Hello good day po. As my way of saying thank you sa mga tumulong sakin dito while preparing my CDR documents, share ko lang po yung naging diskarte ko sa pagbuo ng CDR documents ko. Sana makatulong sa mga magsisimula palang.
CE 1 - College Thesis 1 (Project Feasibility Study)
CE 2 - College Thesis 2 (Undergraduate Research)
CE 3 - College Thesis 3 (Systems Engineering)
CPD - Hinati ko sa dalawa (Company-sponsored and own account)
Summary - As much as possible, I tried using the pronoun 'I' strictly pero since group project lahat yung CES ko, natakot ako mag-over claim sa division of tasks kaya instead of we ginawa kong 'my thesismates and I'. Sa tingin ko okay naman as long as logical at comprehensive yung flow ng CE mo.
Grumaduate po ako last 2017 pa pero ang reason kung bakit pinili kong magstick sa mga thesis ko ay dahil mas kumpleto yung data ko dun kasi may soft copy pa ko nung thesis namin dati saka sigurado kong related sa nominated occupation ko na Industrial Engineering kasi nasa course syllabus lahat yun. Another reason ay mahirap magrequest ng data or documents sa former company ko dito ko pinakanahassle talaga kasi yung COE ko inabot ng 5 months since resignation date ko kaya dapat wag i-understimate na time consuming yung documents needed para sa RSEA.
RSEA
Detailed COE - Inabot ng 3 pages yung akin kasi ininsist ko sa HR Manager namin at former Department Manager na kailangan ko detalyado dahil sa migration ko gagamitin. Mahirap po talaga ito pero dapat assertive ka. Nakipagbardagulan na talaga ko sa kanila sa text pati email para makuha lang to. Thankfully, sa huli, napagbigyan ako.
Payslips - Good thing naging ugali ko itabi lahat ng payslips ko. Yung sa 2021 nalang ako nagrequest ng hardcopy reprint sa HR namin kasi nagshift na kami sa e-payslip nun.
SSS contributions - Screenshot lang po sa website
BIR Form 2316 - Good thing nakatago din sakin lahat except yung sa 2021 kasi katatapos lang kaya kinulit ko din HR namin iexpedite pagprepare nung akin.
To summarize, gusto ko lang po sabihin sa mga gaya kong doubtful dati kung posible bang makakuha ng positive outcome kahit purely galing sa undergraduate projects yung CEs eh pwede po basta naexplain mo mabuti at confident ka kasi ikaw mismo gumawa.
Other tips:
Basahin mabuti yung MSA booklet para sa limit ng words per part ng CE Basahin yung job description nung nominated occupation mo at magkaroon ng own assessment kung nacocover ba ng CEs mo yung most if not all nung mga andun para malaki chance na maapprove ka
Iprint lahat yung CEs at CPD at sa hardcopy ka magcorrect ng errors at mas madali gawin yung summary pag hard copy ka nakatingin. Sa akin po twice ko prinint yung CEs ko kaya confident ako na naminimize kung di man naeliminate yung errors sa una kong gawa. Kahit confident po ako na original lahat nung gawa ko, pinasok ko pa din sa online plagiarism checker apps yung mga gawa ko just to make sure na walang 'hit'.
Sana po makatulong to sa mga magsisimula palang mangolekta nila ng documents at magsulat ng CEs nila.