Ad space available
reach us at [email protected].
Major update has been completed. Please help to report any abnormality that you are facing (in case there is any) to [email protected] . Thank you for your continued support guys!

problema sa skills assessment at maging sa DIAC kung sakali...

jepgomezjepgomez Pasig CityPosts: 4Member
edited September 2013 in Working and skilled visas
Good day mga kabayan,

Pasensya na at mahaba ang esasalaysay ko, sana matulongan nyo ako sa mga katanungan kong mga ito:

Ako po ay isang electrical engineer, na balak mag pa assess sa Engineers Australia ng aking BSEE qualification at work experience. Ako po ay my dalawang trabaho.

Sa mahigit na sampung taon po ako ay nagtututro ng electrical engineering sa college level ng isang university.

Ako po ay isa ring self-employed na consultant electrical engineer sa isa o dalawang mga maliliit na kumpanya sa mga engineering projects ng mga ito. Sa isang taon minsan may isa, dalawa, o hanggang tatlong projects kami.

Binabayaran naman ako ng mga kumpanyang ito, pero hindi na ako nag e issue ng receipts sa mga cliente ko, at hindi na rin nag fa file ng income tax sa ating tax agency mula sa income ko bilang consultant engineer.

Mabibigyan naman ako ng mga cliente ko ng certificate na magpapatunay na naging cliente ko sila, pati na rin kung magkano ang binayad nila sa akin.

Ngayon po, isa sa apat na requirements ng Engineers Australia para sa mga self-employed na mga engineers kagaya ko bilang engineering consultant (at pati na rin ng DIAC kung sakaling makaabot ako sa kanila) ay wala ako, ang "receipts issued for projects." At kung aabot pa ako sa DIAC, siguradong hihingi din sila ng receipts issued for the projects at ng income tax return mula sa income ko sa mga projects ko sa mga naging clients ko.

Ang mga tanong ko po sana ay:

1) Sino po sa inyo ang nasa parehong sitwasyon ko dati man o ngayon?

2) Wala po bang conflict sa dalawa kong trabaho kung sakali e assess na ng Engineers Australia, or DIAC? Kasi dati, my naririnig ako na ang my parehong sitwasyon daw sa akin ay makikitaan ng conflict sa dalawang trabaho.

3) Ano po ba ang pwede kong gawin?

Maraming salamat po.

Comments

  • jepoy527jepoy527 Sydney
    Posts: 243Member
    Joined: Nov 08, 2012
    @jepgomez boss tsip mahirap yang case nyo. kung wala kayong makita dito sa forum na tulad ng case nyo, masa maganda siguro na kumonsulta kayo sa isang migration agent. sa dami ng experience nila baka meron kahit isa silang katulad mo or meron silang kilalang migration agents na may nahawakang tulad sayo. bago ka magbayad ng kahit anong downpayment, hingin mo muna ang initial assessment nila kung malaki ba ang chance mo. tapos kuha ka ulit ng second o third opinion sa iba pang migration agents baka yung una mong matanungan e lolokohin ka lang at sasabihing pwede (yun pala hindi) para lang makakuha ng pera sayo.

    04/27/13 IELTS GT Exam
    07/25/13 CDR sent to EA
    12/03/13 Positive EA Assessment
    01/28/14 Submitted EOI (VISA Subclass 189, 70 Points)
    02/10/14 Received invitation from SkillSelect
    03/01/14 Lodged VISA Subclass 189 Application
    04/29/14 VISA GRANT!!! Thank you Lord!
    02/13/15 Started to work

    “A ship is always safe at the shore - but that is NOT what it is built for.”
    ― Albert Einstein

    "You have to leave the city of your comfort and go into the wilderness of your intuition.You can’t get there by bus, only by hard work and risk and by not quite knowing what you’re doing. What you’ll discover will be wonderful. What you’ll discover will be yourself."
    ― Alan Alda

  • jvframosjvframos Perth
    Posts: 501Member
    Joined: Jan 22, 2013
    @jepgomez about your teaching experience, you can check it with the anzsco occupation description if that is included in the responsibilities for an elecetrical engineer. if not, although 10 years pa sya, wala kang makukuhang points for that matter. the same happened to me when I had my skills assessment, di ko nagamit yung 8 years experience ko in teaching architecture kasi hindi sya relevant sa occupation that I am nominating.

