Hello mga Ka-Forum,
Para sa mga Structural Engineers na nagplaplano pumunta ng Australia or nasa Australia na, pwede nyo ba ma-share ano yung mga ginawa nyo para mapansin ang inyong CV and qualifications? Based from my research ito yung mga kelangan;
Connections - dapat madami kakilala para marecommend for job. May mga groups po ba na pwede salihan to gain connections?
Local experience - lagi daw ito tinatanong sa interview, what is the best reply to this if wala ka local experience.
Studying Spacegass - ito raw ang common software sa Australia. Anyone po na ka-forum natin na meron nitong software installer nito para mapag aralan?
Studying Australian Codes - pwede po ba may magshare ng links para sa free download ng Australian codes
Odd jobs - may mga nabasa ako na madaming engineers na tumatanggap ng odd jobs or part time jobs. Nakakaapekto ba ito sa paghahanap ng trbaho as per our profession?
Sa pagkakaalam ko boom daw ang related sa infra and vertical structures (buildings), pano ang steel fabrication and oil and gas and minings? mahirap ba makakuha ng work pag steel design and fabrication lang ang experience?
Salamat in-advance sa mga magshashare ng kanilang ideas and resources.