Ad space available
reach us at [email protected].
Major update has been completed. Please help to report any abnormality that you are facing (in case there is any) to [email protected] . Thank you for your continued support guys!

Student Visa (Step by step)

1512513515517518591

Comments

  • redfox8redfox8 Melbourne
    Posts: 62Member
    Joined: Aug 10, 2016
    hello!!!!
    I just checked my immiaccount today!!! Good news guys! VISA GRANT NA together with my husband..!

    Here's my timeline:
    IELTS exam - December 10 2016
    IELTS result - December 23, 2017
    Submitted docs to different Unis - choices are:
    1. Deakin U - filled up forms, submitted SOP and other req - after 1-2 days - LETTER
    OFFER received(madali lang po kumuha sa Deakin ng offer letter basta complete
    requirements) 2 yrs na usually icredit sa previous study.
    - didn't accept kasi super expensive. 1 yr is not enough para macover ung expenses.

    2. Academia - for aged care 3& 4 (1 yr and 6 mos) - triny ko kasi mas cheaper ang
    tuition fees pero hassle kasi ininterview pa ako. Bakit ako magshift sa aged care kung
    nursing tinapos ko, and dami pinarequire sa kin. Lalo dun sa paggawa ng SOP. kaya in
    the end, hindi ko din tinuloy.

    3. Victoria Uni - unang choice ko ever since nagdecide ako magapply. Pabago-bago lang
    ako. ANyway, una ko nareceive nung nagpass ako ng requirements, is Conditional
    letter offer - kelangan ko lang ma satisfy ung conditions before unconditional letter is
    offered. And ung condition is ung showing of financial capacity. Pagtiyagaan nyo lang
    kung interested kayo kasi marami lang forms na ifi-fill-up. Ung pag credit nila ng
    previous study, hindi basta-basta. May ifi-fill up na form and then mag sa-submit ka
    talaga ng Course Syllabus. Hindi rin listed ung school as SVP (streamline visa
    processing) kaya may evidence of financial capacity ka na ipapakita.
    One of the least expensive schools kaya ko nagustuhan and mas malapit siya sa
    residence ng tita ko. Before 11800 AUD per sem ang tuition. Nagtaas na for 2018
    naging 12700 na. Same sila ng ACU (Australian Catholic Uni) na mababa ang tuition. Sa
    iba kasi aabot ng 30-31k AUD for 1 year. Eh sa kanila is 24-25k lang. Sayang pa rin
    yung almost 5k di ba?

    Unconditional OFFER letter from Vic Uni - August 21, 2017
    - with package ako ng english for 10 weeks kasi ung writing is 6.0. Ok naman yung iba
    Reading - 8, Listening - 9, Speaking- 7. Kung nag 6.5 lang sana atleast ung writing.
    Yun kasi required dun sa Vic Uni wala dapat bababa sa 6. Hay anyway move on na..
    - total payment is 23,935.
    12700 for 1st sem
    7735 for OSHC (dual)
    3300 for EAP ( English)

    Paid tuition fee - September 13, 2017
    - via BPI ako. Bale humanap pa kami money changer na mababa ang bili kasi via AUD
    namin babayaran. Mejo hassle po ito, umabot ng 2 weeks. everyday kami bumibili ng
    dollar. Yung iba kasi money changer wala ganun kalaki amount. Sa NAILAS money
    changer address is 1741 A Mabini st Malate Manila, mas mababa ung offer nila sa
    pagbili ng AUD as compared to other money changers. Kung interested lang kayo.
    - bank transaction fee total ng binayaran ko sa BPI is 45 AUD. Lahat lahat na yun. Wala
    na ring ibabawas ang bank sa Australia. Kaya total binayara ko is 23980 AUD.

    Submitted telegraphic transfer form and signed acceptance letter offer - Sep. 13, 2017
    eCOE received - September 14, 2017
    Application created in Immiaccount
    for Health Assessment - September 14 2017 (gabi ko
    ginawa)
    Medical done at St Lukes - September 15, 2017
    - total paid P15, 658 (6000 sa husband ko) P9,658(sa kin kasi for HIV testing din ako)
    ganun talaga if for student visa -Nursing.

    Submitted other docs to IDP via email - September 19, 2017
    - updated SOP ( sa kin) and SOP (husband), updated bank certificate/statements,
    updated resume, financial declaration (notarized) that I have access to funds.

    for Health re-evaluation -husband - September 26, 2017
    - nagemail sa kin ang BMVS (Bupa Medical from Australia) na further info is required
    before it can be determined that you meet the health criteria for entry to Australia, so
    in short, yung further eval na ginawa is repeat XRAY .
    - health assessment ko sabi sa immiaccount - NO ACTION REQUIRED, si husband is
    FURTHER EVALUTION

    Appointment set at IDP - September 26, 2017
    - dinala ko lahat ng documents ko. Original with photocopy. Chineck lahat ni ma'am.

