Ad space available
reach us at [email protected].
Major update has been completed. Please help to report any abnormality that you are facing (in case there is any) to [email protected] . Thank you for your continued support guys!

Kumusta po? :) Newbie here...pasensya na po mahaba agad 1st post ko...

MariyaMariya SydneyPosts: 28Member
edited July 2012 in Queensland - Brisbane
Hello po  Bago lang po ako dito sa online forum…buti po may ganitong online forum para may makausap o maka-kwentuhan naman na kababayan.

Dumating po kaming mag-asawa, kasama ang anak naming na 3 yo boy, nitong January lang po sa Brisbane. Medyo ok naman po kami nung mga paunang weeks namin dito kasi po, may naging part time na trabaho po yung asawa ko…ako po hindi kaagad makapag-trabaho noon kasi po hindi ko maintindihan yung child care tapos po noong time din nay un, kahit sabihin na may CentreLink naman ay di parin po namin kaya yung ‘Gap fee’ di naman po ganoon kalaki yung sinusweldo po ng asawa ko noon…as in sapat na sapat lang po talaga. After a month and a half ay nakakuha ng fulltime role po ang asawa ko. Tuwang-tuwa po kami kasi malaki po yung naging improvement sa budget namin..after 2 months po ay na-enrol na namin ang anak naming sa isang childcare centre na malapit sa nire-rentahan naming apartment…sa wakas may libre na po akong 3 days per week, at least pwede na po ako maghanap at hopefully ma-hire na part time or casual or temp role po (3x-a-week lang po kasi namin kaya yung ‘Gap fee’ sa childcare tapos po 24 hrs per week lang po ang approved ng CentreLink…). Kaso po napasaklap na ng sumunod na mga pangyayari…2nd day palang pos a childcare ng anak namin..pabalik na po ako sa apartment pagkahatid ko po sa anak ko…tumawag po sa akin ang asawa ko na natanggal po sya sa trabaho. Under probation po kasi sya ng 2 months…pinapunta pa po sya ng Melbourne para sa induction & training…tapos after a month po maganda din yung review sa kanya, pero ang tanging sinabi lang sa kanya nung pinatawag siya ng boss na may kasamang panel from HR ay business decision daw po ang reason kaya hindi na ni-renew ang contract niya. Wala daw problema sa technical skills niya (Systems Analyst po kasi siya…) lalu na daw pos a efforts niya na maka-adjust considering na wala po siyang legal background (law firm po kasi yun…). Humingi nga po ng reconsideration yung asawa ko o kahit na anong arrangement kasi po yung araw na pumasok siya eh nakagawa pa daw po sya ng trabaho tapos by 11am pinatawag siya tapos po yun na, may letter na inabot sa kanya na last day na niya nun! Nabanggit na nga daw po nya na kakapasok lang sa day care nung anak namin & all. Pero sorry lang daw ang sinabi at business decision lang daw talaga dahil wala naman daw naging problema sa kanya…

Ang saklap po talaga kasi after a week po na nawalan ng trabaho ang asawa ko ay nagkasakit ang anak po namin…naka-ilang balik po kami sa GP tapos kahit niresetahan na ng antibiotics eh binalik naming ulit sa GP at nagulat po kami na hindi na na-check ng husto yung anak namin at binigyan nalang kami ng referral letter sa Ospital. Tapos ayun po, na-confine ang anak po naming…1st time po na narasan namin na ma-confine ang anak naming sa Ospital at makita na nahihirapan huminga na halos di na makausap  Tapos hanggang ma-discharge po ang anak ko sa Ospital (after 3 days) ay hindi po ma-confirm sa amin ng doctor kung viral pneumonia o bacterial pneumonia ang naging sakit ng anak namin pero definitely daw na Influenza (To self: ano yun??? Bakit ganun??) Tapos nagkasakit na din po ako pero buti after a week po pero naka-recover naman ako kaagad.