    Occupation: Architectural Drafstperson (ANZSCO Code 312111)
    Feb 2013 - Started collecting Vetassess requirements; March 29, 2013 - Lodged for Vetassess skills assessment; June 8, 2013 - took IELTS (BC, UAE); June 14, 2013 - received VETASSESS positive skills assessment; June 21, 2013 - got ielts results OBS 7.0 (l-7.5, r-7, w-7, s-7); June 24, 2013 - submitted EOI; June 27, 2013 - submitted WA state sponsorship application; July 03, 2013 - WA state sponsorship application approved; July 05, 2013 - received from DIAC invitation to lodge; July 14, 2013 - lodge visa application; August 13, 2013 - CO allocated, Team 7 GSM Adelaide; August 20, 2013 - submitted Form 80, NBI, PCC, bank statements for me, hubby and daughter and additional docs for hubby in lieu of Saudi PCC (statutory declaration, exit visa and end of service contract); August 22, 2013 - Medical check done; August 26, 2013 - uploaded hubby's Saudi PCC.... finally!; Sept 27, 2013 - visa grant daw but unofficial, hindi namin alam granted na pala.... long story…; Oct 10, 2013 - when we learned that our case was granted but no official confirmation.; Oct 11, 2013 - Official VISA Grant! Finally!!!! Thank God. End of the 1st journey, start of the new beginning; July 10, 2014 - IED

    You may not always understand why God allows certain things to happen, but you can be certain that God is not making any mistakes.

    Proverbs 3:5-6
    "Trust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding; in all your ways submit to him, and he will make your paths straight

  • jepgomezjepgomez Pasig City
    Posts: 4Member
    Joined: Aug 30, 2013
    jepoy527, maraming salamat po sa comments nyo.

    Actually my isang migration agent na nagsabi sa akin my naging cliente na daw sila dati na pareho yung situation sa akin, at slim daw ang chance ko kasi masyadong istrikto daw ang EA, at magkakaproblema daw ang pangkalahatang application ko sa DIAC later on.

    Pero my isa namang migration agent nag sabi sa akin, na yung sa trabaho ko as consultant engineer nalang daw ang ilagay ko sa resume at huwag na ang sa teaching. Pero parang hindi ko naman gusto iyon kasi nilalagay naman talaga dapat ang lahat ng mga documented work experience sa resume.

    Kung hindi ko naman epapa assess ang work experience ko as consultant engineer, hindi naman pwede kasi pagkukunan iyon ng career episodes ko, tsaka magiging maliit masyado ang points ko. Nalilito na nga talaga ako kung ano ang dapat gawin.

    Kayo po ba jepoy527, gumamit po ba kayo ng migration agent? Baka my ma essuggest kayo na migration agent dyan.

    Ang taas pala ng ielts score nyo po, ano ang naging review center nyo sa ielts?

    Salamat po.
  • jepgomezjepgomez Pasig City
    Posts: 4Member
    Joined: Aug 30, 2013
    Hello jvframos,

    Maraming salamat po sa mga inputs ninyo.

    Actually po, wala sa mga responsibilities ng electrical engineer ang teaching.

    Tama po ba pag kakaintindi ko ng qualification yo, architect kayo kasi nagtuturo kayo sa architecture pero nag pa assess kayo sa vetassess, kasi wala din kayong experience as architect, pero my experience kayo as architectural draftsperson?

    Kaya nang nagpa assess kayo sa vetassess iyung architectural draftsperson ang ginamit ninyo, at hindi yung pagiging architect nyo po? Ano po ba ang tama?

