Ad space available
reach us at [email protected].
Major update has been completed. Please help to report any abnormality that you are facing (in case there is any) to [email protected] . Thank you for your continued support guys!

Jobs in australia

jem_024jem_024 Quezon CityPosts: 29Member
edited October 2012 in Working in Australia
hello! mag tatanong lang din po ako kung may alam po ba kayong hospital na pwede akong mag apply as nursing assistant? nursing graduate po kasi ako 23 years old. wala po akong relative or kahit kaibigan na nakatira sa australia. saan po kaya ako makakahanap ng employer na pwedeng magasikaso ng papers ko para makapag work ako sa australia? help naman po. salamat

Comments

  • LokiJrLokiJr Quezon City
    Posts: 2,616Member, Moderator
    Joined: Jan 13, 2011
    edited October 2012
    Hi po, welcome sa forum. As always po, kumuha po muna kayo ng IELTS at magpa-skills assessment.

    In demand ang nursing sa Australia pero hindi kasi basta-basta sila kumukuha...kailangan niyo muna mapasa yung mga requirements nila at pag ok na mga yun, saka lang nila kayo mabibigyan ng visa...Pagkatapos niyan, saka pa lang kayo makakahanap ng trabaho :)

    Check niyo rin po yung thread namin para sa mga nurses...dami kayo mapupulot dun :)
  • jem_024jem_024 Quezon City
    Posts: 29Member
    Joined: Oct 10, 2012
    @lokijr: hello po thank you po sa reply. sir may isa pa po akong tanong san po ba magandang review center para ielts? at anu po ba ibig sabihin ng idc at bc? tama ba ako?? hehehe salamat po
  • sticktoexecutesticktoexecute Sydney
    Posts: 23Member
    Joined: Jun 02, 2012
    @jem_024 yung IDP and BC (British Council) sila ung mga nagcoconduct ng mga IELTS dito. regarding sa quesiton nyo about ano ang magandang review center, di kita masagot kasi nagtipid ako at nag self study lang. hope this helps.
  • jem_024jem_024 Quezon City
    Posts: 29Member
    Joined: Oct 10, 2012
    hello po.. sir itatanong ko na din magkano po magagastos ko sa pag tatake ng ielts exam?? wala pa po ako exact date para lang po mag karoon ako ng idea. at ano2 po ba mga requirements na ibibigay para makapag file sa idp?? thanks
  • aldousnowaldousnow Sydney
    Posts: 494Member
    Joined: Nov 16, 2011
    @lokijr: hello po thank you po sa reply. sir may isa pa po akong tanong san po ba magandang review center para ielts? at anu po ba ibig sabihin ng idc at bc? tama ba ako?? hehehe salamat po
    ok sa 9.0 niners review center. eto site nila http://www.ninerreview.com.ph/homepage1.htm icheck mo na lang sa site nila for more details.
    regarding sa exam, i took mine last year february. mga almost 9k pesos yung bayad ko nun.. not sure ngayon kung how much.
    heto site nung sa british council diyan ko nagtake.
    http://www.britishcouncil.org/philippines-common-take-an-exam-ielts-test-takers.htm

    Skilled – Family Sponsored (Migrant) Visa (Subclass 176)
    Nominated Occupation : Developer Programmer (261312)
    02/28/2011 - ACS Finalized the Case (261312, PIM3, Group A)
    03/07/2011 - IELTS Result Received L- 6.5, R-7.0, W-6.0, S-7.0, Overall Band Score-6.5 (BC)
    03/13/2011 - Lodged Visa Application (Online)
    11/09/2011 - CO Allocation
    12/02/2011 - Medicals Finalised
    12/02/2011 - FINISH LINE!! (Visa Grant)
    03/23/2012 - My first day @Melbourne
    04/14/2012 - Started looking for a .Net Developer job
    06/04/2012 - And finally got one! :)

  • LokiJrLokiJr Quezon City
    Posts: 2,616Member, Moderator
    Joined: Jan 13, 2011
    ^ 8,640 yung IELTS fee nung kumuha ako (last year)

