Ad space available
reach us at [email protected].
Major update has been completed. Please help to report any abnormality that you are facing (in case there is any) to [email protected] . Thank you for your continued support guys!

Paraan sa paghanap ng trabaho

TotoyOZresidentTotoyOZresident Posts: 1,327Member, Moderator
edited April 2014 in Working in Australia
Ito ay para sa mga newly migrant na naghahanap ng trabaho. Base po ito sa kaka-search kung paano maghanap ng trabaho dito. Sadya pong napakahirap maghanap ng trabaho, napakataas ng kompetensya ngayun dipede sa skills, qualification at lugar ninyo. Kasalukuyan pa rin ako naghahanap ng malilipatan na trabaho at kahit ako hirap din sa paghanap ng trabaho dito. Hindi po ito garantya na makakahanap ng trabaho kaagad subalit malaking tulong po ito sa inyo para magkaroon kayo ng ideas and choices. Malaya po kayo magkomento o magdadag ng inpormasyon kapag natapos nyo na basahin ito at paki-like na lang po kung nakatulong ito sa inyo. Pakibasa ng mabuti at ulitin para maintindihan lalo ang instruction. Maraming salamat sa inyo.

Apat na paraan para makahanap ng trabaho. Mas mabuti kung nandito na kayo sa Australia kung gagawin nyo ito. Kailangan Australia address at contact number ang nakalagay sa resume ninyo.:

I. FIND – Top job website ng Australia tulad ng http://www.seek.com.au, http://www.careerone.com.au, http://www.jobserve.com, http://www.mycareer.com.au, http://www.jobseeker.com.au, http://www.jobsearch.gov.au. Mag sign up at mahanap ng trabaho sa mga site na ito. Kapag may nakita kayong email address ng agent dun nyo ipadala ang cover letter at resume nyo imbes sa site. Halos lahat naman ng mga agent pino-post nila ang job opening sa lahat ng job site na ito. Mas mabuting mag send muna ng resume kung plano nyo tawagan ang agent kung may mga tanung kayo. Pero expecting di kayo makakausap ng maayus dahil sa kanilang busy schedule. Make sure na basahin ng mabuti ang job ads at kailangan may mga similar words na nakasulat sa resume ninyo ang mga requirements sa job ads kasi may program o pansala ang agent sa pagpili ng resume. Kapag kaunti o walang similar word sa job ads sa resume nyo sigurado hindi kasama sa selection. Make sure up to date ang resume ninyo at dapat In Australia resume format ang gamitin. Hindi na kailangan ilagay ang picture, birthday, status, hobbies at anything information na hindi related sa pag-apply ng trabaho. Mayron din pala sa http://www.linkedin.com na Job search just type nyo lang ang skills ninyo sa search box. You can search as well lahat ng recruitment agency web site at mag sign up din doon. For example http://www.hays.com.au para ma notify kayo kapag may opening sa skills ninyo.

II. INVITE (Optional) – Dito napaka-importante ang http://www.linkedin.com. its like inviting all Agent, Directors and Human resource manager to view your Resume for job possibilities. Use “Search box” para i-“connect” lahat ng job recruitment agent ng Australia na related sa skills nyo. I “follow” din lahat na alam ninyo na company na related sa skills ninyo. Make sure ang keyword ay related sa skills ninyo when using search box in “jobs and companies” at importante i-specify ninyo ang location area para ma filter ng maayus. Lagyan ng “looking for a career” at can start immediately or similar sentence sa Linkedin ninyo para mabasa agad na you’re looking for work. May mga Australia recruitment agent na headhunter sa linkedin who knows baka makita ang linkedin ninyo at tawagan kayo agad. Kung maglalagay kayo ng pic sa linkedin dapat yung office attire at smart ang dating na pic. Puede din naman na hindi kayo maglagay ng pic. Titingnan naman dyan eh ang resume ninyo. Isipin nyo na you’re marketing you’re skills using linkedin. Make sure walang personal information na ilalagay nyo sa linkedin. Malalaman nyo pala kung sino sino ang nag view ng linkedin account ninyo. Agent consider also job site tinitingan din resume attachment sa mga job site account ninyo. If your looking for work optional is better not to add your present officemate sa linkedin. Staka nyo na lang sila i add kapag lumipat na kayo ng ibang company. http://www.linkedin.com is like a facebook everyone can see. Remind ko pala nasa google search ang name ninyo kapag may account kayo sa linked kaya important to check your linkedin setting kasi in public na pangalan ninyo.

III. SIGN UP – Some companies web site mayron member site para sa mga job seeker. Hanapin sa kanilang site kung mayrun mag sign up at mag attach ng Resume at cover letter. Use google search or http://www.aussieweb.com.au para malaman kung alin ang company na may website. Type key words of your skills in ‘”What” box, select 100 or 200kms in “Whitin” box and type your location in “where” search box. Syanga pala as much as possible at least 2 to 3 pages ang resume ninyo. 2 pages of resume is better. Alisin pala ang pride sa paghanap ng work. Kung newly Migrant kayo talagang back zero kayo sa pag apply ng work.