Sorry po parang nobela na ito…bale ngayon po, halos 1 month na po kaming todo apply pero wala parin pong positive results. Kung hindi po kami over qualified ay unqualified naman…kapag humingi ka po ng clarification kung paanong unqualified para makatulong din po sa amin di ba sa iba naming applications ang sasabihin naman ng recruiters ay walang sapat na experience dito  May isa nga pong recruiter sinabihan yung asawa ko na wala daw po yung term na hinahanap nila sa resume nya samantalang sa job description po ay saktong-sakto sa mga previous roles niya. Bottomline, ang implied message nung recruiter ay magsinungaling sa resume kung gustong ma-shortlist.

Ako naman po ay tanggap ko na ang experience and work history ko sa Pinas ay hindi relevant dito kaya ang mga in-applyan ko po ay mga positions na malapit sa pagiging admin assistant, receptionist, clerk, data entry, secretary, call centre staff, office support o staff…yung mga ganun po na ok naman po din sa akin basta magkatrabaho lang…nag-inquire narin po ako sa pagiging cleaner pero panay may experience na po ang hinahanap o kaya po maalam ka na dapat sa cleaning chemicals o kaya may sarili kang equipment at dapat may sarili kang sasakyan. Lumapit na nga po ulit kami sa CentreLink tapos ni-refer lang po ulit kami sa Job Services nila…hanggang ngayon wala naman po sila maibigay na trabaho…mag-update nalang daw kami kapag may nag-positive na sa mga in-applyan namin. Yung anak po namin ay last week na nya itong week na ito sa child care, kasi po bukod sa hindi na kakayanin ng konting naipon po namin dito ay nag-increase ng fee yung daycare centre. Ine-expect narin po namin iyon dahil sa Carbon Tax. Yung lease agreement po namin dito sa apartment ay malamang na magtataas din, kasi po yung mga vacancy dito na pareho ng unit namin at tumaas narin ang rental fee. Sa Aug.13 na po ang expiry ng lease namin dito… para na po kaming bibitayin sa sobrang stress at pag-alala 

Ang game plan na nga po namin ay uuwi nalang po muna kaming mag-ina sa Pinas para po ma-stretch ang natitira naming budget para sa isang tao nalang for at least 1-2 months pa.

Ang dasal ko lang po ay sana…sana may magandang milagrong dumating na sa amin itong week na ito. Sana po may magandang kalooban na makabasa nito na makapag-payo sa amin ng tunay at walang ibang intension kung di matulungan at mapabuti kami o kahit yung asawa ko po na maiiwan dito sa Brisbane.

Nagbabaka-sakali na rin po na baka may alam po kayong job opening sa isang IT company o kung saan man po na nangangailangan ng Systems Analyst…makikisuyo nalang po ako na mabalitaan nyo po kami…kahit saang State po ay ok po.
Pasensya na po ulit at sobrang haba na nito. Maraming salamat po. God bless us all!
«13

Comments

  • LokiJrLokiJr Quezon City
    Posts: 2,616Member, Moderator
    Joined: Jan 13, 2011
    Hi, welcome sa forum!

    May mga centrelink benefits tulad ng newstart allowance na makakatulong pero kailangan medyo matagal na kayo nakatira sa Australia. May mga community jobs din na sponsored ng Centrelink baka may mahanap kayo.

    Dun po sa trabaho, just keep looking (try seek.com or careerone) Andyan na kayo e, di kayo pababayaan ni Lord. Si sir @sohc IT rin yun baka may marefer sa inyo hehe

    Ok na plano rin naman yung uuwi muna kayo ng Pilipinas (praktikal nga naman)...huwag lang kayong mawawalan ng pag-asa!
  • aoleeaolee Singapore
    Posts: 571Member, De-activated
    Joined: Dec 29, 2010
    edited July 2012
    Bago po ang lahat welcome po sa forum!