    Ganito po ang tanong ko, kasi pinag iisipan ko din, na baka mag apply nalang ako sa visa subclass 190, instead ng visa subclass 189, kasi sa CSOL, mayroon duong University Lecturer, parang nababagay sa teaching experience ko, pero hindi ko pa alam kung vetassess na rin ang mag aassess ng teaching experience ko sa electrical engineering.

    Ang isa ko pang pangamba ho, baka walang state na mag nonominate sa akin bilang university lecturer kasi alam mo na mas magagaling or maraming magagaling doon mga professors kaysa sa atin... at kung mayroon mang kukuha sa akin, baka matagal na matagal din ang aabutin...

    Sya nga pala ho, hindi nyo ba pinag isipan kunan ng points as university lecturer iyong teaching experience nyo sa architecture or architecture draftsperson?

    Ano po ba sa palagay nyo?

    Salamat po ng marami talaga.
  • jepoy527jepoy527 Sydney
    Posts: 243Member
    Joined: Nov 08, 2012
    @jepgomez boss tsip sensya na tagal reply kinakalimutan ko kasi ang Au para di mainip sa paghihintay ng EA assessment result. eto reply ko sa mga tanong mo:

    Actually my isang migration agent na nagsabi sa akin my naging cliente na daw sila dati na pareho yung situation sa akin, at slim daw ang chance ko kasi masyadong istrikto daw ang EA, at magkakaproblema daw ang pangkalahatang application ko sa DIAC later on.
    Pero my isa namang migration agent nag sabi sa akin, na yung sa trabaho ko as consultant engineer nalang daw ang ilagay ko sa resume at huwag na ang sa teaching. Pero parang hindi ko naman gusto iyon kasi nilalagay naman talaga dapat ang lahat ng mga documented work experience sa resume.
    - mahirap to magkaiba sila ng sagot. Pero may point si boss @jvframos at yung isang migration agent, mas ok na yung consultant engineer na lang ang gamitin mo for EA assessment kasi hindi pasok sa iisang ANZSCO code yung dalawang experience mo.
    - ang prublema mo lang naman pag consultant engineer ang pina-assess mo, walang ITR at receipt. yung receipt pwede mo lang gawan ng paraan sa Recto yan.hehe! ang mahalaga kasi, pag tinawagan nila yung mga clients mo mave-verify nilang tutuo nga yung mga services na ginawa mo para sa kanila.
    - ang mahirap yung sa ITR. pwede kang gumawa ng fake ITR pero pag tumawag sa BIR (kung tatawag nga ba?), dun ka mayayari.
    - kaya ko lang naman nabanggit tong paggawa ng "fake" receipts at ITR kasi assuming tama si migration agent #1, you have nothing to lose naman kasi slim nga daw ang chance mo. pero as much as possible, kung may chance sa case mo, mas ok na puro legal docs lahat ang ipasa mo para hindi ka kakaba-kaba. otherwise, TAKE RISK talaga kung desidido kayong makapunta ng Australia.



    Kayo po ba jepoy527, gumamit po ba kayo ng migration agent? Baka my ma essuggest kayo na migration agent dyan.
    - wala akong migration agent sir kasi simple lang naman yung sa case ko. pag nagkaprublema na lang sa EOI at VISA application (SANA WAG naman) BAKA i-consider ko ang kumuha ng migration agent. try nyo ang Respall sir baka makatulong sa inyo yun. kung pareho pa rin ang sagot ni Respall sa sagot ni agent #1, TAKE RISK na lang talaga kung desidido talaga kayo.Mas mabuti nang sinubukan nyo kesa later on you'll ask yourself "what if...". (Bad influence ba?hehe...)

    Ang taas pala ng ielts score nyo po, ano ang naging review center nyo sa ielts?
    - self-review lang ako sir kasi mayabang ako e. haha! kidding aside, dalawang attempts ako sa IELTS kasi sumabit ako sa Writing sa first take ko dahil 2 hours lang ata tulog ko prior to exam sa sobrang excited o kabado siguro. Swerte at pinagpala naman ako sa 2nd take.