IV. INQUIRE (Optional) – I called it as a last option to find job. Do the No. 3 SIGN UP Instruction. Hanapin ang mga companies na may web site na related sa skills mo using google search or http://www.aussieweb.com.au. Hanapin sa company website kung may nakalagay na “career” or “employment” check kung may nakalagay na email address to send your resume. Check kung may opening sa skills mo. Kung wala naman puede ka mag inquire. Sabihin mo sa cover letter na nagtatanung ka kung may opening sa skills mo at kung wala naman baka puede nila I save ang resume mo sa future possibilities. Mas maganda kung I address mo sa Human resource department at kung may pangalan sila na nabangit dun mo sa kanya I-attention. Minsan kasi some companies di muna nila pinapa-ads sa job site or minsan naman gusto nila yung direct sa kanila magapply ng work. Who knows baka matyempuhan ninyo. Inquire ka lang naman at wala naman mawawala. Check nyo na lang sa google kung mayrun sample job inquiry letter. By the way magandang mag send ng Inquiry letter kapag gabi ng Sunday, Monday Tuesday o Wednesday para kinabukasan ng umaga mareceived nila. Kapag nagpadala kayo ng Thursday baka wala silang time to read your email til Friday. At kung Friday naman baka nasa pinaka baba ang arrangement ng email ninyo. Most companies are using Microsoft outlook. Take note you can do the inquiry one time only sa company. Puede nyo ulitin after more than one year or two years.

Reminder again: Kapag gagawa ng letter dapat ilagay ang pangalan ng padadalhan for example "Dear David". Ginagamit lang ang "Dear Sir/madam," kapag hindi ninyo alam ang pangalan na padadalhan.

For Job interview:
Alamin kung ano ang mga common na tanung ng agent sa job interview, use google search.
Ito pa funny but its true may nagsabi sa akin. Yung first time nila maghanap ng work. Sinulat nila sa parang manila paper yung tanung at sagot na sasabihin nila para hindi nila makalimutan sa phone interview lalo kapag tense at sunod sunod ang phone interview. I'm not promoting this pero ang lesson dito ay kailangan may strategy at diskarte.

Hint:
1. Prayer
2. Honest
3. Confident
4. Sit up straight
5. Good English speaking (mag-practice ng tamang australia english accent)
6. Kung anung tanung yun ang sagot
7. Kailangan tuloy tuloy lang ang sagot at kapag sinabi fair enough or alright dapat stop agad.
8. Say you’re good and why

Interview sa mga without local experience at applying for first job only (These are optional)
1. (Optional) - tell them they can terminate you after probationary period if they are not satisfied with your work performance.
2. (Optional) – You can accept kung magkano ang salary na nararapat sayo.
3. For example interview applying for mech’l engineer. The theory of mech’l engineering is the same wherever you go. My advantage is, I was able to practice it in another part of world and apply what I learned from there to my new workplace. It is an added bonus to the company that I’m going to work for in the future.

Note:
This is in No way legal advice. It is simply based on what i learned from my experience in finding work.

Quotes:
"Wise men learn from their mistakes, but wiser men learn from the mistakes of others."
'Success is when you finished what you have started."

If you’re looking for Church in Canberra ACT Australia and you want to fellowship with Christian Filipino Australian.
Come and join us in Jesus Is Lord Church Canberra service every Sunday at 10:30AM to 12:30PM
Where: 53 Georgina Crescent, Kaleen ACT 2617
(Back of Kaleen Shopping Centre)
For more information, please PM me or visit

http://jilcanberra.org.au

"To God be the glory"

«13

Comments

  • johnvangiejohnvangie Melbourne
    Posts: 686Member
    Joined: Oct 14, 2013
    Thanks very much for the tips @TotoyOZresident . God Bless.

    Nominated Occupation : Production or Plant Engineer 233513
    12/15/13 - IELTS IDP [ L : 9.0 I R :8.0 I S : 7.5 I W : 6.5 ]
    01/17/14 - Submit CDR to Engineers Australia.
    02/15/14 - IELTS IDP [ L : 9.0 I R :9.0 I S : 7.5 I W : 7.0 ]
    05/29/14 - EA positive assessment as Production or Plant Engineer 233513
    06/02/14 - EA Letter Received. Lodge EOI 65points.
    06/09/14 - Received invitation to lodge Visa 189.
    06/12/14 - Lodge Visa 189. Upload Docs/Form 80.
    07/14/14 - Medicals @ SLEC Global.
    07/15/14 - Upload NBI. (NBI Valid until July 4, 2015).
    07/17/14 - CO Allocated. Team 7 GSM Adelaide ( CO : LM )
    07/21/14 - VISA GRANT! Thank You Lord! IED : 07/04/15
    02/06/15 - Hubby in Melbourne (Jobhunting)
    03/27/15 - Me and my son in Melbourne
    04/07/15 - Hubby 1st day of job
    08/24/15 - My 1st day in BP, Thank you Lord God Jesus!

    Enjoying the wonderful life in Oz, abundant blessings indeed :-)

  • AdminAdmin Singapore
    Posts: 1,770Administrator
    Joined: Dec 29, 2010
    Salamat po ng marami TotoyOZ!

    2010-06 : Lurker at philippines.com.au (previously the #1 Pinoy Australian Forum)
    2010-06 : Started researching on Visa 175 - Target 120pts
    2011-08 : Started prev employer document gathering for ACS skill assessment (0/4)
    2010-12 : Philippines.com.au went offline and created www.pinoyau.info
    2011-03 : 1st child born - AU dream halted
    2014-03 : ACS document - 1/5 emp ref completed
    2015-01: Promoted at work - AU dream halted
    2015-11: ACS document - 1/6 emp ref completed
    2016-09: 2nd child born - AU dream halted
    2018-09: ACS document - 6/8 emp ref completed
    2018-09: Revised all employment references and affidavit from scratch
    2019-03: Completed Revised 8/8 emp ref
    2019-03: PTE Exam - L59,R75,S62,W64 (no preparation)
    2019-07: Favorable Skills Assessment result for Software Eng
    2019-11: PTE Exam - L70,R68,S79,W68 (competent only)
    2020-02: PTE Exam - L79,R79,S86,W76 (grr lack 3pts on Writing)
    2020-03: PTE Exam - L85,R75,S87,W86 (Mar 4 - grr nag increase L, S and W but bumaba 4pts si R!!!!!)
    2020-03 PTE Exam - L81 R79 S90 W81 (Mar 9 - Salamat Lord!!!!)