    @Mariya, wag po kayo mawalang ng pagasa. lahat po tayo dumadaan sa mga matitinding pagsubok. sigurado po hindi kayo nagiisa, tama si LokiJr, d tayo pababayaan ni Lord. alam niya ang mga needs natin. lakasan nyo po ang inyong loob Pray, Obey, and Wait lang po tayo.

    Please contact admin if you need anything from me, I dont often login to this account.

    Please spare some time to read our "Rules" located at the bottom of the page.

  • glaiza1210glaiza1210 Sydney
    Posts: 314Member
    Joined: Mar 22, 2012
    @Mariya, Just always pray to the Lord! Hindi nmn nya ibibigay yang pagsubok na yan sa inyo kung hindi nyo kaya. Konting tiis lang, wala ba kayong kilala jan na mga pinoys na pdeng tumulong sa inyo?

    Occupation: Industrial Engineer
    11/05/2011 - IELTS exam at BC (L-6.5,R-6,W-6.5,S-6.5)
    02/06/2012 - EA received my CDR
    04/17/2012 - Received Favorable Letter from EA
    04/21/2012 - IELTS exam retake at IDP (L-8, R-6, W-6.5, S-6)
    07/03/2012 - Applied online for SA Statesponsorship
    08/13/2012 - SA SS approved
    08/16/2012 - Received an invitation in skill select
    09/11/2012 - Lodge a visa subclass 190
    09/13/2012 - Acknowledgement Receipt & Medicals Requested
    09/19/2012 - Medicals Done
    12/11/2012 - Medicals Finalised
    12/14/2012 - Visa Grant
    03/18/2013 - Flight to Adelaide
    04/22/2013 - Got my first Job

  • lock_code2004lock_code2004 Perth
    Posts: 5,037Member, De-activated
    Joined: Feb 23, 2012
    @Mariya - thank you for sharing your story..

    Hindi talga madali ang lahat.. especially starting from scratch in a new country..
    it will take time.. lots of patience.. hardwork and prayer...
    it's unfortunate na sumabay pa ang pagkakasakit ng anak nyo...

    this time, i think you would need to reconsider other things..
    maybe renting a place na mas mura after mag expire ang lease contract nyo..
    try to look for other kabayan who can share a flat/house with you..

    if going back to the philippines with your son is an option, while your husband is looking for work... check if that is feasible.. kasi baka mas mahal pa ang ticket nyo pauwi.. kesa lumipat sa mas murang area...

    Wag ma-stress.. at this point mas kailangan ang maging maayos ang pagdedesisyon..
    When there seems to be no way.. God will make a way!!
    Goodluck and God Bless You and your family!

    Sep 24, 2011 - IELTS (L-8 R-8 W-8 S-7.5 : OBS-8)
    Jan 04, 2012 - EA application submitted | Feb 23, 2012 - EA assessment result (IE ANZSCO 233511)
    May 8, 2012 - Lodged GSM 175 online application | June 4, 2012 - CO Allocated
    June 22, 2012 - Medicals Finalized | Aug 30, 2012 - PCCs Completed (PH, UAE, USA)
    Sep 3, 2012 - Visa Granted (IED Jun 11, 2013) Thank You Lord!
    Oct 16-28, 2012 - Initial Entry Completed - Sydney
    July 28, 2013 - Final move to Perth
    Sep 9, 2013 - Started work with the same company i worked for in UAE/USA
    Oct 28, 2013 - Moved to another company.. ;)

  • JClemJClem Melbourne
    Posts: 528Member
    Joined: Jan 08, 2011
    God will make a way when there seems to be no way. He works in ways we cannot see! Favorite song ko po yan that I want to share. Kaya nyo yan @Mariya! Just keep the faith. :)

    Nominated Occupation: Software Engineer (261313) - Husband is the primary applicant.

