Ad space available
reach us at [email protected].
Major update has been completed. Please help to report any abnormality that you are facing (in case there is any) to [email protected] . Thank you for your continued support guys!

I have a relative sa Melbourne.

ierdna19ierdna19 South KoreaPosts: 3Member
Hello po, gusto ko lang po sana mag tanong kung anong pwedeng visa para sakin po?.. may relative po ako sa Australia at citizen na po sya doon.. at currently working po ako ngayon dito sa South Korea as EPS/OFW worker.. i hope sana may makabasa nito.. god bless po..

Comments

  • magueromaguero Adelaide
    Posts: 831Member
    Joined: Oct 24, 2016
    @ierdna19 Check if may occupation na applicable sa iyo dito sa skilled occupation list. Kung nasa list ang occupation mo, makikita mo sa ilalim yung visas na pwede mo applyan. Tapos research within the Immi site kung ano requirements for that visa. Kung may hindi clear sa iyo magtanong ka lang sa relevant thread dito sa forum.

    https://immi.homeaffairs.gov.au/visas/working-in-australia/skill-occupation-list
  • magueromaguero Adelaide
    Posts: 831Member
    Joined: Oct 24, 2016
    @ierdna19 Wala masyado matutulong yung relative mo sa Australia unless nakatira sya sa designated area and nasa MLTSSL yung occupation mo and at least 80 points ka.
  • ierdna19ierdna19 South Korea
    Posts: 3Member
    Joined: Aug 29, 2018
    @maguero sir, salamat po sa pag basa ng thread ko.. kahit citizen na po sya ng 3 decades?.. ganun po ba?.. sa Victoria nga po pala ang state nya..
  • magueromaguero Adelaide
    Posts: 831Member
    Joined: Oct 24, 2016
    @ierdna19 Kung gusto mo mag-migrate sa Australia kailangan ikaw mismo ay maka-meet ng requirements for Skilled Migration. Kahit matagal nang citizen ang relative nyo doon pero kayo mismo ay hindi nakaka-meet ng requirements, wala syang matutulong unfortunately.

    Ngayon kung na-meet mo ang requirements and nasa MLTSSL yung occupation mo, pataasin mo yung points mo para aside from submitting an EOI for 189 visa, pwede ka rin magsubmit ng EOI for 489 relative-sponsored visa. Kung nasa occupation list ng Victoria ang occupation mo, pwede ka rin magsubmit ng EOI for 190 Victoria.

    Kapag nakatanggap ka ng ITA and eventually meron ka nang visa ang matutulong ng relative mo ay patuluyin ka sa kanila habang naghahanap ka ng trabaho.

    Kung nasa list yung occupation mo, pwede mo rin subukan maghanap ng employer na magssponsor ng work visa mo. Medyo mahirap nga lang daw makahanap kasi usually gusto nila meron nang visa ang applicants.
  • jennyCjennyC Davao
    Posts: 71Member
    Joined: Oct 02, 2018

    hi po. makikisali po sana ako sa thread.

    regarding po sa visa, pwede lng po ba mag apply sa 189,190 and 489 ng sabay?

    and kailangan po ba tlga ng 80 points? wala po bang chance if 65 lng po?

    thank you po.

  • jennyCjennyC Davao
    Posts: 71Member
    Joined: Oct 02, 2018

    brother ko po is nasa Queensland. PR na po xa under visa 189. pwede po ba ako sa 489? thank you po

  • ierdna19ierdna19 South Korea
    Posts: 3Member
    Joined: Aug 29, 2018
    @maguero ayun nga po.. medyo nagkaka idea na ako sa kung papaanong process po ang visa pa australia.. salamat sir sa matyagang pag sagot sa mga tanong namin.. i-try ko po i check kung pasok po ako sa skillselect ang aking occupation.. then, if not.. what about kung mag aral ako sa australia?.. sana po bigyan nyo ako ng idea on what student visa has?.. maraming salamat po ulit sir..
  • magueromaguero Adelaide
    Posts: 831Member
    Joined: Oct 24, 2016
    @jennyC Yung visa na pwede mong applyan is dependent on your occupation. Kung nasa MLTSSL ka, pwede ang 189, 190, 489 family sponsored, and 489 state sponsored. Kung nasa STSOL ka naman, pwede ang 190 and 489 state sponsored. Kailangan mong check yung occupation list ng bawat state para malaman kung aling states ang nagssponsor ng occupation mo, tapos dun sa states na yun ka magfocus. Aralin mo yung requirements and application process ng mga states na yun for state sponsorship. Iba-iba kasi yan per state.

    65 points is the minimum points to be considered for a 189, 190 or 489 visa. Pero very competitive na ngayon and matagal-tagal nang walang naiinvite na 65 points sa 189 and 489 family sponsored visas. Makikita mo yung trend sa Immi website. Baka may chance sa state sponsored visa pero kailangan mo rin check yung minimum points required ng bawat state para sa occupation mo.