  • staycoolstaycool Sydney
    Posts: 758Member
    Joined: Apr 08, 2013
    thanks @TotoyOZresident for this very informative write up...i'll keep this in mind...

    let me add nga pala:
    sa job search engine filter, try looking for a LOWER position kse kahit ENTRY LEVEL lang ang umpisa basta meron...that's what I'm doing and I do hope I'll receive calls very soon....GOD bless to all of us HOPEFULS!!
    • via MARA Agent
      CPA Australia 040912 : NSW SS 030812 : EOI first lodged 081312 : 1st Invitation 083112 : Updated EOI 110812 : 2nd Invitation 032713 : Lodged App 040213 : CO 042213 : medicals: 050213...visa granted (thank YOU LORD!) 060513 ... IED to NSW 03XX14 ??
  • TotoyOZresidentTotoyOZresident Posts: 1,327Member, Moderator
    Joined: Jun 28, 2011
    edited April 2014
    image

    Thanks staycool Stay cool ka lang. Sana makatulong sa iyo ang idea na ito. Anu kaya kung I search mo rin lahat ng recruitment agency web site at mag sign up ka dun. For example http://www.hays.com.au para ma notify ka kapag may opening sa skills mo. Another way din to maximise your searching for work. Job searching is like Marketing your business. Some Recruitment Agency will invite you for interview in their office for future possibilities. Libre mo ako ng food kapag nakahanap ka ng work. :D cheers. God bless

    Quotes:
    "Wise men learn from their mistakes, but wiser men learn from the mistakes of others."
    'Success is when you finished what you have started."

    If you’re looking for Church in Canberra ACT Australia and you want to fellowship with Christian Filipino Australian.
    Come and join us in Jesus Is Lord Church Canberra service every Sunday at 10:30AM to 12:30PM
    Where: 53 Georgina Crescent, Kaleen ACT 2617
    (Back of Kaleen Shopping Centre)
    For more information, please PM me or visit

    http://jilcanberra.org.au

    "To God be the glory"

  • TotoyOZresidentTotoyOZresident Posts: 1,327Member, Moderator
    Joined: Jun 28, 2011
    edited April 2014
    thanks @TotoyOZresident for this very informative write up...i'll keep this in mind...

    let me add nga pala:
    sa job search engine filter, try looking for a LOWER position kse kahit ENTRY LEVEL lang ang umpisa basta meron...that's what I'm doing and I do hope I'll receive calls very soon....GOD bless to all of us HOPEFULS!!
    Talaga back to zero una. Pero kapag nakahanap kana tuloy mo pa rin ang paghanap ng work na may good offer. Ang maganda dun mayrun kana mailalagay na local working experience. Cheers

    Quotes:
    "Wise men learn from their mistakes, but wiser men learn from the mistakes of others."
    'Success is when you finished what you have started."

    If you’re looking for Church in Canberra ACT Australia and you want to fellowship with Christian Filipino Australian.
    Come and join us in Jesus Is Lord Church Canberra service every Sunday at 10:30AM to 12:30PM
    Where: 53 Georgina Crescent, Kaleen ACT 2617
    (Back of Kaleen Shopping Centre)
    For more information, please PM me or visit

    http://jilcanberra.org.au

    "To God be the glory"

  • lester_lugtulester_lugtu Melbourne
    Posts: 159Member
    Joined: Dec 06, 2013

    Hi. I think kahit bagong salta lang tau dito sa bansang to, hnd lang dapat natin i-limit ang paghahanap ng work sa pagiging entry-level lang. nung nasa pilipinas ako at bagong graduate lang, ang nasa isip ko lang eh magka-experience working. Hnd ko na inisip kung mageenjoi ba ako sa entry-level work na pipiliin ko. unfortunately almost 5yrs ako nagdusa sa work ko that i even became afraid of changing my job anymore because mejo bumaba self esteem ko. nakaka-depress lang minsan iniisip ko kung nagstart sana ako sa isang work na magugustuhan ko for long time. this time, nandito nako australia, and ngsstart nako maghanap ng trabaho, i think hnd lang basta basta tau pipili ng trabaho na entry-level lng ang basehan natin. important din ung idea na maeenjoy ba natin tong work na to kahit pa maliit lang ang sahod. ang pagiging successful eh hindi nasusukat kung pano ka magiging maunlad sa buhay, kung di sa kung papaano ka magiging masaya at kuntento sa buhay mo.
  • ozdealsmegastoreozdealsmegastore Mandaluyong
    Posts: 2Member
    Joined: Apr 07, 2014
    Wow, Talagang makakatulong ito sa mga kababayan sa pinas na gustong pumunta dito sa Oz. I think If they want to have a great oppurtunity ang kailangan lng nila determination and perseverance. Ang Hardworking ay nasa dugo na nating yan. Yan ang sa tingin ko. share ko na lng din ito dahil pinoy din ako na nandito na sa oz.
  • czhaczha Brisbane
    Posts: 142Member
    Joined: Mar 08, 2013
    edited April 2014
    thank you for the tips..sabi nga ng friend ko mas ok na mag try munang mag apply kahit wala pa sa Australia once makuha na ang visa at magastos ang mag stay sa Australia at mag apply

    March 2013 - IELTS
    November 2013 - Engineers Australia (electronics draftperson)
    February 2014 - State Sponsorship (QLD) EOI approval
    March 20, 2014 - Visa application (visa 190)
    April 2, 2014 - Medicals done
    April 4, 2014 - NBI filed
    May 15, 2014 - COC filed
    July 9, 2014 - CO assigned (asked for additional employment docs)
    July 23, 2014 - Visa Grant

  • TotoyOZresidentTotoyOZresident Posts: 1,327Member, Moderator
    Joined: Jun 28, 2011
    Wow, Talagang makakatulong ito sa mga kababayan sa pinas na gustong pumunta dito sa Oz. I think If they want to have a great oppurtunity ang kailangan lng nila determination and perseverance. Ang Hardworking ay nasa dugo na nating yan. Yan ang sa tingin ko. share ko na lng din ito dahil pinoy din ako na nandito na sa oz.
    Remind ko lang kailangan Australia address at phone number para mapansin agad. Thanks

    Quotes:
    "Wise men learn from their mistakes, but wiser men learn from the mistakes of others."
    'Success is when you finished what you have started."