    04/27/13 IELTS GT Exam
    07/25/13 CDR sent to EA
    12/03/13 Positive EA Assessment
    01/28/14 Submitted EOI (VISA Subclass 189, 70 Points)
    02/10/14 Received invitation from SkillSelect
    03/01/14 Lodged VISA Subclass 189 Application
    04/29/14 VISA GRANT!!! Thank you Lord!
    02/13/15 Started to work

    “A ship is always safe at the shore - but that is NOT what it is built for.”
    ― Albert Einstein

    "You have to leave the city of your comfort and go into the wilderness of your intuition.You can’t get there by bus, only by hard work and risk and by not quite knowing what you’re doing. What you’ll discover will be wonderful. What you’ll discover will be yourself."
    ― Alan Alda

  • rooroorooroo Melbourne
    Posts: 462Member
    Joined: Jul 29, 2013
    It's not a good advise sir to forge the documents. Try to look for other options na lang.

    Nominated Occupation: ANZSCO 261112 - Systems Analyst
    Timeline:
    Jul 01, 2013 - ACS Skill Assessment
    Jul 19, 2013 - IELTS Results (L:8, R:8.5, W:7, S:8)
    Oct 02, 2013 - ACS result received (suitable)
    Oct 02, 2013 - submitted EOI for Visa 189 (65 pts).
    Oct 05, 2013 - submitted Victoria SS for Visa 190 (70 pts, for backup)
    Oct 18, 2013 - Victoria SS approved/Received invitation to apply for Visa 190 from Skillselect.
    Oct 20, 2013 - lodged VISA 190 application.
    Nov 20, 2013 - CO allocated | GSM Adelaide Team 6
    Nov 27, 2013 - VISA GRANT! Thank you Lord! IED: NOV 12, 2014
    Jul 03, 2014 - arrival in Melbourne
    Aug 07, 2014 - started work :)
    Jul 24, 2015 - left 1st job
    Jul 27, 2015 - joined 2nd job :)

  • jepoy527jepoy527 Sydney
    Posts: 243Member
    Joined: Nov 08, 2012
    edited September 2013
    @rooroo boss tsip eto naman ay last resort na lang lalo na kung madaming migration agents na mismo ang magsasabing slim ang chances ni boss @jepgomez at ayaw syang tanggapin as client. gaya nga ng sabi ko, mas ok pa rin na legal docs para hindi kakaba-kaba. :D

    04/27/13 IELTS GT Exam
    07/25/13 CDR sent to EA
    12/03/13 Positive EA Assessment
    01/28/14 Submitted EOI (VISA Subclass 189, 70 Points)
    02/10/14 Received invitation from SkillSelect
    03/01/14 Lodged VISA Subclass 189 Application
    04/29/14 VISA GRANT!!! Thank you Lord!
    02/13/15 Started to work

    “A ship is always safe at the shore - but that is NOT what it is built for.”
    ― Albert Einstein

    "You have to leave the city of your comfort and go into the wilderness of your intuition.You can’t get there by bus, only by hard work and risk and by not quite knowing what you’re doing. What you’ll discover will be wonderful. What you’ll discover will be yourself."
    ― Alan Alda

Sign In or Register to comment.
LATEST 10 ACTIVE DISCUSSION THREAD
angel_iq4

Qatar

most recent by hhm9067

angel_iq4

Migration

most recent by Cerberus13

Welcome to Pinoy AU Community!

The longest running Pinoy-Australian Forum site in the history. We are connecting Pinoys "in" and "to" Australia since 2010! If you want to join in, click one of these buttons!

Categories

Random Members
(55321)

dbay117joobelle_ianathegoatLeon120280heilybestrejoandesagunCornDogIsYummayconsesasuzetseveroMichaelhumKrishnareddyandywillGraveDiana06paueebiancaAlmarbongzeemacdeemvrp08CutesReymar_01
Browse Members

Members Online (5) + Guest (128)

baikenjess01onieandresRoberto21cube

Top Active Contributors

Top Posters