    10.21.2012 - Arrived in Melbourne. This is the day that the Lord has made. :)
    03.26.2012 - Visa granted. God is good, all the time! All the time, God is good! :)
    03.23.2012 - PCC submitted and medicals finalized
    03.02.2012 - Application being processed further / CO assigned
    06.26.2011 - Lodged Visa 175 application

  • jacob_sheikhajacob_sheikha Dubai
    Posts: 10Member
    Joined: Jul 01, 2012
    Hi Maria,
    Nakakalungkot nmn ang iyong post. Alam mo ba na nag sisimula na ako sa process ng pag aaply inumpisahan ko na mag IELTS. Before marami na ako nababalitaan na halos kagaya ng story mo pero di ko pinapansin dahil sa sabi ko nga eh di nmn siguro lahat ay magkakaroon ng same experience pero ng mabasa ko post medyo parang nag dadalawang isip ako. May close relative ako sa Aussie sa Northern territory sa Darwin to be exact shes willing to help me pero di ko alam kung hanggang saan ako nya matutulungan.Im a registered Architect sa PINAS pero nag wowork ako ngayon dito sa DUBAI with my Family so far maganda nmn ang sitwasyon nmin dito kaya nga lang dito walng security of tenure once na may edad ka na at not capable to work you have to go back to Phils.Here you can buy property but you cannot owned it foreever dahil wala nmn migration dito. Nagkainteres ako na mag apply dahil sa 2 anak ko para kako mag karoon sila ng better future sa Aussie. Kaya ngayon kung ano ba talaga ang gagawin ko o kung itutuloy ko pa di ko pa rin alam. Ngayong nabasa ko ang post mo may kinokontak ako na friend ng kasama baka may maitulong cya sa iyo, sabi nya sa recruitment daw yun nag wowork kaya tignan natin baka nga sakali may magawa cya para sa inyo at cguro from this outcome na magagawa nya para sa inyo ay makapag decide ako, kung tutuloy pa ako. Would you mind kung maibigay mo ang contact details thru this post para maifoward ko sa friend ko atleast I can do something to help. So wait ko ang reply mo sa post ko.
  • stolich18stolich18 Sydney
    Posts: 993Member
    Joined: Feb 15, 2012
    @Mariya i agree with the advices here. Will pray for you and your family. Dont worry, God is in control pa rin. Di Nya kayo dadalhin jan if He does not have plans for you and your family.
    Tama rin na try to check yung mga community work kase normally yung iba dun tlg muna nagsstart pag wla tlg makuhang work :-) tska check din cguro ways on how to cut expenses. Di bale, these are all humble beginnings and you wont be waiting in vain.

    Dont lose hope. God is faithful. No one whose hope is in the Lord will ever be put to shame. -Ps. 25:3

    261313 (Software Engineer)

    Feb.15.2012 - started working on ACS requirements
    Mar.02.2012 - submitted online ACS application and sent documents to ACS via Fedex
    Mar.05.2012 - ACS acknowledged actual documents
    Mar.21.2012 - ACS finalised assessment: Suitable
    Mar.31.2012 - IELTS exam with BC
    Apr.13.2012 - IELTS Results (L:8.5 R:7 W: 7 S: 8 OB: 7.5) Thank you LORD!
    Apr.14.2012 - Lodged 175 Online Application
    Apr.20.2012 - Completed Online Attachments
    May.24.2012 - "Application being processed further"
    May.29.2012 - CO Assigned :-)
    Jun.07.2012 - Uploaded NBI Clearance
    Jun.13.2012 - Medical/Health Requirements Finalised
    Jun.14.2012 - VISA GRANT! Thank you, LORD! :-)
    Jun.07.2013 - Initial Entry Date Deadline
    Apr.28.2013 - Initial Entry (Sydney)
    Jun.28.2013 - Verbal Job Offer (Melbourne)
    Jul.08.2013 - First day of Work and first day of child care for my son (Melbourne)
    Aug.21.2013 - First day of Work in Sydney

    "Great is the LORD and most worthy of praise; his greatness no one can fathom." Psalm 145:3

