<blockquote rel="atchino">Even yung electricity bill - mura din ang 15/wk... lumalabas lang na 1+ per day for 4 person.
Mura yun, lalo na may kids malakas consume ng electricity.
Ano electricity provider nyo?
Petrol din tipid yung 10/wk. Since may mga kids, palagi nakakotse pag lalabas or may pupuntahan.
</blockquote>
Yep, mura yung electric bill namin, average kasi kami ng mga $70+/month pero pag nagbayad ka ng maaga, binabayaran lang namin is around $55+/month kasi may discount ng early bird payment, hehe. Lumo ang electric at gas provider namin.
Sa petrol naman, pag weekdays, drive lang ako papuntang train station, mga 3km drive lang yun. Then pag weekend, gumagala lang kami sa mall malapit lang din sa house namin. Walking distance lang ang school ng mga bata kaya hindi na sila nag cacar.
<blockquote rel="clickbuddy2009">Mate, ang laki ng gala expenses nyo per week. But the other expenses are quite lower, mukhang binawi nyo sa misc expenses ah. haha..
</blockquote>
Yep, medyo malaki kasi mahilig kami manood ng movies or pumunta sa city pag weekend. Ang mahal pag kumakain sa labas.
<blockquote rel="TasBurrfoot">@RyanJay oo nga boss; rent is very cheap? 1 whole apartment ba kayo? π</blockquote>
Yes, whole house, 3 Beds, 1 Bath, 1 toilet, 1 garage. Yan lang maganda pag medyo malayo sa city. Dito ako werribee, mga 45 mins by train. Ang maganda dito, huling station sya dito sa west, kaya pag pumapasok ako, daming seat sa train, hindi tulad pag medyo middle or lapit na sa city, standing ovation na mga passenger.