Hi po...help naman po para sa isang friend ko, di ko po alam if may nakaexperience na sa isang member dito o wala pa pero kasi regarding po sa visa application sa Australia ang concern nya.
My friend kasi ako, he worked in Dubai but nung nagkarecession duon, naapektuhan ang company nya kaya napauwi sya s Pilipinas, leaving his 3 credit cards unpaid. After ilang months, may mga tumawag na sa kanya dito sa Pilipinas na hinahabol nga daw sya ng mga pinagkautangan nya sa Dubai. Since wala naman syang work pa that time, kaya he went on hiding nalang kasi natakot din sya na baka ikulong sya dito sa atin.. Ngayon naman po, ung naging wife nya, ay nasa Australia and plano na syang kuhanin as her dependent. Natatakot po ang friend ko na baka ndi maapprove ang visa nya kasi he knows na one of the requirement for visa e ung Police check.. Is it possible po rin kaya na may travel ban sya going there and mahuli sya ng police? please advise po.. salamat po...
Comments
Posts: 5Member
Joined: Mar 28, 2017