  • LokiJrLokiJr Quezon City
    Posts: 2,616Member, Moderator
    Joined: Jan 13, 2011
    That's the birthing pain you go through when you move to a new environment.
    Psychological barrier lang yan...malalagpasan niyo rin lahat ng yan...Kung napag-desisyunan niyo kasing umuwi sa Pilipinas, panibagong psych barrier yan kasi di na kayo gaganahan pumunta ng Australia uli :(
  • MariyaMariya Sydney
    Posts: 28Member
    Joined: Jul 08, 2012
    Reply to @LokiJr: Salamat po sa pag-reply kaagad @LokiJr...oo nga po, yung Nurse na naka-usap ko po noong naka-confine po yung anak namin (pero di po sya Pilipino...) nagkuwento din sya ng pinagdaan nila dito sa Brisbane tapos po nabanggit din po niya yung Newstart Allowance. Nakapag-inquire narin po kami sa Centrelink pero dapat nga daw po at least 2 yrs (?)...yung asawa ko po kasi ang personal na naka-usap nung taga-Centrelink...tapos pinaringgan daw po sya na kaming mga Migrants pagdating dito (AU) ay puro claim at aasa nalang sa govt. Anyway po, baka mapahaba na naman ang kwento ko po dito...bottomline, since alam po namin na di kami eligible sa Newstart...nag-register nalang po kami sa Job Services Australia na 'til now naman po ay wala ng feedback sa amin yung accredited nilang Employment Agency kaya po todo parin kami sa sariling sikap namin sa paghahanap at pag-aapply ng trabaho online (seek, careerone, jobsrapido, yung iba po direkta na sa website ng mga companies na may naka-post na vacancies, etc etc...)

    Maraming salamat po talaga sa pag-reply nyo :)
  • MariyaMariya Sydney
    Posts: 28Member
    Joined: Jul 08, 2012
    Reply to @aolee: Thanks po @aolee...oo nga po...dasal at malakas na pananampalataya nalang po talaga ang nagtutulak sa amin na huwag po munang sumuko kaagad.
  • MariyaMariya Sydney
    Posts: 28Member
    Joined: Jul 08, 2012
    Reply to @glaiza1210: May nakaka-usap po pero parang nagkakataon na may kanya-kanyang problema din pong pinagdadaanan. Pero hindi naman po sa pag-aano...sa experience po namin, bakit po kaya yung iba nating kababayan parang mailap po sila?

    Thanks @glaiza1210!
  • MariyaMariya Sydney
    Posts: 28Member
    Joined: Jul 08, 2012
    Reply to @JClem: Amen @JClem! :) Maraming salamat po sa inyo dyan at sa inyong lahat po dito sa PinoyAu! Last, last Sunday nga po naiyak nga po ako habang nagmi-misa nung biglang kinanta yung "Here I am Lord".
  • MariyaMariya Sydney
    Posts: 28Member
    Joined: Jul 08, 2012
    Reply to @jacob_sheikha: Naku pasensya na po kung nakadagdag po sa kalituhan sa pagdesisyon nyo kung pupunta po kayo dito sa AU dahil sa kwento ko...pero syempre po, may kanya-kanyang istorya po tayo sa bawat desisyon o experiences. Ang parati lang po iniisip naming mag-asawa ay sa bawat nangyayari ay may dahilan...may magandang dahilan ang nasa Itaas. Madali pong sabihin pero yun nalang din po ang nagpapalakas sa amin dito ngayon...na kahit sobrang hirap at pag-aalala na pinagdadaanan namin ngayon, nagpapakatatag po kami na hindi po sa amin ibibigay itong pagkakataon na makarating kami dito sa AU at ngayon na nasa matinding pagsubok kami ay alam ng nasa Itaas na kakayanin po namin ito. Kung pwede nga lang po sana hilingin na sana bukas ay OK na ang lahat.