    If you’re looking for Church in Canberra ACT Australia and you want to fellowship with Christian Filipino Australian.
    Come and join us in Jesus Is Lord Church Canberra service every Sunday at 10:30AM to 12:30PM
    Where: 53 Georgina Crescent, Kaleen ACT 2617
    (Back of Kaleen Shopping Centre)
    For more information, please PM me or visit

    http://jilcanberra.org.au

    "To God be the glory"

  • TotoyOZresidentTotoyOZresident Posts: 1,327Member, Moderator
    Joined: Jun 28, 2011
    edited April 2014
    thank you for the tips..sabi nga ng friend ko mas ok na mag try munang mag apply kahit wala pa sa Australia once makuha na ang visa at magastos ang mag stay sa Australia at mag apply
    Puede din naman na iready mo ang format then kapag may Australia Address at phone number kana staka mo ibato. I mean I send mo agad sa alam mo na applyan na trabaho or Job site. Goodluck.

    Naibigay ko na lahat ang detalye. Kailangan nyo lang mag google search ng Australia Resume format at cover letter sample o kaya mag-search pa ng ibang diskarte. God bless

    Quotes:
    "Wise men learn from their mistakes, but wiser men learn from the mistakes of others."
    'Success is when you finished what you have started."

    If you’re looking for Church in Canberra ACT Australia and you want to fellowship with Christian Filipino Australian.
    Come and join us in Jesus Is Lord Church Canberra service every Sunday at 10:30AM to 12:30PM
    Where: 53 Georgina Crescent, Kaleen ACT 2617
    (Back of Kaleen Shopping Centre)
    For more information, please PM me or visit

    http://jilcanberra.org.au

    "To God be the glory"

  • loudandclearloudandclear Sydney
    Posts: 225Member
    Joined: Dec 16, 2012
    nice posts. thanks. :) 3 months pa before my flight. i'm starting to update my CV. is it a good idea na mag send nko ng mga applications and pwede ko na ba ilagay ang address at phone no. ng titirhan ko sa OZ? howe about sa linkedin, yung OZ address na ba ilalagay ko sa profile ko? thanks.

    Jeremiah 29:11
    "For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future."

  • IslanderndCityIslanderndCity Adelaide
    Posts: 2,274Member, Moderator
    Joined: Mar 30, 2013
    @loudandclear are you in Au na po?

    Assessed Occupation: Industrial Engineer (IE 233511)
    Achieved Goal: Australia PR (Permanent Resident). Thanks God!

    ...sharpening my core gifts now...
    ...working on new, better goals...

    Bless those who curse you, pray for those who mistreat you. ~Luke 6:28~

  • loudandclearloudandclear Sydney
    Posts: 225Member
    Joined: Dec 16, 2012
    @loudandclear are you in Au na po?
    nasa Phils pa po ako. pero may titirhan nako sa melbourne, sa friend ko. sa august pa flight ko. tagal pa naman pero nagggawa nako ng account sa mgamjob sites. im thinking kung OZ address & phone no. na ilalagay ko sa profile ko.

    Jeremiah 29:11
    "For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future."

  • staycoolstaycool Sydney
    Posts: 758Member
    Joined: Apr 08, 2013
    hi there...tama nga ang sabi nila...naka-ilang edit ako ng resume ko...and still ine-edit ko pa rin till now..pero sa awa ng LORD may mga tumatawag na na recruiters sa akin...yung iba is iniinterview lang ako pero wala namang actual work na offer...is that still a good sign??...

    But anyway,it's better than nothing...at least napapansin ang skills kung ganun...more stories soon...
    • via MARA Agent
      CPA Australia 040912 : NSW SS 030812 : EOI first lodged 081312 : 1st Invitation 083112 : Updated EOI 110812 : 2nd Invitation 032713 : Lodged App 040213 : CO 042213 : medicals: 050213...visa granted (thank YOU LORD!) 060513 ... IED to NSW 03XX14 ??
  • TotoyOZresidentTotoyOZresident Posts: 1,327Member, Moderator
    Joined: Jun 28, 2011
    hi there...tama nga ang sabi nila...naka-ilang edit ako ng resume ko...and still ine-edit ko pa rin till now..pero sa awa ng LORD may mga tumatawag na na recruiters sa akin...yung iba is iniinterview lang ako pero wala namang actual work na offer...is that still a good sign??...

    But anyway,it's better than nothing...at least napapansin ang skills kung ganun...more stories soon...
    Hi Staycool cool ka lang. Sa ngayun karamihan nasa bakasyon this April. But I'm expecting starting "May" sunod sunod na yan na marami mga agency ang maghahanap ng job candidates. Sa Engineering Design and Construction industry nag start na mag pick up. Busy na kami ngayun at by June marami na kami ulit projects na gagawin. Marami na rin magpo-post sa mga job site. Basta basahin mo ulit yung sinulat ko mga paraan sa pagahanap ng work. Best regards. cheers

    Quotes:
    "Wise men learn from their mistakes, but wiser men learn from the mistakes of others."
    'Success is when you finished what you have started."