    Hindi naman kailangan gumastos sa review center...most often than not, sapat na yung self review hehe
  • jem_024jem_024 Quezon City
    Posts: 29Member
    Joined: Oct 10, 2012
    hello po... salamat po sa mga reply po...

    sir lokijr itatanong ko lang din po anu po ba maganda magpatulong po ba sa agent para mapadali ang pag process ng papers? ano din po ba ang dapat na kunin ko sa visa? wala po kasi akong idea. ang gusto ko po sana yung skilled immigrant tapos permanent residence..sensya na po ha.. first time ko po kasi... thank you
  • jem_024jem_024 Quezon City
    Posts: 29Member
    Joined: Oct 10, 2012
    at syaka po anu kaya ang target band ko po sa ielts? hindi po ako registered nurse pero graduate po ako ng nursing.
  • lock_code2004lock_code2004 Perth
    Posts: 5,037Member, De-activated
    Joined: Feb 23, 2012
    hi @jem_024.. read this thread baka may mapulot ka mga info for nurses

    http://www.pinoyau.info/discussion/477/what-are-the-options-for-nurses#Item_27

    Sep 24, 2011 - IELTS (L-8 R-8 W-8 S-7.5 : OBS-8)
    Jan 04, 2012 - EA application submitted | Feb 23, 2012 - EA assessment result (IE ANZSCO 233511)
    May 8, 2012 - Lodged GSM 175 online application | June 4, 2012 - CO Allocated
    June 22, 2012 - Medicals Finalized | Aug 30, 2012 - PCCs Completed (PH, UAE, USA)
    Sep 3, 2012 - Visa Granted (IED Jun 11, 2013) Thank You Lord!
    Oct 16-28, 2012 - Initial Entry Completed - Sydney
    July 28, 2013 - Final move to Perth
    Sep 9, 2013 - Started work with the same company i worked for in UAE/USA
    Oct 28, 2013 - Moved to another company.. ;)

  • LokiJrLokiJr Quezon City
    Posts: 2,616Member, Moderator
    Joined: Jan 13, 2011
    @jem_024 case to case basis po kung akma sa kalagayan niyo mag migration agent e...kung bago pa lang kayo sa nursing baka pabor sa inyo mag-agent samantalang kung matagal na kayo sa industriya at marami na kayong work experience, baka kaya niyo na magpasa ng visa mag-isa :)

    Dun po sa IELTS, all 7.0 kailangan ng mga nurses at sa pagka-alam ko kailangan yung Academic type yung kukunin niyo :)
  • jem_024jem_024 Quezon City
    Posts: 29Member
    Joined: Oct 10, 2012
    hello po @lokijr: itatanung ko lang po kung gumamit po ba kayo ng agent para magprocess ng documents nyo?? sister ko po kasi naghahanap ng agent na mura at mapagkakatiwalaan na agent..may mairerefer po ba kayo? salamat?
  • LokiJrLokiJr Quezon City
    Posts: 2,616Member, Moderator
    Joined: Jan 13, 2011
    @jem_024 sariling sikap po ako e hehe...puwede niyo pong subukan yung Palms Migration. Magaganda naman feedback nababasa ko sa kanila hehe
  • jem_024jem_024 Quezon City
    Posts: 29Member
    Joined: Oct 10, 2012
    @lokojr:maam sensya n po kung dami kong tanung... hehe halimbawa po mag aapply po ate ko ng temporary visa 18months lang po yun diba? pwede ba na maghanap sya ng work kahit di sya PR? at ano kayang passing score kapag temporary visa lang iaapply? kasi sa 189visa 60 points kailangan. at syaka po kailangan pa rin ba na ang ielts score nya dapat eh 7 kahit temporary visa po? sensya na po ha. salamat
Sign In or Register to comment.

Welcome to Pinoy AU Community!

The longest running Pinoy-Australian Forum site in the history. We are connecting Pinoys "in" and "to" Australia since 2010! If you want to join in, click one of these buttons!

Categories

Random Members
(55353)

Browse Members

Members Online (9) + Guest (92)

GodsgracefruitsaladgrazieJenchanonieandresigadoisa_georgiaschrodingers_catIampirate13

Top Active Contributors

Top Posters