    Maraming salamat po @jacob_sheikha...God bless us all!
  • MariyaMariya Sydney
    Posts: 28Member
    Joined: Jul 08, 2012
    Reply to @stolich18: Maraming salamat po @stolich18! Opo, check po namin...may in-apply-an din po ako na traineeship sa Children's Services...may nag-advice din po sa akin naman na mag-volunteer work din daw po muna para magka-experience lang...
  • stolich18stolich18 Sydney
    Posts: 993Member
    Joined: Feb 15, 2012
    Reply to @Mariya:
    no problem. :) try nyo rin apply sa Melbourne and Sydney. Tsagain nyo lang ung available jobs sa seek.com.au. Tska update nyo dapat ang profiles nyo sa linkedin and make many connections as possible with headhunters. :)

    261313 (Software Engineer)

    Feb.15.2012 - started working on ACS requirements
    Mar.02.2012 - submitted online ACS application and sent documents to ACS via Fedex
    Mar.05.2012 - ACS acknowledged actual documents
    Mar.21.2012 - ACS finalised assessment: Suitable
    Mar.31.2012 - IELTS exam with BC
    Apr.13.2012 - IELTS Results (L:8.5 R:7 W: 7 S: 8 OB: 7.5) Thank you LORD!
    Apr.14.2012 - Lodged 175 Online Application
    Apr.20.2012 - Completed Online Attachments
    May.24.2012 - "Application being processed further"
    May.29.2012 - CO Assigned :-)
    Jun.07.2012 - Uploaded NBI Clearance
    Jun.13.2012 - Medical/Health Requirements Finalised
    Jun.14.2012 - VISA GRANT! Thank you, LORD! :-)
    Jun.07.2013 - Initial Entry Date Deadline
    Apr.28.2013 - Initial Entry (Sydney)
    Jun.28.2013 - Verbal Job Offer (Melbourne)
    Jul.08.2013 - First day of Work and first day of child care for my son (Melbourne)
    Aug.21.2013 - First day of Work in Sydney

    "Great is the LORD and most worthy of praise; his greatness no one can fathom." Psalm 145:3

  • MariyaMariya Sydney
    Posts: 28Member
    Joined: Jul 08, 2012
    Reply to @lock_code2004: Thanks po @lock_code2004...salamat po sa advice nyo. Mahirap nga po mag-isip pag masyado ding emosyonal :( at lalu na pag sobrang stress na sa mga bagay-bagay. Thanks po ulit sa payo nyo...tnx po.
  • MariyaMariya Sydney
    Posts: 28Member
    Joined: Jul 08, 2012
    Reply to @LokiJr: Oo nga po @LokiJr...kapag nag-uusap kami mag-asawa...ang sarap isipin & actually po ang daling umuwi ng Pilipinas...pero nilalabanan parin po namin na ganun nalang ba kadali yun at susuko na kami kaagad...looking forward po na sa next post ko po ay may positive news naman akong maihatid sa inyong lahat po dito sa PinoyAu.

    Maraming salamat po sa inyong lahat dito! Napakasarap na maramdaman na kahit di po namin kayo nakikita ay may nakikinig at nakakaintindi po sa pinagdadaanan namin ngayon. God bless us all!
  • k_mavsk_mavs Melbourne
    Posts: 712Member
    Joined: May 30, 2011
    Reply to @Mariya: Basta don't ever lose hope. We all know that God has answers for every prayers that we have. Minsan lang tlaga hindi yung inaasahang outcome yung makukuha natin but rest assured na hinding hindi ka nya pababayaan sa mga trials na darating sa pamilya mo.
    Intay lang po kayo at baka thru this forum e may makatulong sa inyo kahit paano. God Bless!

    “We can make our own plans, but the LORD gives the right answer.”