    If you’re looking for Church in Canberra ACT Australia and you want to fellowship with Christian Filipino Australian.
    Come and join us in Jesus Is Lord Church Canberra service every Sunday at 10:30AM to 12:30PM
    Where: 53 Georgina Crescent, Kaleen ACT 2617
    (Back of Kaleen Shopping Centre)
    For more information, please PM me or visit

    http://jilcanberra.org.au

    "To God be the glory"

  • langgam37langgam37 Brisbane
    Posts: 178Member
    Joined: Apr 22, 2012
    @TotoyOZresident I'm glad to hear na nagpi-pick up na ulit ang Engineering design and construction industry, sana nga dumami na ang projects dyan at para marami na ulit jobs.

    25 Jul 2011 - Applied For Skills Assessment, Engineers Australia
    23 Sep 2011 - Skills Assessment Received, ANZCO Code: 233211 (Civil Engineer)
    10 Mar 2012 - IELTS Exam
    24 Mar 2012 - IELTS Result L-8.5; R,W,S -7
    26 Apr 2012 - 175 Application lodged....
    24 May 2012 - "Application Being Processed Further"
    10 Jun 2012 - Applied for NBI / Dubai Police Clearance
    12 Jun 2012 - Dubai Police Clearance Received
    15 Jun 2012 - CO Allocated
    25 Jun 2012 - Medicals
    27 Jun 2012 - Medicals Finalised
    30 Jun 2012 - PCCs Uploaded
    02 July 2012 - Visa Grant
    14-26 Mar 2013 - Initial Entry - Melbourne
    30 August 2014 - Big Move
    08 Sep 2014 - First day of work

  • lester_lugtulester_lugtu Melbourne
    Posts: 159Member
    Joined: Dec 06, 2013
    @TotoyOZresident,

    2nd week ko na here sa melbourne mejo nakaka-sad lang ni 1 wala pang kumokontak skn. Iniisip ko na lang that this week is holy week kya walang gana magwork mga tao. Minsan nmn naiisip ko na lang magapply as cleaner or helper kumita lang ng konti. Sir, ask ko lang kung bang secondary applicant lng aq ng 457 visa, dependant type lng may chance pa din bang mapansin application ko? Karamihan kc ang gusto nila pr visa na. Need ko pdn b muna mgapply ng pr visa para mapansin aq? Kht nandito nako melbourne. Building maintenance aq sa pilipinas, possible din kaya makakita ako d2 na willing kumuha sakin sa design eventhough hindi ito experience ko? Gusto ko kasi tlga na magswitch sa design kahit magsimula ulit sa umpisa.
  • TotoyOZresidentTotoyOZresident Posts: 1,327Member, Moderator
    Joined: Jun 28, 2011
    edited April 2014
    @TotoyOZresident,

    2nd week ko na here sa melbourne mejo nakaka-sad lang ni 1 wala pang kumokontak skn. Iniisip ko na lang that this week is holy week kya walang gana magwork mga tao.
    Yup nasa bakasyon mode ang mga taga dito. I'm expecting on May simula na yan ng hiring

    Minsan nmn naiisip ko na lang magapply as cleaner or helper kumita lang ng konti.
    Hanggat maaari applyan mo yung skills mo. Kapag nakahanap ka ng work sa skills mo staka ka mag apply ng odd job kung kaya mo.

    Sir, ask ko lang kung bang secondary applicant lng aq ng 457 visa, dependant type lng may chance pa din bang mapansin application ko?
    Okay na okay kahit 457 dependant type. allowed ka naman to work eh.

    Karamihan kc ang gusto nila pr visa na.
    Di naman basta allowed ka to work. Staka nasa qualification mo na yan kung pasok ka sa hinahanap nila.

    Need ko pdn b muna mgapply ng pr visa para mapansin aq?
    Much better kung ikaw ang mag apply ng PR visa. Pero it doesnt mean na makakahanap ka agad ng ng work kapag PR kana. Marami dyan PR pero hirap din mag apply ng work. But big factor kasi kapag may PR visa ka. Kapag nakahanap ka ng work then sunod na gawin mo mag apply ng PR Visa. Ang 457 ay temporary lang dipende sa ilang years ang contract.

    Kht nandito nako melbourne. Building maintenance aq sa pilipinas, possible din kaya makakita ako d2 na willing kumuha sakin sa design eventhough hindi ito experience ko?
    I guess kung anu ang skill mo ngayun yun ang applyan mo kasi you have experience on that. Sa interview staka mo sabihin na your interested to switch to design in the future if you have given a chance. May employee evaluation naman every year eh. So you can say to them kung anu ang gusto mo in the future.

    Gusto ko kasi tlga na magswitch sa design kahit magsimula ulit sa umpisa.
    If your interested talaga. You have to take part time study sa design. But Bit by bit muna mag start ka muna kung anu yung work experience mo ngayun. Then to be follow kung anu man ang gusto mo in the future.

    Basahin mo paulit ulit yung binigay ko na advise to look for work. If you need to talk for more information Just PM me and I'll give you a call. God bless

    Quotes:
    "Wise men learn from their mistakes, but wiser men learn from the mistakes of others."
    'Success is when you finished what you have started."