    VISA Lodge and submitted via Immiaccount - September 26, 2017 (gabi)
    - and paid 989 AUD via credit card

    For repeat Xray husband - September 29, 2017
    - After 3 days ko na pinabalik. Pinainum ko talaga ng mga vitamins at juice na rich in
    antioxidants. Bumili ako ng 4 life RIOVIDA at 4 life transfer factor plus (cenxa na sa
    pagpromote) maganda lang talaga products nila. Hindi ko sure kung nakatulong ito
    nung nagrepeat xray siya. na CLEAR naman siya. or baka wala naman talaga nakita
    nung initial xray niya.

    *everyday tuwing umaga nagchecheck ako sa immiaccount. Wala pa rin status... kasi nga di ba usually aabot talaga ng 15-30 days. Kinakabahan ako kasi NOV 2 na ung orientation date ko sa English, akala ko talaga hindi ako aabot. NOV 6 ang start ng klase pero kelangan makaatend ka ng orientation date. and then this morning..,

    VISA GRANT - October 4, 2017
    - hindi ako nagcheck ng Oct 4, not knowing na meron na pala.!!! Grabe.! 1week lang
    ung processing ko.. Hindi ko talaga ineexpect.;)) Probably siguro, complete yung
    requirements ko and na meet siguro ung financial capacity.
    - yesterday same date din na receive ung health assessment ni husband na NO
    ACTION REQUIRED.
    - Bale ang financial capacity ko ito para may idea kayo.
    1.2M - bank namin ni husband
    1 M - bank ni mama
    - ung ibang bank cert ko na sinubmit for example sa BDO, 500k un kaso wala na
    talaga yung certain amount na yun, 3k na lang ata. nagamit na kasi sa pangtuition.
    Ang confirm lang talaga na meron sa min sa isang bank is 1.2M
    - then nag submit ako ng financial docs ng tito ko (payslips, COE, bank statement
    kung saan hinuhulog ung sahod niya, passport, birth cert.)
    - financial docs tita ko sa australia (statutory dec nila, passport ng tita and
    husband niya, birth cer, marriage cert, ITR ng tito ko) ung bank statement nila,
    sep 2016 pa yun, hindi na ko nakakuha ng latest, pero sinubmit pa rin yung luma.
    anyway ang total lang nun is 9k AUD. Siyempre hindi ko na binilang yun sa proof
    of funds ko. Basta sinubmit lang.
    - financial docs ni mama (affidavit of support, business infom-DTI, business
    permit, etc, birth cert, marriage cert., ITR)

    * so yun lahat guys ang ginawa ko.. sana makatulong sa inyo. via IDP po ako. may ifil-up ka na form na 956 A. ung educational agent mo ang magifil-up ng iba dun. ang importante ung info mo lang den signature. ung iba si ma'am na nagfil-up. IDP rin nagattach lahat ng documents ko sa Immiaccount. Chineck niya yung ginawa ko, SAVE mo na, hindi submit, kasi pag sinubmit mo na yun finalized na xa. den binigay ko yung log-in info and password kay Ma'am. September 26 afternoon, natapos niya na lahat i-attach. den Sep 26 evening nagsubmit na ako ng visa application.


    KUNG MAY QUESTION KAYO GUYS, don't hesitate to ask me;) Malaki din naitulong ng forum na to sakin. Anyways, i hope you'll be granted a visa too -!




  • redfox8redfox8 Melbourne
    Posts: 62Member
    Joined: Aug 10, 2016
    @dval matagal na yung account ko na naopen. pero yung paglagay ng 500k sa isang account ni mama wala pang 1 month. and ung another 500k nya sa isang account, kakaopen lang yun ds September. pero hindi nakaindicate sa bank cert.
    yung account ko na 1M, wala pang 1 month sa account ko yun
  • JapsRNJapsRN Philippines
    Posts: 97Member
    Joined: Jan 25, 2017
    Hi anyone here can you help me with my GTe. May sample po ba kayo? Pwede pa send sa email ko if pwede. Salamat po
    [email protected]
  • ambryambry Singapore
    Posts: 90Member
    Joined: Apr 25, 2017
    Hi @redfox8 bank cert lang lahat binigay mo? walang bank statement? You mean both yung 1.2M at 1M na bank account tig 1Month or less pa lang sya from opening? Di umabot ng 3 months?
  • redfox8redfox8 Melbourne
    Posts: 62Member
    Joined: Aug 10, 2016
    @ambry yes bank cert lang lahat yun. yung sa tito ko, bank statement, dun hinuhulog yung sahod nya. yung less 1 month from opening, yun ung 500k na bank cert ni mama sa Phil business bank. hindi kasi samin yun, kaya new account. pero kinausap lang namin yung bank na wag ilagay kung kelan inopen. ang nilagay lang nila, maintained the following accounts....