  • risa_crisa_c Mandaluyong
    Posts: 84Member
    Joined: Dec 02, 2011
    @Mariya, sad to hear about your story. naalala ko yung kwento ng pinsan ko nung nagstart sila sa AU, na kahit anong work din kinuha nila, at may time na natanggal siya sa work. May family na din sya noon.
    Pero naka-survive din, nagkaroon ng stable job at ngayon 20 years na sila dun.
    Tama ang mga advice ng mga forumers na don't lose hope, pray always. Isipin nyo madami din kayo pinagdaanan sa pag-aapply pero na-grant kayo ng visa, so it's also God's will.
    I hope gumaling na ang anak mo.
    Hang in there. Minsan pag mahirap sa umpisa, mas gumagaan kapag tumatagal ang panahon. God bless!
  • sohcsohc Adelaide
    Posts: 250Member
    Joined: Sep 07, 2011
    feel sorry to hear your story mariya. May I know kung anung specific specialization hawak ng husband mo?

    Bago lang din ako sa AU you can see it based on my signature. Today nakareceive ulit ako ng email ng job invitation if I can only pass the opportunity to your husband.

    Try try pa, don't lose hope. Forward me his resume, I'll try to send it sa senior recruitment consultant na kakilala ko. I'll pm you my email address.

    ACS 262113 / Arrived in Adelaide 19/02/12
    Employment started 19/03/2012
    Enjoying the land down under :)

  • Cheers25Cheers25 Melbourne
    Posts: 268Member
    Joined: Jun 08, 2012
    Reply to @sohc: God will surely shower you with abundance of blessings because you have a ready hand to help others esp. Our kababayans.
    God bless @mariya and family. Dasal lang and live the faith!

    To God be the glory.

    Subclass 572 Timeline (2-3 months processing)
    June 13, 2012 - Lodged application via PIASI
    June 19, 2012 - Student acknowledgement letter received
    June 20, 2012 - Medicals @ St. Lukes
    June 25, 2012 - Medical examination results forwarded to the Australian Embassy thru the e-health system
    July 10, 2012 - Additional Information Request
    July 12, 2012 - Picked up additional information
    July 27, 2012 - Visa Granted. Thank you Father God! :)

  • MarieMarie Queensland
    Posts: 42Member
    Joined: Jul 07, 2012
    Hello Mariya, napakahirap ng sitwasyun nyo, pero huwag ka mawalan ng pag asa. Try ka check ng availability of work d2 sa Toowoomba, medyo mababa cost of living d2 as compared to brisbane somehow kahit paano may mga temporary work available.
    9:39PM Comment
  • adelaide_boiadelaide_boi Sydney
    Posts: 72Member
    Joined: Apr 12, 2012
    @Marie

    Pareho ang nominated occupation namin ng asawa mo, pero sobrang mahirap talagang makakuha ng work ang pinoy as Systems Analyst role. Kailangan yata eh superior ang writing and speaking kasi most of the time the role requires interaction with stakeholders. Tell him to tailor his CV to any vacant role available in the marketplace.

    Sa kati-tailor ko ng CV napunta ako sa Oracle/SQL database administrator. Lahat ng ICT role applyan nya, ganun lang naman talaga ang technique.

    one hella' skilled visa grantee. Happily ended up as an ICT gov't employee where SKILLS Australia is just one desk away!

  • macaraeg_mjmacaraeg_mj Sydney
    Posts: 23Member
    Joined: Apr 25, 2011
    our prayers for your family po. wag ka mawalan ng pagasa. message mo sa kin email address nyo baka pwede ko sya refer sa kakilala ko sa sydney. no promises pero malay mo.
  • BryannBryann Sydney
    Posts: 854Member
    Joined: May 27, 2011
    Sobra ah.. nakakalungkot talaga yun nangyari sa inyo Mariya.. alam ko kahit mahirap talaga yun pinagdadaanan niyo ngayon. And based sa kwento niyo madami talaga kayo ginawa paraan para sa solution sa problems niyo.. Talagang trust in the Lord lang.. He can do miracles. Sana meron makabasa dito ng post mo and makatulong sa pagbibigay ng trabaho sa husband mo..

