Hingi lang po ako advice. Pag nag pasa ba ng assessment sa ACS ikaw pipili ng Occupation Title? Or upon their assessment sila din magsasabi kung ano un fit na title sayo? Bali kase ang trabaho ko is sa IT. From my earlier years sa IT eh Application Support ang ginagawa ko (Web/Windows Applications-Incident/Bug resolution, minor enhancements). Then syempre tumataas ang role (I'm on my 7th year sa IT) and currently ang ginagawa ko na mostly is led a team (though Application Support pa din naman - ako na nga lang nag aassess ng mga requirements/most of the time kausap ko yun mga IT personnel nun client (consulting firm kase) nag susuggest ako ng enhancements etc..tapos create timelines/estimates then assign it to developers. Minsan kasama ko sa nagaapply nun mga changes. Torn ako kase if Software Engineer/Analyst Programmer ang pipillin ko as my occupation sa ACS.
Actually mag start pa lang ako mag gather ng documents ko. Pa verify naman if tama intindi ko sa kelangan ipasa.
BS ECE ako, I took MS Certification and passed as MCTS kaya lang 2008 pa yun..meron ako last year pero kulang pa ng exams and gusto ko na sana mag apply ng assessment kesa tapusin yun 2/3 kulang na exams for MCSA naman...need ko pa ba isama yun kahit 2008 pa un certification ko and 1/3 pa lang napasa ko dun sa isang certification?
Speaking of course, ECE sya I read na no need na mag RPL, pede na pa assess sa ACS, mostly ano po nabibigay na assessment pag ECE grad na nasa IT Industry (bachelors degree din po ba?) Ano diff in terms of diploma and bachelors degree in terms of points?.
Sama ko din po ba yun 1-month training ko sa company namin (bootcamp)? They gave us a certifcate kase na we attended the training. year 2006 pa un date nun certificate.
Yun mga COE ko nakalagay lang kase yun dates nun employment ko/title saka sweldo. Yun una ko 5 years 1 month, yun next company ko eh 1 year 2 months. Then now nasa 8th month na ako sa 3rd company. Kelangan ko gumawa ng document to list down yun mga roles and responsibilities ko and have my managers sign those, tama po? ok lang ba na parang CV format sya then have my managers sign na ganun nga yun roles ko? or may specific format needed for the detailed roles/responsibilities list? kelangan ba detailed as in anong modules yun ginawa o generic naman like 'create design/code...conduct unit testing...handle application support,,then list down na lang the technologies used.
Senysa na po mahaba I just wanna make sure sa gagawin ko..medyo dami din kase workload kaya I asked personally na..I backread pero minsan kase mas nalilito ako (I do it mostly kase pag nag commute ako papunta/pauwi 0_0). Sana po wag kayo magalit if mukhang sobrang spoon feeding po. Magbabasa basa pa din naman po ako 😃