    If you’re looking for Church in Canberra ACT Australia and you want to fellowship with Christian Filipino Australian.
    Come and join us in Jesus Is Lord Church Canberra service every Sunday at 10:30AM to 12:30PM
    Where: 53 Georgina Crescent, Kaleen ACT 2617
    (Back of Kaleen Shopping Centre)
    For more information, please PM me or visit

    http://jilcanberra.org.au

    "To God be the glory"

  • lester_lugtulester_lugtu Melbourne
    Posts: 159Member
    Joined: Dec 06, 2013
    @TotoyOZresident,

    Salamat sir sa pagsagot mo. Siguro mejo naiinip lang ako maghintay. For 5 straight years kasi, nasanay ako na nagwowork ako. Ngaun lng ulit napahinga ang katawan ko. Kaya mejo tinatamaan tlga ang pride ko na this time i hav no work. Nga pala, binasa ko po mabuti ung guide mo, lahat ng jobsite na sinabi mo everyday ko binabalikan. And everytime kapag maedit ko resume ko, gngwa ko. And as much as possible, ina-align ko tlga ung covering letter ko sa inaapplyan ko. Sana this coming week, mapansin na ang application ko. Hamo sir, i will pursue pa din pagiging maintenance engr ko d2, makakita lng ng tataggap skng employer at maniniwala.
  • TotoyOZresidentTotoyOZresident Posts: 1,327Member, Moderator
    Joined: Jun 28, 2011
    @TotoyOZresident,

    Salamat sir sa pagsagot mo. Siguro mejo naiinip lang ako maghintay. For 5 straight years kasi, nasanay ako na nagwowork ako. Ngaun lng ulit napahinga ang katawan ko. Kaya mejo tinatamaan tlga ang pride ko na this time i hav no work. Nga pala, binasa ko po mabuti ung guide mo, lahat ng jobsite na sinabi mo everyday ko binabalikan. And everytime kapag maedit ko resume ko, gngwa ko. And as much as possible, ina-align ko tlga ung covering letter ko sa inaapplyan ko. Sana this coming week, mapansin na ang application ko. Hamo sir, i will pursue pa din pagiging maintenance engr ko d2, makakita lng ng tataggap skng employer at maniniwala.
    Hi Ang tanung ko lang member kana ba na EA? engineers australia. Maganda kung member ka mag pa asssess ka rin para ma recognize ang pagka engineer mo dito. Alisin mo muna ang pride nasa iba kang bansa natural iba rin sistema dito. Ang goal is to get a job kahit entry level. Start muna sa umpisa. God bless

    Quotes:
    "Wise men learn from their mistakes, but wiser men learn from the mistakes of others."
    'Success is when you finished what you have started."

    If you’re looking for Church in Canberra ACT Australia and you want to fellowship with Christian Filipino Australian.
    Come and join us in Jesus Is Lord Church Canberra service every Sunday at 10:30AM to 12:30PM
    Where: 53 Georgina Crescent, Kaleen ACT 2617
    (Back of Kaleen Shopping Centre)
    For more information, please PM me or visit

    http://jilcanberra.org.au

    "To God be the glory"

  • lester_lugtulester_lugtu Melbourne
    Posts: 159Member
    Joined: Dec 06, 2013
    @TotoyOZresident,

    Nagpass palang ako ng assessment paper sa EA last january 28. Bale hinihintay ko na lang nyan outcome. Hahanapan ba ko ng possible employer ng membership from EA? Nilagay ko naman sa resume ko na on-going pa din ang EA assessment ko. Ineexpect ko i-read nila ung papers ko by mid june. Thank you sir sa concern. This week sana may tumawag, kahit 1 lang. Hirap pa neto ang hirap magenglish, nauutal ako hehehe.
  • SeraphSeraph Melbourne
    Posts: 5Member
    Joined: May 08, 2014
    edited May 2014
    Hello @TotoyOZresident and sa lahat ng members ng forum:) maraming salamat sa very helpful info na ito TotoyOZresident. Would it be possible for u to send me a copy of the Australian resume format na nabanggit mo sa post mong ito. I'm not aware that there is a specific resume format in Au. I'm actually a newbie here but i have been granted a subclass 190 visa
    Dec 2013. I've been sending applications online way before the visa grant, mainly thru seek.com, and have not received any positive feedback yet. A few friends told me na di maganda ang market jan specifically for engineering where my line of is in. Kaya hesitant akong magresign from my work here in singapore and I have until november of this yr to make my first entry in AU. Some friends advise me to not resign yet until im sure of a job then just have a 1 or 2-week vacation in Au sometime august or september bago mag holiday mood and mga aussies just to test the waters. My agent told me to go take the risk at pumunta jan sa au kahit walang trabahong sigurado. Sabe nya, makakahanap naman daw ako for sure--kahit temporarily e di in line sa trabaho ko. My agent also said that anong good ng visa mo kundi ka agad pupunta dito sa Australia. Hindi pa rin ako makadecide on what to do. Im afraid na maubos ko lang yung ipon ko para makipagsapalaran jan sa Au without a sure source of income. On the other hand, i really want to go there now and escape my very stressful working environment here in singapore. I hope you guys can give me so insights on this. Many thanks!!
  • happyinmelbourne34happyinmelbourne34 Melbourne
    Posts: 174Member
    Joined: Apr 25, 2013
    Hello TotoyOZresident and sa lahat ng members ng forum:) maraming salamat sa very helpful info na ito TotoyOZresident. Would it be possible for u to send me a copy of the Australian resume format na nabanggit mo sa post mong ito. I'm not aware that there is a specific resume format in Au. I'm actually a newbie here but i have been granted a subclass 190 visa
    Dec 2013. I've been sending applications online way before the visa grant, mainly thru seek.com, and have not received any positive feedback yet. A few friends told me na di maganda ang market jan specifically for engineering where my line of is in. Kaya hesitant akong magresign from my work here in singapore and I have until november of this yr to make my first entry in AU. Some friends advise me to not resign yet until im sure of a job then just have a 1 or 2-week vacation in Au sometime august or september bago mag holiday mood and mga aussies just to test the waters. My agent told me to go take the risk at pumunta jan sa au kahit walang trabahong sigurado. Sabe nya, makakahanap naman daw ako for sure--kahit temporarily e di in line sa trabaho ko. My agent also said that anong good ng visa mo kundi ka agad pupunta dito sa Australia. Hindi pa rin ako makadecide on what to do. Im afraid na maubos ko lang yung ipon ko para makipagsapalaran jan sa Au without a sure source of income. On the other hand, i really want to go there now and escape my very stressful working environment here in singapore. I hope you guys can give me so insights on this. Many thanks!!

