@_sebodemacho said:
Basta eto lang. Do not rush the move without putting much thought into it, regardless of and especially in the current state of the market. Tanggalin rin yung factor ng pressure. Kanya-kanyang timeline naman yan. Wag magpadala sa nakikita sa iba (hindi porke't nauna na yung iba dahil kunwari SV pathway sila, mas maganda na yung katayuan nila :s ).
If no one else will say it, I will. I know this, because it's human nature. But stop comparing or competing against others. Magkakaiba ng sitwasyon, magkakaiba ng disposisyon.
It's all about calculated risks and thorough planning. Be smart, or turn homeless and set to fail.
Real talk lang, kabayan. 😉
To add to this, iba rin kasi ang mindset ng dumarating dito na naka Student visa dun sa dumarating na may Skilled visa.
Kapag Student visa alam nila na limited work hours & kailangan magbayad ng tuition on top of living expenses kaya pagdating dito apply na kaagad for cleaning, housekeeping, retail & hospitality jobs. Dito sa Adelaide napansin ko mas open din sila to ask for secondhand things. Naghihingi ng used winter clothes, boots, appliances & furniture para may magamit without breaking the budget.
Whereas pag Skilled visa napansin ko na ang preference is to get a job na aligned sa skills & experience. So time is spent looking for these jobs & applying for them. Makain ito sa oras kaya sa umpisa mas gustong tutukan ito kesa kumuha ng survival job kung meron pa namang panggastos. Bihira din yung naririnig ko na may full time job tapos nanghihingi ng masusuot or ng mga gamit sa bahay. Meron naman pero sa observation ko, di kasing dami ng students.
Sabi nga sa previous post, magkaiba ng sitwasyon, magkaiba ng disposisyon. Lalong lalo na kung may pinagpalit ka na maayos na career para makamigrate dito.