    yung sa akin, matagal ng naopen yun. Pero yung 1M na inilagay, wala pang 1 month yun. same din kay mama.
  • redfox8redfox8 Melbourne
    Posts: 62Member
    Joined: Aug 10, 2016
    @benjfabian hello.. if u may, i want to answer your question.. as for the living costs, kelangan maipakita mo lang na may ganun kang amount sa bank cert/bank statement mo. not necessarily na may pera ka talaga na ganun. so, pwede ka maghanap ng kakilala mo na temporarily maglalagay ng ganung amount sa bank mo, basta hindi mo gagalawin. or may mga visa loan assistance jan na magpapahiram ng money, pero with interest. around 2.75% per month or 3.25%/month
  • redfox8redfox8 Melbourne
    Posts: 62Member
    Joined: Aug 10, 2016
    @benjfabian as for the school. nakadecide ka na ba sang part ka ng australia balak mag-aral? sydney or melbourne? pwede namang hindi related sa course mo, pero you need to justify it on ur GTE letter or SOP, kung bakit yun ang gusto mong course.
  • redfox8redfox8 Melbourne
    Posts: 62Member
    Joined: Aug 10, 2016
    @phoenix26 hello... sisingit lang ako.. baka makatulong.. hehe.. in my case, nung inaantay ko pa yung eCOE, nag create n ako ng immiaccount, then create application for health assessment(medical) yun inadvise sa kin ng IDP.... anyway, saglit ko lang nakuha yung eCOE. 1 day lang inantay ko. basta nung finorward k n yung telegraphic transfer form (scanned), finorward na the next day yung eCOE ko. pwede mo tgnan yung timeline ko.
  • redfox8redfox8 Melbourne
    Posts: 62Member
    Joined: Aug 10, 2016
    @phoenix26 and ask ko lang kung via IDP ka ba or DIY?
  • lizzzielizzzie PH
    Posts: 131Member
    Joined: Feb 08, 2017
    @redfox8 hi! nurse ka rin po ba? if nurse ka rin po ba ung naka bridging kapo ba? thank you po! congrats din! :)
  • redfox8redfox8 Melbourne
    Posts: 62Member
    Joined: Aug 10, 2016
    @lizzie no po. Kinuha k po tlga ung bachelor of nursing. 2yrs
  • mcg143mcg143 Philippines
    Posts: 143Member
    Joined: Jun 19, 2017
    wala naging prob. Akala ko lang kaya kong gawin requirements sa masters by research. I realised, mas ok na ko sa coursework. I'm still finishing up my docs.
    ellaine said:

    @mcg143 ano ang naging problema? Did you try to submit?

  • mcg143mcg143 Philippines
    Posts: 143Member
    Joined: Jun 19, 2017
    hi guys, pag ba Counselling ang course considered health course ba ito? kasi walang nakalagay sa course description and yung College of Applied Psychology ung school eh. All of their courses are Psychology related.
  • holahappymariaholahappymaria singapore
    Posts: 65Member
    Joined: Apr 17, 2017
    lodged: June 3
    decision: June 16- rejected
    lodged: Oct 5
    decision: Oct 9 - APPROVED!!!!


    taking up 2 years in childcare course, ang natapos ko business ad. no experience in childcare at rejected dati

    magdadagdag sana ako ng more evidences kaso bigla nalang ako sinabihan ng APPROVED! To God be the glory!!!!
  • pepaypepay Posts: 199Member
    Joined: Mar 13, 2015
  • holahappymariaholahappymaria singapore
    Posts: 65Member
    Joined: Apr 17, 2017
    @pepay salamat!!!!
  • julypearljulypearl Posts: 110Member
    Joined: Sep 26, 2017

    lodged: June 3

    decision: June 16- rejected

    lodged: Oct 5

    decision: Oct 9 - APPROVED!!!!





    taking up 2 years in childcare course, ang natapos ko business ad. no experience in childcare at rejected dati



    magdadagdag sana ako ng more evidences kaso bigla nalang ako sinabihan ng APPROVED! To God be the glory!!!!