    hi Seraph, i had the same dilemma as you 3 years ago. Ang gnawa ko ndi ko ginive up muna ang PR ko sa SG and I decided to give it a try here for 2 months at kung walang mangyari babalik ako ng SG eventhough I alreadyy resigned from my job,, matter of fact ay returned ticket ung binili ko non. Luckily after 3 wks of stay here my nahanap nman ako na work Yes, what your friends are saying is true na medyo mahirap ung job market ngayon dto. Anong field mo po sa engineering? Dito kami sa Melbourne, and they say its the manufacturing capital of Aus, but sad to say too many job losses happening specially nung nag announce ung 3 big car makers na they will cease their mfng here, sabi nga sa news eh its about 40 job losses/day at Victoria alone and not much jobs are being created. Added pa na competition is getting tougher na din because of many immigrants coming from UK, China and India as well. My foremer manager from SG, he and the family moved to Brisbane Feb of last year and last time na nakausap ko sya wala padn daw syang work (I think that was Nov), lucky ung wife nya is IT at nagka work agad.

    Maybe you give it a try for 1-2 months but be prepared financially since my kamahalan ang cost of living specially if u dont have relatives or friends na matutuluyan like my case,
  • happyinmelbourne34happyinmelbourne34 Melbourne
    Posts: 174Member
    Joined: Apr 25, 2013
    @Seraph, sorry na pindot ko agad ung post kahit d pa tapos :)

    May point dn nman ung sabi ng agent mo na kung di ka mag take ng risk, wala dn mangyayari.

    May mga nag o-odd jobs muna para lang maka survive or nag start as entry jobs or totally not related a field nila, maybe you can try doing those while looking for a job n tlagang sa field mo.

    Malaking tulong din yung job referral, maybe your friends can refer you to their managers. Ung sales analyst nmin na Iranian she was looking for a job for almost a year, wala syang local experience and d pa ganon ka fluent sa English at dependent visa sya (husband used to be on student visa studying Phd ), nataon n friend nya ung QA manager nmin at nag resign ung analyst, ayun na i-refer sya Operation mngr at na hire nman sya.
  • lester_lugtulester_lugtu Melbourne
    Posts: 159Member
    Joined: Dec 06, 2013
    @happyinmelbourne34,

    Hi.
    Would you say mahirap talaga makakuha ng slot ung mga dependant visa lang ang hawak like me na walang local experience at mejo hirap magenglish? ano maipapayo mo skn? hindi ako makapag-apply ng any PR visa kc hindi pa tpos ang EA assessment ko at kht matapos un hindi pa din ako aabot sa 60points dhil 6.5 lang ang writing ko sa ielts so wlang points to make it to 60points. hay. masyado ba ako nagmadali pumunta dito? it has been 1.5 months na nandito ako melbourne and yet ni 1 call sa mga inapplyan ko walang tumatawag. this week palang ako nagstart magapply ng odd job tgnan ko in this case kung papalarin ako kht pangtawid lang ng gutom.

    usual na hnhnap ng mga employers seek.com eh PR ka. which i do not hav. malamang next year pako ma-pr didikit ulit sa partner ko kapag nag-apply na sya. hay. pakiramdam ko nakalutang lang status ko d2. nalulungkot lang ako. hindi ndn aq mkblik ng pinas kc syempre alam mo na...

    457 visa - dependant type hawak ko. should i ask kapag nag-aapply ako sa mga employer kung cno willing sa kanila magsponsor ng visa kht 457 pdn pero at least ako na ang primary applicant? possible kaya un? i can take again ielts exam here pero ang sbi ng partner ko mahihirapan ndaw ako maka7.0 across dhl mataas ang expectation d2.

    nagmadali b tlga ako pmunta d2?

    hi lester, sa tingin ko nman hindi hindrance unng dependent visa as long as eligible ka na mag-work and swak ung credentials mo sa hinahanap ng company.

    Cguro tlaga lang mahirap ung job market ngayon but hopefully mag pick up ulit. Tyaga tyaga lang tlaga sa pag-aaply :). I know someone na 457 sya then ung wife as dependent nakapasok nman ng work as cleaner sa 1 shopping mall here sa southeast though di ko lang sure kung sya ay ni-refer or nag apply ng sarili nya.

    Habang nagapply ka sa field mo, kuha k ng forklift training para magka license ka yan ang tingin ko medyo madaling makahanap ng work as order picker or warehouse storeman ok dn ang sweldo ng mga ito. Sa company na pinapasukan ko they earn 25-30/hr (or even more) pero matatagal n cla sa company tipong 10-20yrs+ plus na meron pa nga 30yrs na . Dami kcng mga warehouses dto and yan ang business model trend, since mataas ang mfng cost, they tend to import and build warehouses na lang to store products. Although di ko lang sure kung magkano ung fee sa gantong courses, mostly kc govt funded pag citizen at PR maliit lang ang bnabayaran not sure as 457 dependent kung magkano. Dami kming nadadaanan sa mall na booth na ganyan and they say they will train and refer you to jobs once you obtain the license.
  • lester_lugtulester_lugtu Melbourne
    Posts: 159Member
    Joined: Dec 06, 2013
    @happyinmelbourne34,

    thanks sa info and advice. tingin ko din swak ngaun ang warehousing based sa seek.com anyway kahit anong odd job naman papasukin ko na, cleaner pa yan o kitchen hand or even PSA o PCA, lahat need ng certification pero ready naman ako to acquire. un lang wala akong malapitan na pwd magrefer sa mga ganun. kht simpleng cleaning job lang ayos nako.

