Hello mga Kababayan!
Newbie lang ako dito sa Grupo na ito. May mga katanungan lang ako na naka itemize. Bago ang lahat share ko lang muna Background ko.
Bali isa po akong Electrical Engineer, 25 yrs old, single at nagbabalak mag abroad sa Australia. Bali nagtratrabaho ako sa isang Multinational Company na Contractor ng mga oil and gas projects. 1.5 years ako nagtrabaho sa Pilipinas at na dispatch ako 1.5 years sa Maincompany namin sa Japan. Sumatotal may 3 years na akong experience as an Electrical Designer of construction drawings ng oil and gas projects. Bali nasa Pilipinas na ako at nagbabalak magtrabaho sa Australia. Ang plano ko ay magreresign ako sa current work ko kung may cgurado nang may trabaho sa Australia.
Tanong ko lang po.
1. Ilan po kaya minimum/maximum expected ko na sahod ng electrical engineer designer na 3 yrs experience in construction drawings of oil and gas company?
2. Since yung company ko ay multi national company, may same company din na nakalocate sa Perth Australia na aaplyan ko, if ever magustuhan ako at sila magsponsor sa visa ko, anu pa yung mga papeles or assesment test na kailangan kong ilakad??
3. Kung hindi sponsor ng visa yung employer, anung visa ang kailangan kong ilakad??
4. Magkanu po estimated na cost of living, yung malapit lang sa Perth Australia?
Salamat po sa mga sasagot.
Kung may electrical engineer na nag tratrabaho ngaun sa Australia, pa lagay nmn name nio sa comments.
Salamat sa mga sasagot.