag trabaho sa ER dito. Pero alam ko puno lagi. Pag public ka, maghihintay ka. Booked to the rim mga ospitals dito.
Points:
Kaya po I advocate manganak sa ospital. And to be within minutes if kapanganakan na. Andun sa major ospitals ang mga specialista. So, even if it's only a midwife in attendance, you are assured that a speciàlist doctor is just down the hall should you have problems.
Also, I feel I need to mention in case matakot kayo na registrars lang pala andun pag public. Wala dapat ikakaba kasi in case lang, andyan lang sa kabilang kwarto ang specialista. Tsaka these doctors are not interns nor resident medical officers. They are advanced level, kumbaga. Oherwise, hindi naman sila bibigyan ng AHPRA ng license. Strict dito. Pati yung mga midwives, may head midwife din na nakaantabay lang called clinical midwives na parang OB na rin sa galing. Sa maniwala kayo sa hindi, kung hindi pa nakarating sa ospital ang Pedia consultant, tinatawag registrars pa rin.
Ang haba na pala nito. Bow.