    hirap lang sa work ko na prefer ko, air conditioning maintenance engr ako pero ni simpleng duct cleaner or air filter service hindi ako magswak. hindi ko alam bkt ni isa walang mag-approve.

    hay salamat sa mga cnb mo. im sure marami pa jan na katulad ng situation ko, basta hwag lang kayo susuko.
  • happyinmelbourne34happyinmelbourne34 Melbourne
    Posts: 174Member
    Joined: Apr 25, 2013
    @happyinmelbourne34,

    thanks sa info and advice. tingin ko din swak ngaun ang warehousing based sa seek.com anyway kahit anong odd job naman papasukin ko na, cleaner pa yan o kitchen hand or even PSA o PCA, lahat need ng certification pero ready naman ako to acquire. un lang wala akong malapitan na pwd magrefer sa mga ganun. kht simpleng cleaning job lang ayos nako.

    hirap lang sa work ko na prefer ko, air conditioning maintenance engr ako pero ni simpleng duct cleaner or air filter service hindi ako magswak. hindi ko alam bkt ni isa walang mag-approve.

    hay salamat sa mga cnb mo. im sure marami pa jan na katulad ng situation ko, basta hwag lang kayo susuko.
    hi lester,

    you're welcome! yup, warehousing ang medyo daming opportunities though required mostly ng forklift license. Ung warehouse supervisor nmin na retrench sya but in matter of 1-2 wks nakahanap agad ng work. Melbourne's port is the busiest port in Au in terms of container and cargo load, kaya medyo mdaming warehousing/transport-logistics jobs.

    May driver's license k n b?
    I think in terms of duct cleaner or air filter service technician tingin ko medyo dami kang ka compete dto un tinatawag nilang mga "tradies".

    Tama wag kang susuko, dadating dn ung tamang opportunity for you as maintenance engr, importante nandito ka na :) and basta nman mgka local experience ka madali na lang dn lumipat.

  • lester_lugtulester_lugtu Melbourne
    Posts: 159Member
    Joined: Dec 06, 2013
    @happyinmelbourne34,

    hi.

    oo may lisensya nako. as per 457 visa, ung non-pro license satin pwede na daw un. pero hindi pako makapag-drive kahit may sasakyan na partner ko. hirap kasi ako hindi pako sanay at mejo nalulula pako. hnd ko alam kelan ako magkakalakas ng loob mgdrive. may fear kasi tlga ako. 1 pa yan. hehehe

    anyway, tama ka nga ang dami ding tradesman d2. sandamukal ang job from gardener to handyman to mechanic to ac tech. pero lahat would require certificate. i knw mas mataas ang bachelors degree sa certificate pero in terms of actual skills tlga, punung puno ang mga trade people kaya mahirap tlga mkpg-compete lalo na naghahanap ang employer ng mga certificates. kaya nga hnd ko alam gagawin ko panu makapenetrate.

    pero ung real na job ng maintenance engr. ung hahawak ka ng tao at gagawa ng maintenance program na magiging company wide based sa pagaaral mo, feeling ko malabo tlga makuha un d2. hindi ganun kalakas loob ko at 1 pa sa pilipinas nga hndi ko din magagawa un d2 pa kaya. pero im not loosing hope. kahit matawag lang na air conditioning engr. o hvac engr one day masaya na ko. hehehe.

    pero sa ngaun, pagiging cleaner muna aasikasuhin ko. masipag naman ako maglinis.

    :)
  • happyinmelbourne34happyinmelbourne34 Melbourne
    Posts: 174Member
    Joined: Apr 25, 2013
    @ lester

    naku tanggalin mo n yang nerbyos mo hehehe para makapag drive k na, magtake k ng ilang driving lesson para matanggal yang nerbyos mo. Ung ibang jobs required nila na marunong kang magdrive or own a transpo. Nung nag appply p lang ako ng trabaho dto , ang lalayo ng mga factories, and laging tanong sa kin if may sarili daw ba kong transpo, nung una sinabi ko na wala pa kc d nman tlaga ko marunong mag drive nung dumating ako dto, ayun need daw nila ng may sasakyan kc nga not accessible by public transpo ung lugar.

    Nung nagka work ako, naghanap ako ng unit na medyo malapit 15-20 mins na lakaran papuntang workplace. Ok dn nman, yun nga lang pag winter mahirap dn maglakad kc maulan at pag 0-5 degree sa umaga ang hirap kahit ilang layers na yung suot ko eh nanginginig pa dn katawan ko sa lamig, kaya nag enroll ako sa driving school para matutong mag-drive. Ngayon ok na, nakapag drive n nga ko Melbourne to Sydney, roundtrip pa hehehe :)
Sign In or Register to comment.
LATEST 10 ACTIVE DISCUSSION THREAD
angel_iq4

Qatar

most recent by hhm9067

angel_iq4

Migration

most recent by Cerberus13

Welcome to Pinoy AU Community!

The longest running Pinoy-Australian Forum site in the history. We are connecting Pinoys "in" and "to" Australia since 2010! If you want to join in, click one of these buttons!

Categories

Random Members
(55322)

jsm99KMacaballugjeszaatauKevinleealydaineKennethnawvic2023_2024jomcabertecaothinhpawie24ajfcarpiospencerlykadesislifeminminjainahlanzonmj_wakandamidnightkimchimarivicgaetosavmjulieannjaja
Browse Members

Members Online (1) + Guest (129)

jess01

Top Active Contributors

Top Posters