    I also plan to take childcare course package. What school ka po? And how much po yung show money nyo? I'm confused. Did you have to pay the whole course tuition upfront para ma-release ang coe? And if not, how much po kaya per sem? Please help me. I really need advise.
  • riza12345riza12345 Cebu
    Posts: 31Member
    Joined: Sep 24, 2017
    Hello. Sino nasa melbourne na? I’m looking for a shared house/room for girls po. 100-150aud p/w. Thank you sa sasagot.
  • dvaldval Philippines
    Posts: 103Member
    Joined: May 13, 2017
    congrats @holahappymaria! Sino po agent nyo po?
  • holahappymariaholahappymaria singapore
    Posts: 65Member
    Joined: Apr 17, 2017
    @julypearl Yorke Institute. 1year lang show money ko. Nagbayad lang ako ng downpayment. Kailangan icontact mo ai school para sa mga requirements for you to get COE.
  • joy.gomez08joy.gomez08 Parañaque City
    Posts: 11Member
    Joined: Aug 28, 2017
    Hi @holahappymaria congrats sa approved visa mo. DIY ka ba? Balak ko rin kumuha ng childcare course pero lahat ng agent na nakausap ko lahat negative daw na ma-approve ako kasi yung work experience ko sa HR tapos graduate ng psychology.
  • holahappymariaholahappymaria singapore
    Posts: 65Member
    Joined: Apr 17, 2017
    @joy.gomez08 salamat! Noong una DIY pero yun 2nd application ko, may agent na. Kung agent sa Pinas ang nakausap mo, lagi nilang sasabihin negative.

    Kasi ako nagtrabaho ako sa retail for so long (business ad tinapos ko) at no experience sa childcare pero ngayon naapprove ako. Kailangan mo lang talaga majustify yun change of career mo. saka yun insights ng agent ay nakatulog sakin when it comes to SOP. Masasabi ko na magaling din agent ko dahil may 11 years of experience siya sa immigration (as case officer, taga approve or reject ng applicants dati)
  • greenapplegreenapple nsw
    Posts: 118Member
    Joined: Jun 20, 2017
    @holahappymaria congrats po! kelan po intake nio?

    Matthew 7:7
    Ask and you will receive, search and you will find, knock and the door will be opened for you.

    Psalm 23
    The Lord is my Shepherd, I shall not want. He makes me lie down in green pastures, he leads me beside quiet waters, He restores my soul. He guides me in paths of righteousness for His name's sake. Eventhough I walk through the valley of the shadow of death, I will not fear no evil, for you are with me. Your rod and your staff, they comfort me. You prepare a table before me in the presence of my enemies. You anoint my head with oil. My cup overflows. Surely goodness and love will follow me all the days of my life, and i will dwell in the house of the Lord forever.

  • joy.gomez08joy.gomez08 Parañaque City
    Posts: 11Member
    Joined: Aug 28, 2017
    @holahappymaria pwede ba ko makahingi ng copy ng GTE/SOP mo para may idea ako pano yung flow ng gagawin ko para ma-justify ko yung change of career. Sino pala yung agent mo baka pwede rin nya ako matulungan sa application. Disappointing din kasi yung mga negative na sinabi nila.

    Nung 2nd lodge mo ba nagbayad ka ulit?
  • julypearljulypearl Posts: 110Member
    Joined: Sep 26, 2017
    Yung bank statement po ba required na 3 months sa bank? And kelangan ba na moving yung pera? Magdedposit kase ako ng malaking pera to meet the show money amount, di po ba yun kahinahinala?
  • holahappymariaholahappymaria singapore
    Posts: 65Member
    Joined: Apr 17, 2017
    @julypearl di naman required na 3months sa bank at di naman moving yun akin. hehe
  • holahappymariaholahappymaria singapore
    Posts: 65Member
    Joined: Apr 17, 2017
    @joy.gomez08 2nd lodge nagbayad ulit ako. yun agent ko pwede mo iemail dito:

    [email protected]

    may sample ng mga SOP sa ibang pages hehe.. back read ka lang
  • holahappymariaholahappymaria singapore
    Posts: 65Member
    Joined: Apr 17, 2017
    @greenapple salamat! nov 14 pa intake ko
  • holahappymariaholahappymaria singapore
    Posts: 65Member
    Joined: Apr 17, 2017
    @dval un agent ko taga melbourne... email
    mo siya: [email protected]
  • julypearljulypearl Posts: 110Member
    Joined: Sep 26, 2017

    @julypearl di naman required na 3months sa bank at di naman moving yun akin. hehe

    Talaga po? Bank certificate lang po yung prinisent ninyo?
Sign In or Register to comment.
LATEST 10 ACTIVE DISCUSSION THREAD

Welcome to Pinoy AU Community!

The longest running Pinoy-Australian Forum site in the history. We are connecting Pinoys "in" and "to" Australia since 2010! If you want to join in, click one of these buttons!

Categories

Random Members
(55227)

Kale_2016MykzvalkerJenny14pongkalasvalkervalkerAndjbaristaakoPsalm_23Akomismo2MRoseDollentemaimaiMamabahatializohaibjavedchewychewbaccamaidenSphinxSurveyor2016fezzy
Browse Members

Members Online (5) + Guest (114)

fruitsaladMidnightPanda12kidfrompolomoloknika1234phoebe09_

Top Active Contributors

Top Posters