Ad space available
reach us at [email protected].
Major update has been completed. Please help to report any abnormality that you are facing (in case there is any) to [email protected] . Thank you for your continued support guys!

Denied to study at Deakin (BSN) due to previous 2 tourist visa refusals

Hello! Hingi lang po ng advice. May naka experience na po ba dito na may tourist visa refusal at planong mag apply sa Deakin?

3 times na po ako nag apply for tourist visa sa Au. Yung first time, 2012 approved naman, single entry at 3mos stay (unemployed RN, single mum). Wala naman talaga akong plan mag apply dun ng work or any thing, leisure lang talaga.

Next apply was ilang weeks pagkauwi. Same situation, unemployed dito sa Pinas. May tumawag sa akin kung ano daw gagawin ko dun, sabi ko tour. Ang sabi, di mo pa ba na tour ang Aus sa 3mos stay mo? hahaha. Sabi ko , hindi pa. So denied kasi wala daw ako work dito at di genuine yung intention.

Tried in 2014 ulit to apply, this time kasama na si daughter, 3mos lang din inapply namin. With work na ako nun at in-early enroll ko sya sa school para may proof na enrolled sya dito at plano naming bumalik. Nag pasa rin ako ng COE as proof na employed ako at pinayagang mag leave. Company nurse at medyo maluwag naman sa workplace ko kaya pumayag sila. But, denied pa rin kahit may iba pang prook like payslips, bank statements, etc. Ang sabi, may work daw ako dito bakit ako aalis? hahaha. Di ko na alam saan ako lalagay sa kanila, may work o wala, denied. Hay.

Anyway, planning to study na ng Conversion dyan Au, tried passing my docs sa Deakin kahit wala pang english result. Isinama ko na rin yung copies ng visa refusals ko kasi kako gusto kong maging honest sa kanila. My agent is AECC nga pala. Denied sa kanila kasi di raw genuine at may history ng visa refusals. Any suggestion of what to do? Ayoko rin kasing masyadong umasa sa agent kasi limited lang naman din yung schools na sakop nila. Ang advice sakin ngayon ay sa ibang lugar ako mag aral, like Perth eh Melb yung relatives ko. Dagdag gastos ang food and acco kung sakali eh alam naman nating mahal ang gastos dyan kaya hanggat maari ay dun sa tipid mode. Hays.

Any insights mga kapatid? Maraming salamat.

Comments

  • purla18purla18 Cebu, City
    Posts: 39Member
    Joined: Nov 07, 2016
    edited August 2019
    Hi girl, @turophile , so sad to hear that! Hindi ka talaga tatanggapin ng Deakin if may history ka ng visa refusal. May level classification kasi ang mga schools sa AU sa immigration. Like level 1 yung mga University of Sydney, Deakin, etc. then level 2 mga colleges at level 3 ibang mga vocational schools. Yung reason bakit di ka tinggap kasi kapag ang school nka issue nang COE sayu at na deny ang visa mo bumababa ang rating nila baka instead na level 1 sila magging level 2. Sa case mo kasi dalawa kna na deny kaya parang risky kna sa kanila. I suggest iapply mo lahat lang ng schools at subukan mo lng alin ang tatanggap wala naman mawawala pag inaplayan mo lahat.

    Good luck sayu!
  • turophileturophile Posts: 46Member
    Joined: May 10, 2018
    hi @purla18 ! maraming salamat sa pag sagot. Sa ngayon, hanap na nga lang ng ibang school na tatanggap. hays...thank you ulit!
Sign In or Register to comment.

Welcome to Pinoy AU Community!

The longest running Pinoy-Australian Forum site in the history. We are connecting Pinoys "in" and "to" Australia since 2010! If you want to join in, click one of these buttons!

Categories

Random Members
(55471)

rubyvaleriekstinedcAusiKrhyzziamarjBasiaoshikinrakanneli09msdiviercsjavierjamelenthomasfarmskitchenaquarius90ferdibloomcobi1990Joana1630atwicsgroupDoix14KenyoStreetFamilyAtandecoco
Browse Members

Members Online (2) + Guest (176)

baikenrurumeme

Top Active Contributors

Top Posters