    Occupation: ICT Software Engineer (ANZSCO 261313)
    Dec 13 2011 - ACS: Suitable (AQF Diploma)
    Feb 03 2012 - IELTS #1 Failed (W-6.5)
    Mar 02 2012 - IELTS #2 Passed
    Apr 21 2012 - 175 Visa Lodged Online
    May 29 2012 - CO Assigned
    Jun 25 2012 - Visa Grant (IED: Dec 14 2012)
    Aug 19 2012 - Arrived in Sydney
    Sept 10 2012 - Start @ 1st Job (Web Developer)

  • LokiJrLokiJr Quezon City
    Posts: 2,616Member, Moderator
    Joined: Jan 13, 2011
    Hehe todo todo talaga kung magbigay ng suporta ang pinoyau :D
  • fayefaye North Ryde
    Posts: 770Member
    Joined: Apr 04, 2012
    @mariya grabe pala pinagdaanan mo jan but don't lose hope. Trials lang yan ni God. Just continue to pray.

    Godbless!

    Skilled – Family Sponsored (Migrant) Visa (Subclass 176)
    Nominated Occupation: CHEMIST 2111-11
    11/MAY/2011 - IELTS Exam
    20/JUNE/2011 - Lodged Online Visa Application
    15/FEB/2012 - CO Allocation
    26/JUNE/2012 - VISA GRANTED! Thank you Lord!
    11/APR/2013 - Initial Entry Date Deadline
    10/MAR/2013 - Arrived in Sydney :)

  • k_mavsk_mavs Melbourne
    Posts: 712Member
    Joined: May 30, 2011
    Reply to @LokiJr: Tama po. We are one big happy family dito. Basta kayang makatulong sa iba e gagawin natin. Kahti di pa natin nakikita or nakikilala ang isa't isa e full support pa rin sa lahat ng oras. :)

    “We can make our own plans, but the LORD gives the right answer.”

  • JClemJClem Melbourne
    Posts: 528Member
    Joined: Jan 08, 2011
    Keep the faith @Mariya and be strong! :) Wag na kayo umuwi dito sa Pilipinas. Magkita-kita tayo dyan sa Australia. :)

    Nominated Occupation: Software Engineer (261313) - Husband is the primary applicant.

    10.21.2012 - Arrived in Melbourne. This is the day that the Lord has made. :)
    03.26.2012 - Visa granted. God is good, all the time! All the time, God is good! :)
    03.23.2012 - PCC submitted and medicals finalized
    03.02.2012 - Application being processed further / CO assigned
    06.26.2011 - Lodged Visa 175 application

  • MariyaMariya Sydney
    Posts: 28Member
    Joined: Jul 08, 2012
    Reply to @risa_c: Maraming salamat po @risa_c :) Nakaka-inspire naman yung kwento tungkol sa pinsan nyo po. Sabi nga po naming mag-asawa, sana nga dumating yung panahon na tatawanan nalang namin itong pinagdadaanan namin ngayon...sana maka-ahon na kami sa sitwasyon namin ngayon. Thanks po ulit!
Sign In or Register to comment.
LATEST 10 ACTIVE DISCUSSION THREAD
angel_iq4

Qatar

most recent by hhm9067

angel_iq4

Migration

most recent by Cerberus13

Welcome to Pinoy AU Community!

The longest running Pinoy-Australian Forum site in the history. We are connecting Pinoys "in" and "to" Australia since 2010! If you want to join in, click one of these buttons!

Categories

Random Members
(55321)

MindyHendshao_anneDon VillanuevajinginsgEdnajoannreyes888MJQ79pauliechanel07michelleanne_ramosKG2Kentlagutan09jonnel13ezelaoncallnannymjledesmacarlotagarces20mcmalinaoicancurhaloAbigail
Browse Members

Members Online (4) + Guest (157)

IzanagikapkhaykeSGjess01onieandres

Top Active Contributors

Top Posters