    Hindi pa nag-oopen ang Queensland for this fiscal year. Check mo yung BSMQ website nila for updates kung kailan magbubukas and kung ano requirements nila for this fiscal year.
  • magueromaguero Adelaide
    Posts: 831Member
    Joined: Oct 24, 2016
    edited July 2019
    @ierdna19 Na consider ko rin yung student visa dati pero in the end nagdecide ako na mag-try talaga makakuha ng skilled migrant visa kasi mas sigurado ito na pwede magtrabaho full-time at tumira ng matagal sa Australia. Ang student visa walang guaranteed pathway para maging PR. Kung gusto mo maging PR kailangan mo pa rin iundergo itong process for a skilled migrant visa, so parang mas mabuting derecho na lang.

    Kung wala sa listahan yung occupation mo pero yung course mo nung college ay related naman sa isa sa mga occupations sa list and hindi ka pa naman over 30 years old, sa tingin ko baka pwede mong iconsider lumipat ng trabaho sa occupation na nasa listahan. Check mo lang ng maigi yung requirements para sa successful skill assessment para sa occupation na yan. Kung mukhang kakayanin mo naman then consider mo yung strategy na yan. Kung hindi related sa kahit anong occupation sa list pati na yung course mo nung college, mukhang kailangan mo nga magstudent visa. Tignan mo ulit yung occupation list and sa opinyon ko lang, pumili ka ng occupation na interesado ka, yung mukhang wala masyado nag-apply para less competition, and available rin for state sponsorship. Tapos aralin mo yun in a school na nasa area classified as a regional area, para mas tumaas chances mo of being invited some day. Walang guarantee ang student visa pero kung ito lang ang way, gawin mo na lang lahat ng magagawa mo para tumaas ang chance na makakuha ka ng PR someday.

    Kung medyo kumplikado yung case mo pwede ka rin magconsult ng MARA-registered migration agent para sa guidance.
  • jennyCjennyC Davao
    Posts: 71Member
    Joined: Oct 02, 2018

    @maguero maraming salamat po sa pagsagot. may idea po ba kayo na if ever po hindi PR yung maaprove na visa like 489 lng po, masasama ko po ba family ko(husband&son) and makakawork po ba husband ko ng full time?

  • magueromaguero Adelaide
    Posts: 831Member
    Joined: Oct 24, 2016
    edited July 2019
    @jennyC Parehas lang ang 189, 190 and 489 visa in terms of kung sinu-sino ang mga pwede isama ng main applicant sa application nya. Pwede mong isama ang husband and son mo, at pareho kayo ng husband mo na may full work rights. Pwede mo na rin iconvert ang 489 visa mo to the 887 PR visa pagna-meet mo yung sponsorship requirement to live for 2 years and work for 1 year sa sponsoring state.
  • jennyCjennyC Davao
    Posts: 71Member
    Joined: Oct 02, 2018

    @maguero maraming salmat po talga

  • RalaineOlandaRalaineOlanda Posts: 1Member
    Joined: Nov 23, 2019

    pwede po mkisali sa thread, regarding sa family sponsorship under new 491 visa, may aunt po kc ako na PR na sa WA Perth, and ung skill ko po is under STSOL, may idea po ba kayo about sa required documents needed if family sponsorship ang kukuhaan ng points instead of state nomination? I hope sana po nay same case po na makabsa at makahingi po ng advise Maraming salamat po. God Bless

  • diannaCdiannaC PH
    Posts: 79Member
    Joined: Jun 15, 2018

    hi. newbie here. I am AURN na po and have relative (first degree cousin) sa Towoomba Queenland. am i eligible for sponsorship under relative sponsor 491? as of now, meron akong 70 points. Thanks a lot.

  • Captain_ACaptain_A AUSTRALIA
    Posts: 2,179Member, Moderator
    Joined: Jul 04, 2012

    @diannaC said:
    hi. newbie here. I am AURN na po and have relative (first degree cousin) sa Towoomba Queenland. am i eligible for sponsorship under relative sponsor 491? as of now, meron akong 70 points. Thanks a lot.

    eligble, just double check your cousins place. also 70pts may not be enough to be invited.

    18 Mar '16 IELTS Results
    06 Apr '16 EA CDR Skills Assessment submitted
    26 Apr '16 EA Skills Assessment Positive Outcome
    06 May '16 PTE-A Exam
    07 May '16 PTE- A Results & Submitted EOI
    11 May '16 Got ITA
    02 Jun '16 Lodge Visa
    04 Jul '16 Direct Grant

    Believe you can... and you're halfway there.... - Roosevelt

Sign In or Register to comment.
LATEST 10 ACTIVE DISCUSSION THREAD

Welcome to Pinoy AU Community!

The longest running Pinoy-Australian Forum site in the history. We are connecting Pinoys "in" and "to" Australia since 2010! If you want to join in, click one of these buttons!

Categories

Random Members
(55434)

paedocypris18MichaelEstil_101418AdminPinoyAU_Jysla_nemoneoplaksAnne_valesmrgrayred69studandyGraceytiuennaxor3jezrylleiamZcharls059danced22622abelliia1532Kristan_Iljimerokhadijahilajjapvilcidebellen021691
Browse Members

Members Online (12) + Guest (149)

GodsgracebaikenZionfruitsaladmathilde9oeoeonieandresnika1234soufflecakeIampirate13ForexGLoulouTA

Top Active Contributors

Top Posters